"Kenzo, ano ba ang pinagsasabi mo?" Medyo nahiya ako sa sinabi ni Kenzo.
"Tsk, Kaya naman pala."
Nagulat ako ng hawakan ako ni Kenzo at hinila palabas. Binitawan niya lamang ako nang mapadpad kami sa may bandang duyan.
"Amoy alak ka, kelan ka pa natuto uminom? Kaya naman nilalapitan ka ng gagong 'yon. Paano kung tsumansing 'yon na halikan ka."
Humawak ako sa ulo at napairap sa kawalan. Siya ata ang nakainom, mas malala pa ang tama niya sa akin.
"Hindi niya ako hahalikan. E, ano naman kung uminom ako."
"Kasama sa rules na bawal ang uminom tapos umiinom ka. Sino ba ang kasama mo sina Amber?"
"Huwag mo na lang ako pakielamanan okay." Tinalikuran ko na siya dahil ayoko siyang kasama kaso hinawakan niya ako sa kamay. "Ano na naman?"
"Dumito ka muna. Nasa labas si Carla baka maamoy ka niya at kapag nalaman niyan uminom ka baka parusahan ka."
Lumingon ako sa resthouse at nandoon nga siya. Balak ko sana bumalik sa kuwarto namin nina Amber, baka kase hanapin ako ng mga 'yon.
Kaysa naman mangawit ako kakatayo ay umupo ako sa isang duyan. Ganoon din ang ginawa ni Kenzo. Hay, naguguluhan talaga ako sa lalaking 'to. Ang hilig-hilig manghila.
"Malapit na tayo grumaduate," rinig kong usal ni Kenzo.
"Kaka transfer mo pa lang, graduation na agad ang nasa utak mo." Napailing ako sa sinabi niya.
"Advance ako mag-isip pake mo ba. Siya nga pala, may naisip ka na kung ano kukunin mo sa College?"
Hindi ako nakasagot kaagad. Sa totoo lang hindi pa ako nakakapag decide. Ang dami ko kaseng course na gustong i-take kaso ayaw sa'kin nung course. Pero kailangan kase maging kaklase ko si Crush. Kaso, kung kukunin niya ang accounting hindi dapat iyon ang kunin ko. Sobrang hina ko sa math.
"Wala pa ako maisip."
"Bakit wala pa? Huwag mong sabihin gusto mong malaman ang kukunin ko para maging magkaklase tayo ulit."
Umirap ako. "Bakit naman kita susundan? Ayoko nga kita kasama pati ba naman sa magkasama pa rin tayo. Tama na ang taon na 'to."
"Ang sakit mo magsalita. For sure kapag hindi tayo nagkasama sa college, mami-miss mo ako."
Umawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Ang lakas talaga ng hangin nito. Ang kapal ng mukha.
"Siguro nung nagbigay si Lord ng yabang at kapal ng mukha sinalo mo. Grabe ka."
Humalakhak siya at napahawak pa sa tyan. "Hindi muna ba nakakaya? Baka naman naiinlove ka na talaga?"
Agad akong tumayo. "Ewan ko sa'yo. Kausapin mo na lang ang buhangin baka matuwa pa ako. Dyan ka na nga." Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Umalis na ako at bumalik sa resthouse.
Habang pabalik ay may mabilis na humila sa akin. Tinakpan nito ang bibig ko at pinatay ang ilaw. Syempre, pumiglas ako. Hindi ko kilala ang taong humila sa akin. Baka mamaya irape ako nito.
Aapakan ko sana ang paa niya na bitiwan na niya ako at tinulak palayo. Doon ko napagtanto na si crush pala 'to. Bakit niya ginawa 'yon?
"Dumaan si Carla, baka maamoy ka niya."
"Ah. Amoy na amoy ba na nakainom ako?"
"Medyo."
Concern ba siya kaya niya 'yon ginawa.
"Salamat. Babalik na ako sa kuwarto namin nina Amber."
Pagkabalik ko sa kuwarto ay wala na akong naabutan gising. Paano ba naman ang dalawang 'to nakahandusay na sa sahig at wala ng malay. Kalat-kalat pa ang pagkain at nakatumba ang mga boteng ininom namin.
BINABASA MO ANG
Magic Shop [COMPLETED] PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING HOUSE
Teen FictionOnce you enter there's a true love for you. Adrielle is totally in love to his crush for almost two year's. One day, she saw a Magic Shop near to their school. She went inside and she saw an old Woman, the owner of the shop. She offered her a glitte...