Ngayon araw ang punishment ko. Sobrang kalat na nga sa buong campus ang pagpapahiya ko kay Carla. Actually, wala naman akong ginawa. Sinabi ko lang naman ang side ko. Masyado talagang judgemental ang mga tao ngayon. Excited pa naman ako mamayang hapon kase baka turuan ako ni crush.
Habang nag-iintay kami ng klase, eto ako pinaglalaruan ang inosenteng ballpen. Ayoko kaseng makipagdaldalan kina Amber at Cissy pinag-uusapan nila 'yong pag-ma-mall sa Sabado, hindi naman ako makakasama. May tutor ata ako no'n.
"Sino ang nag-tu-tutor sa 'yo?" biglang tanong ni Shaniah.
Tatahimik na lang ako kesa sagutin pa siya.
"Si President ba?"
Napaayos ako ng upo at ngumisi siya.
"Paano mo nalaman? Wala pa naman ako sinasabi."
"Nakita ko kayo kahapon, ang sweet ninyo nga. Kung makikita kayo ng ibang istudyante sa malamang aakalain nilang may relasyon kayo."
Medyo kinilig naman ako sa sinabi niya. Sayang lang walang picture isasama ko naman 'yong sa collection ko.
"Wala lang 'yon."
"Sus, kung ako nasa kalagayan mo baka naihi na ako sa sobrang kilig. Alam mo bang marami rin nagkakagusto d'yan kay President. Ang gwapo ba naman kase."
Nawala ang kilig ko dahil parang siya pa ang kinikilig. Aagawan pa ata nito. Medyo lumayo ako sa kanya at sa iba na lang tumingin. Okay na ang usapan namin, ta's mapupunta sa gano'n.
"Adrielle, samahan mo ako sa SC ibabalik ko na kay Neo 'yong form." Paglapit sa akin ni Amber.
Himala ako na inaaya niya. Tatanggi pa ba ako s'yempre go na.
Lumabas na kami ng room at dumiretso sa SC. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa likuran at pangiti ngiti na lang. Hindi pa kami nakakapasok sa loob na makarinig kami na parang nagkakagulo.
Natagpuan namin nag-aaway pala sina President at Chico, ito 'yong basagulerong istudyante sa Section F. Ilan beses na 'yan naparusahan sa pagiging mayabang at bastos. Inaawat naman sila ni Neo at Carla.
"Ang yabang mo, akala mo uurungan kita," singhal ni Chico kay crush.
Ang cool nga lang niya habang nakangisi, ba't gano'n kinikilig ako sa kanya.
"Tumigil ka na nga. Gusto mo maparusahan ulit. Lumalabag ka na naman sa batas ng SC. Walang siniman ang maaaring manakit sa amin," wika ni Carla.
"Eh, ano naman, bakit sinasaktan ka ng gago mong ex dati? Hindi ba secretary ka na no'n?" balik na sabi ni Chico na ikinagulat ni Carla at siyempre kami rin.
"Tsk, ihahanda ko na ngayon ang suspended form mo for 1 week. Sumusobra ka na."
"Umalis ka na lang Chico, marami na ang nakakakita baka makarating pa ito kay principal. Nakikiusap ako." Paghawak ni Neo sa balikat ni Chico.
Kaya lang, lumayo ito at napatingin sa'kin. Ano naman kinalaman ko? Bigla naman ako umatras at humawak sa braso ni Amber. Nakakatakot siya tumingin parang may balak na hindi maganda.
"Hoy, 'wag kang ganyan tumingin sa amin. Paalisin n'yo na nga 'yan," sabat na ni Amber hindi ata nakatiis.
Tumaas naman ang dalawang kamay ni Chico na parang sumusuko at muling tumingin kay crush.
"Babalikan kita. Huwag kang mapetiks petiks."
Napahinga naman ako ng maluwag na lumabas na ito sa SC room.
Binigay na rin ni Amber ang form kay Neo. At ako eto tinitignan lang si Crush habang kausap si Carla. Sila na nga ba talaga? Tinanong ko naman siya pero hindi naman siya sumagot.
BINABASA MO ANG
Magic Shop [COMPLETED] PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE
Teen FictionOnce you enter there's a true love for you. Adrielle is totally in love to his crush for almost two year's. One day, she saw a Magic Shop near to their school. She went inside and she saw an old Woman, the owner of the shop. She offered her a glitte...