Five

114 3 0
                                    

Chapter 5

Flying V

{ Jandria's Point of View }

"Hoy!" Sigaw ko dun sa lalaki kasi bigla bigla nalang pumasok sa kwarto ko. Kinuha ko kaagad sa kamay niya yung notebook ko na hawak niya. Hahawakan pa dapat niya yung ballpen ko nang bigla ko siyang sigawan. Yun kasi yung ballpen na hiniram ni Jungkook. Syempre, kailangang itreasure ang mga ganyang bagay.

"WAG MONG HAWAKAN YAN AT LAHAT NG NANDITO. CHUPII!! ALIS KA NA DITO SHOOO!" Gwapo si kuya oo, pero baka isa to sa mga budol budol gang o kung ano man tawag sa kanila o baka makati kamay ni kuya kaya tinulak ko kaagad siya palabas ng bahay namin.

"Umuwi ka na sa bahay nyo kuya kasi pagabi na oh. Baka marape ka pa ng bakla dyan, gwapo ka pa naman kaya uwi na." Isasara ko na yung pinto ng biglang hinarang ito nung lalaki.

"Wala akong mauuwian." Nag-pout siya.

"Alam mo kuya, tigil tigilan mo ko sa mga ganyan mo. Alam ko na yang mga ganyan. Hinding hindi mo ko mauuto kaya shooo alis na." Pagtataboy ko sa kanya. Isasara ko na dapat yung pintuan pero bigla niyang tinulak ng malakas yung pintuan at kinorner ako sa likod ng pintuan. Omg. Ano to ano to?!? Bakit nangyayari yung mga napapanuod ko?! Omg. Mas maganda sana kung si Jungkook. Mas nakakakilig. >___<

Ano ba yan, Jandria. May nangyayari na ngayon sayo, naiisip mo pa si Jungkook na siya nalang yung nangkokorner sayo ngayon at hindi 'tong si kuya na hindi mo manlang kilala. Jusme. Ang landi.

Nakatingin ng seryoso si kuya sa akin habang ako iniimagine na si Jungkook ang nasa harap ko ngayon. Sana talaga si Jungkook to. Sana sana sana.

Pero paking teyp. Ang lakas ng trip ni Kuya. Bigla ba namang sumayaw ng weird sa harap ko habang nakangiti. Push mo yan. Uunlad ang Pilipinas sa pagsayaw mo.

"Hihihihi." Tumawa siya pagkatapos niyang magsayaw.

"Okay na kuya? Tapos ka na? Pwede ka nang makauwi." Tinuro ko yung pintuan namin at binuksan pa ito. "Go na. Bye na." Nginitian ko siya. Nginitian niya rin ako at nagbow. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa pinto. Hays salamat. Uuwi na rin tong lalaki to. Makakanuod na ulit ako ng k-drama...

"HOY!! SAAN KA PUPUNTA?!?!" Aba si kuya. Biglang tumakbo kung saan sa bahay. Anong akala niya dito? Playground? Park? Hutaness naman oo. Hinabol ko tuloy siya.

"HOOOY!!"

"Hihihihihi." Bigla siyang pumasok sa isang kwarto at naglock. Pinagpapalo ko yung pintuan. Shet naman oh.

"HOY KUYAAAA!! LUMABAS KA DYAN!!!" Putek. Pumasok pa talaga siya sa kwarto na wala akong susi. Kwarto kasi yon ni Kuya Drio at nasa kanya ang susi non. Aish.

Patuloy lang ako sa pagkatok hanggang sa mapagod na ako. Ay nako. Bahala nga siya dyan. Pagod na ako. Gusto ko nang matulog. Mukha namang hindi magnanakaw or what si kuya. Good luck nalang sa akin bukas kung may maratingan pa akong gamit. Basta matutulog na ako.

Kinuha ko yung unan at kumot ko. Dahil wala namang malalabasan si kuya except sa pintong to, dito nalang ako matutulog para mabantayan ko siya. Baka kung ano pang gawin niya dito sa bahay.

➖➖➖

"Hmmm.."

"Hmm."

"Hmmmm."

"Hmmm."

"Aish." Nagtalukbong ako sa kumot ko.

*poke*

My Alien From The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon