Chapter 10
Halo-halo
{ Jandria's Point of View }
Sabi nila, ang mga alien ay extraterrestrial o mga creatures na hindi galing dito sa earth. May mga nagsasabi naman na kapag sa larangan ng batas, ang ibigsabihin ng alien ay hindi citizen ng isang bansa. Kung ipapadescribe mo naman sila sa mga tao, ang sasabihin nila sa mga alien ay mukhang monster, nakakatakot, reptiles o kung anu ano pa basta hindi maganda.
Pero bakit 'tong alien na kasama ko, hindi naman siya nakakatakot at hindi siya mukhang monster. Ang gwapo pa nga niya eh. Baka naman nagpapanggap lang siyang may katawang tao? What the heck.
Inobserbahan ko yung mukha pati katawan niya habang nakatingin siya sa mga bituin. Hmm. Mukhang tao naman siya. Mas mukhang tao pa nga siya kesa sa kapitbahay ko. Wala naman akong nakikitang bagay na makakapagpatunay na nagpapanggap lamang siyang may katawang tao.
Nilapitan ko siya kaya napatingin siya sa akin. Agad kong kinurot yung dalawa niyang pisngi at pinaghihila pa ito. "OUCH!" Tinanggal niya yung pagkakakurot ko sa pisngi niya. Himala, hindi natanggal yung balat sa mukha niya.
"Bakit mo ko kinurot?"
"Naninigurado lang ako na hindi ka monster." Kinurot ko yung braso niya at sinusubukang tanggalin yung balat. Baka mapunit at lumabas ang totoo niyang itsura.
"Walang pinagkaiba ang mga tao dito sa planeta namin. Ni itsura man o ugali, magkapareha lang. Kaya tigilan mo na yan." Tinanggal niya yung kamay ko sa braso niya.
"Eh bakit kami walang powers?" Nag-shrug lang siya sa akin "Ang daya. Kayo may powers tapos kami wala. Tss. By the way, ano nga pala powers mo? Anong kaya mong gawin na hindi kayang gawin naming mga tao?"
"Hmm." Nilagay niya sa baba niya yung hintuturo niya. "Basta."
"Kaya mo bang magpalabas ng apoy sa kamay mo? O kaya magwater bending? O kaya related sa hangin? O kaya mala-Elsa yung powers mo?"
Tumawa siya sa sinabi ko. "Hindi ko kaya yung mga sinasabi mo."
"Eh ano pala?" Tiningnan niya ako ng seryoso. Err eto nanaman ba tayo?
"YAH!" Sabi na nga ba eh. Magsasayaw nanaman siya ng weird.
May bigla akong naalala. "Baka magkatulad kayo ng powers ni Do Min Joon." Napatigil siya sa pagsasayaw at napatingin sa akin.
"Do Min Joon? Sino yun?" Tanong niya habang naka-pose na weird.
"Yung gwapong alien sa My Love From The Star. Baka magkatulad kayo ng powers nun."
"May ka-uri ako sa mundong ito?" Nagchange siya ng pose niya.
"Hindi. Isang k-drama yung My Love From The Star."
Nagpalit ulit siya ng pose tapos yung mukha niya pfft ang seryoso tapos ang laki ng butas ng ilong. "Hindi kita gets."
"Nevermind." Pumasok na ako sa kwarto ko, nasa terrace ko kasi kami ngayon. Kung saan una ko siyang nakita. "Pumunta ka na sa kwarto mo."
"Ayoko. Nakakatamad." Napatigil ako sa pag-upo sa couch. Lumapit agad ako sa kanya.
"Kaya mo bang magteleport? Tara punta tayo sa bahay nila Jungkook." Bigla kasing pumasok sa isip ko na baka kaya niyang magteleport kasi kanina parang nagteleport siya diba.
"Inaantok na ako, goodnight." Aalis na dapat siya nung hinawakan ko yung kamay niya.
"Ish. Mamaya na. Dali na magteleport na tayo."
BINABASA MO ANG
My Alien From The Star
Fiksi PenggemarGwapo ✔️ Cute ✔️ Masayahin ✔️ Mala-model ang dating ✔️ Friendly ✔️ Sporty ✔️ Palabiro ✔️ Palangiti ✔️ In short, parang nasa kanya na ang lahat Pero may isang kakaiba sa kanya Hindi siya tao, hindi siya hayop at hindi rin siya bagay... ...kundi isa s...