MS#15

22 1 2
                                    

"Umiyak ka lang kung gusto mo," rinig kong sabi ni Kenzo. Nasa garden kami at magkatabing nakaupo. Siya ang humila sa akin. Kung wala siya o kung hindi niya 'yon ginawa baka kung ano na nangyari sa akin.

Gusto ko ngan umiyak pero walang lumalabas sa mga mata ko. Nakatitig lamang ako sa mga bulaklak.

Mga litrato namin ni President ang nasa tarpaulin mula sa pagtututor niya sa'kin, pagsasayaw noong mini party, at pakikipag tulungan sa pagkabit ng tarpaulin. Lahat ng iyon ay kinunan kami ng palihim. At hindi ko alam kung sino ang may gawa non.

"Nasaktan ako sa nakita ko. Matagal ko na rin naman alam na may gusto ka kay President. Kung paano mo siya tingnan, kausapin at lapitan. Lahat ng 'yon ay nahalata ko sa'yo. Alam kong iyon ang dahilan kaya hindi mo ako sinagot nung nag-confess ako sa'yo. Dahil si President ang gusto mo at hindi ako."

"Sorry Kenzo. Sorry kung hindi ako nakasagot agad. Sorry kung hindi ko masuklian ang pagkagusto mo sa akin. At sorry din kung nasaktan kita."

"Hindi mo 'yon kasalanan. Handa naman ako maghintay."

Sobrang thankful ako kay Kenzo dahil kahit na nasaktan ko siya at kaibigan lang ang turing ko sa kanya ay nandyan pa rin siya para sa akin. Siya ang tumutulong upang gumaan ang pakiramdam ko.

Pagkatapos ng nangyari at halos kalat at ako na ang pinag-uusapan ng lahat. Nalaman ito ng SC at pinagtanggal ang tarpaulin. Hindi ko alam kung ano naging reaksyon ni crush. Hindi ko pa siya nakikita. Pero nung isang araw nakita ko siya kasama nga lang ni Carla. Nasaktan din ako na makita silang magkayakap.

Iniisip ko nga na baka nga nagmamahalan na ang dalawa. Baka ako lang talaga ang sumisira sa kanila. Pero ayokong bitawan ang dalawang taon na pagkakagusto ko kay President. Parang sumuko na rin ako. Sayang naman 'yung effort na ginawa ko. Nakikita ko na may progress sa amin dalawa, tsaka ko pa bibitawan.

Gusto kong sundin ang nararamdaman ko at hayaan na sumabay sa agos. Baka magbago pa ang ihip ng hangin. Baka masyado lang kami pinaglalaruan ng tadhana.

Pumapasok pa rin ako sa school kase na chinichismis ako ng lahat. Wala naman silang alam sa nangyayari puro lang sila panghuhusga at paninira.

Isang hakbang na lang ay nasa rooftop na ako. Nakita ko siya roon mukhang kanina pa siya naghihintay.

"Nandito na ako."

"Mabuti dumating ka."

"Ano ba ang gusto mong sabihin?" tanong ko sa kanya.

"Siguro naman sobra kang naapektuhan sa nangyari? So, stop flirting him. This is the last time na wawarningan kita. Siguro naman naalala mo ang huli kong sinabi sa'yo, na kapag hindi mo siya nilayuan may gagawin akong isang bagay para maging miserable ang buhay mo."

"Ikaw ang gumawa non?"

Isang ngiti ang pinakita niya sa akin. "Yes. Ako ang nag-utos sa tatlong babae na saktan ka kapag hindi ka umamin sa kanila na nilalandi mo si President. Ako rin ang gumawa ng tarpaulin at nagdikit para makita ng lahat na inaagaw mo siya sa akin."

Walang anu-ano na lumapit ako sa kanya at sinampal siya. Nagulat siya sa ginawa ko at akmang sasampalin din ako na mahuli ko ang kamay niya kaya hindi niya iyon naituloy.

"Ang sama mo."

"Tsk. Matagal na akong masama. Gagawin ko ang lahat para masira ka at hindi mo siya maagaw sa akin. Kahit anong gawin mo, ako at ako lang ang pipiliin niya."

Hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. Dumain siya sakit at bago ko siya bitawan ay tinulak ko siya. Napaupo siya at sinamaan ako ng tingin.

"Kulang pa 'yan sa lahat ng ginawa mo sa'kin. Sana man lang kinopromta mo muna ako bago ka gumawa ng aksyon. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan at na-trauma sa pangbubugbog. Hindi mo rin alam kung paano naapektuhan lalo na ang pag-aaral ko dahil sa tarpaulin. Ganyan ka ba kadesperada? Ganyan ka ba ka-obsessed sa kanya?"

Magic Shop [COMPLETED] PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon