Tatlong ring ang narinig ko sa kabilang linya na itapat ko na ito sa tenga ko. Umaasa ako na may sasagot. Matindi na ang takot at nanginginig na rin ako.
"ADRIELLE!"
Boses ni Amber 'yon ah.
"Amber, tulungan mo ako." Agad ko naman kinalampag ang door knob para malaman niya kung nasaan akong cubicle.
"Teka," nahanap niya ako at pinilit na buksan ang pinto kaso hindi niya raw mabuksan. "Babalik ako Adrielle hihingi ako ng tulong."
"Amber,"
Wala ng boses akong narinig umalis na ata siya. Namatay na rin ang tawag ko sa isang number nawalan na kase ng signal. Binalik ko na sa bag ang cellphone at hinintay si Amber. Halos 15 minutes na ako sa loob ng restroom hindi pa rin bumabalik si Amber. Napaupo na nga lang ako sa kakahintay. Mabuti na lang hindi mabaho sa loob kung hindi baka mahimatay na ako rito.
Bigla naman ako napatayo na parang may kumakalikot ng door knob. Bumalik na ata si Amber. Akala ko hahayaan niya na lang ako rito. Ayoko ngan mabulok dito 'no. Dahan dahan naman bumukas ang pinto. At sa pagbukas nito agad ko niyakap si Amber.
Pero napahinto ako sa ginawa ko na mapagtanto na hindi pala si Amber ang niyayakap ko. Mabilis akong humiwalay at gulat na gulat na mapatingin kay Crush.
OMG! Nakakahiya ka Adrielle.
"Adrielle," napalingon naman sa gilid ko na nandoon pala si Amber at Gia. Nakakaloka at sobrang nakakahiya. Ano na lang iisipin ng dalawa. Lumapit sa'kin si Amber at nagpasalamat kay Crush.
"Pasensiya ka na President minsan kase may pagka anga si Adrielle. Suggest ko na lang na ayusin kaagad ang cubicle na 'yan para wala ng makulong."
"No problem I will ask Neo about it."
Tumingin muna siya sa'kin bago umalis. Doon lang ata ako nakahinga ng maluwag. Para akong sinasakal pag nandyan siya.
"Okay ka na ba Adrielle?" Tanong ni Gia.
"Oo. Ayos lang ako. Sorry kung naabala ko kayo ni President."
"Ano ka ba wala 'yon. Tsaka responsibilidad namin na tulungan ka lalo na SC kami. Basta ang mahalaga ligtas ka na. Sige mauna na ako."
Nang makaalis na si Gia nakatanggap ako ng batok kay Amber. Ang sakit nun ah. Anong problema niya?
"Bakit mo ginawa 'yon?"
"Ang alin?"
"Nagdedeny ka pa. Bakit mo siya niyakap? Anong akala mo nasa fairytale ka ar niligtas ka ng Prince Charming mo? Aish naman, lumilipad na naman ba ang utak mo?" Minsan talaga este araw araw masakit magsalita si Amber. Kaya nga napapaisip ako kung layuan ko na siya.
"Nagkamali ako akala ko kase ikaw 'yong nagbukas ng pinto. Sorry na Amber hindi ko talaga alam."
"Yaan muna. Medyo naguguluhan lang ako."
"Bakit? Anong meron?"
"Nakasalubong ko si Carla kanina tinanong ko sa kaniya kung nasaan ka sabi niya nandito ka nga raw. Alam naman niyan may sira ang cubicle na pinasukan mo bakit hindi ka niya sinabihan. Hindi man lang niya inisip na makukulong ka nga. Nalaman ko na lang kay President na sira talaga ang cubicle na 'yan at hindi pa napapaayos."
"Baka nakalimutan niya lang." Sabi ko na lang baka nawala sa isip niya since meron siya ngayon.
Bumalik na kami ni Amber sa room at nagumpisa magklase. Papalapit na rin pala ang retreat namin. At s'yempre excited ako gagawin ko ang lahat para maging memorable 'yon.
BINABASA MO ANG
Magic Shop [COMPLETED] PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE
Teen FictionOnce you enter there's a true love for you. Adrielle is totally in love to his crush for almost two year's. One day, she saw a Magic Shop near to their school. She went inside and she saw an old Woman, the owner of the shop. She offered her a glitte...