MS#9

12 4 3
                                    

"Adrielle,"

Paglingon ko sina Cissy at Amber pala. Nabalitaan din pala nila ang nangyari samin ni Crush. Nasa labas ako ng SC habang nasa loob sina Gia, Carla, Neo, Yuan at si President. Pinalabas muna ako dahil baka saktan ako ni Yuan. Pinapaayos na agad ang drop form niya.

"Kayo pala,"

"Musta? Ayos ka lang ba?" Tanong ni Cissy.

"Oo naman eto buhay na buhay pa rin ako."

"Gaga ka. Lapitin ka talaga ng disgrasya eh 'no."

"Ano ka ba Amber wag mo muna sermonan si Adrielle. Ikaw talaga wala ka rin pinapatos." At nag sagutan na naman ang dalawa. Palagi naman silang ganyan pagdating sa'kin. Tingin ko nga hindi talaga ako belong sa friendship nila. Palagi nga kase ako lapitin ng disgrasya at walang ginawa kundi pag alalahanin lalo na si Amber.

Bumukas ang pinto ng SC at lumabas doon si Neo kasama si Yuan. Wala naman silang sinabi at nilagpasan lang kami. Kasunod naman lumabas si Gia.

"Nandyan pala kayo."

"Pinuntahan lang namin si Adrielle." Sabi ni Cissy.

"Bumalik na kayo sa klase n'yo. Wag kang mag aalala Adrielle wala ng manggulo sa'yo unti unti na rin naman napaalis ang mga nambubully ng dahil sa'yo. Atleast may kapayapaan na rin ang University ng dahil sa'yo."

"Tsk, may naitulong pala 'yon." Sabi naman ni Amber. May galit talaga siya sa'kin 'no.

"Sige na Gia mauna kami." Wika ko at hinila na ang dalawa. Subalit may tumawag sa pangalan ko kaya napahinto ako sa paghila sa dalawa.

"Kakausapin ko lang saglit si Adrielle."

Ano na naman kaya kailangan nito sa'kin. Pinauna ko na ang dalawa at sumunod kay Carla. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta basta ang pagkakaalam papunta kami sa rooftop. Bakit dito pa? Puwede naman sa baba naman. Mahalaga ba ang sasabihin niya.

Nang nasa rooftop na kami akmang may sasabihin ako na nakatanggap ako ng malakas na sampal mula sa kaniya. Sampal na di ko inaasahan. At para saan naman 'yon.

"Hindi ka talaga nadadala." May pagkainis ang boses niya.

Wait, wala naman akong naalala na may ginawa ako sa kaniya.

"Hindi ki-"

"Stay away from him." Pagtigil niya sa sasabihin ko. Ah so, about pala ito kay Crush. Wag mong sabihin na nagseselos siya. Kaya niya ako sinampal dahil akala niya nilalandi ko ang man of her life. Kontrabida pala ako sa talambuhay nilang dalawa. Kung alam niya lang bago siya dumating sa Universisty na 'to ako ang naunang magkagusto sa kaniya. Tapos ako pa ang palalabasin niyan masama at mang aagaw.

"Bakit ko siya lalayuan?"

"Because I say so. Stop flirting him, okay? Hindi ka niya magugustuhan dahil alam mo kung bakit? Dahil wala siyang feelings para sa'yo. Itatak mo rin sa utak mo bago ka manghimasok at kunin ang akin tignan mo muna ang sarili mo sa salamin. Your are not beautiful like me, you are not famous like me and you are not be his girl like me. He will not choose you over me. At uulitin ko 'to hanggang matauhan ka." Galit n'yan sabi.

Gusto ko siyang sampalin din. Pero kada gagawin ko 'yon nakokosensya ako. Hindi naman ako kagaya niya na nanakit at iba ang ugali. Lumalabas na talaga ang masama niyan pagkatao. At pinagyayabang niya pa na siya ang mas pipiliin keysa sa akin. Duh! Hindi siya papatol sa may sungay.

Siguro nga mas lamang siya sa'kin dahil maganda siya. Marami ang nagkakagusto sa kaniya pero puro panlabas naman ang nagugustuhan nila sa kaniya. Sabihin natin mas pipiliin nga siya nga mga tao dahil mas kilala siya compare sa'kin. Pero hindi ko ninanais na maging kagaya niya. Kuntento ako sa kung ano ako. At hindi ko pinangarap na maging ako siya.

Magic Shop [COMPLETED] PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon