MS#13

8 1 1
                                    

Pagkatapos ng limang lalaki ay napunta na ako kay crush. Naiilang ako at nahihiya na lumapit sa kanya. Dahan-dahan akong humawak sa balikat niya at parang nakuryente ang katawan ko na ilagay niya ang mga kamay niya sa bewang ko. Ito ang kauna-unahang hahawakan ako ni crush. Para naman akong mara-rape haha.

Hindi ako makatingin sa mga mata niya dahil sa nararamdaman kong hiya at kaba. Nararamdaman ko rin pinagpapawisan ako. Ganito pala ang feeling na sobrang lapit ka kay crush. Sobrang nakakatameme.

"You look pretty tonight." Biglang umangat ang tingin ko sa kanya ng marinig ko 'yon. Sinabi niya ba talaga 'yon? Para kaseng nabingi ako. Pwede bang pakiulit.

"Thank you."

"I have a question from you."

"A-ano 'yon?"

"Halimbawa, may gusto kang makuha, pero hindi mo makuha dahil hindi naman 'yon para sa'yo. So, gumawa ka ng paraan para kuhain ang bagay na 'yon. Gumawa ka ng isang kasalanan para makuha lang iyon. Sa tingin mo ba, tama ang ganon way?"

"Hindi."

"Bakit hindi?"

Taka na akong nakatingin sa kanya. Ano ba ang pinapalabas niya? Hindi ko siya maintindihan.

"Kase...hindi tama na gumawa ng kasalanan para lang makuha mo ang bagay na 'yon. Kung gusto mo talaga paghihirapan mo at gagawin mo ang best mo in a good way para makuha 'yon. Sabi nga nila, kung para sa'yo ay para sa'yo."

Isang ngiti ang nakita ko sa kanya. Nginitian niya ba ako o dahil sa sinabi ko. Ang gwapo niya talaga kapag ngumingiti.

"Tama ang sinabi mo. Sana...hindi mo makalimutan ang pinag-usapan natin."

"P-para saan ba 'yon?"

"Well, meron lang gustong iparealize sa'yo. Masaya ako na nakausap kita at nakasayaw." Binitawan niya na ako at lumipat na siya sa isang kaklase ko.

Tapos na ang mini party pero ang lahat ay hindi pa rin nagpapalit. Dahil minsan lang naman ito mangyari bakit hindi na lang namin sulitin. Hindi ko kasama ngayon sina Amber at Cissy nasa kuwarto na sila at kasama ata si Gia. Hindi ko alam ang ginagawa nila ayoko naman sumama.

Nasa kusina para uminom ng tubig. Paalis na sana ako ng makita ko si Carla. Walang nagsalita sa amin. Ayokong unahan siya dahil baka mapagsisihan ko. Kailangan siya muna ang magsalita.

"Sinadya mo ba 'yon?" May pagkainis ang boses niya. Tungkol siguro ito sa nangyari nung nagsasalita siya. Inaasahan ko naman talaga na kakausapin niya ako.

"Ang alin?"

"Tsk. Huwag mo ako gawin tanga. I will not repeat what I'm asking to you, iisipin ko na lang sinadya mo 'yon para hindi malaman ng lahat na may gusto ako kay President. Ano ba ang kinatatakot mo? Matagal ng alam ng lahat na may something sa amin ni President, pero nakikiepal ka. Uulitin ko, hindi ka niya papatulan hindi siya pumapatol sa mahina at hindi kagandahan babae. May class siyang pumili at alam kong ako ang pipiliin niya."

"Bahala ka kung ano ang gusto mong sabihin sa akin, wala naman ako magagawa kung ganyan ka mag-isip. Kung mahina man ako para sa'yo hindi naman ako kagaya mo na matalino na nga hindi naman ginagamit sa maayos ang pag-iisip. Hindi rin man ako kagandahan kagaya mo hindi rin naman ako kagaya mo na maganda na nga masama pa ang ugali."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Tsk. This is my last warning to you, kapag nakita pa kitang kasama si President hindi lang parusa ang aabutan mo. Wala rin ako pakielam sa mga kaibigan mo. Ikaw ang gumagawa ng paraan para sirain ang pangalan mo. Tingnan natin kung kaya mo pa ako labanan."

Pagkaalis niya ay umalis na rin ako sa kusina. Hay, puro na lang banta ang gumagawa niya kapag magkasama kami. Akala ata niya natatakot ako sa kanya. Hindi na ako matatakot at lalaban hanggang wala pa akong ginagawang mali.

Magic Shop [COMPLETED] PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon