Chapter 4
Turn Up
{ Jandria's Point of View }
"Class, get 1 whole sheet of paper."
Medyo bangag ako ngayon. Inaantok pa ako, sobra. Paano naman kasi, pinagpuyatan kong matapos yung pinapanuod kong K-drama. Ang ganda kasi. Nakakapanghinayang na tigilan.
Wala akong ganang naglabas ng papel. Nakahalumbaba lang ako habang nakatingin sa teacher namin na daldal ng daldal ngayon tungkol sa love story niya nung kabataan pa niya.
Inaantok na talaga ako. Feeling ko anytime pwede na akong mapasandal kay Jungkook tapos tapos de joke lang.. Asa naman na mapapasandal ako sa kanya. Mahiyain at mahinhin diba dapat? Kaya ayan. Hehehe
Magbilang kaya ako ng sheeps. Diba pampatagal ng antok yun? Tama ba? Basta magbibilang ako. Okay game.
1 sheep..
2 sheeps..
3 sheeps.. Zzzzzzzzzz
"Seatmate." Agad akong umayos ng upo. Nag ayos pa ako ng buhok.
Lumingon ako kay Jungkook. "Bakit, seatmate?" Oo may endearment na kami sa isa't isa. Ganun ako kabilis dumamoves hihihi sana next week, friend na tapos next month, bestfriend tapos tapos...
"Penge akong 1 whole, seatmate." Pumilas ako ng isa tapos inabot sa kanya.
"Thank you, seatmate." Ayan nanaman yung puso ko, nagiging j-horse ulet. Kainis. Ngumiti pa kasi 'tong si seatmate. Hays.
Nawala bigla antok ko dahil kay seatmate (feel na feel ko yung endearment namin eh ano ba). Nakinig nalang ako sa teacher kong patuloy pa rin sa pagkwento ng love story niya na feeling niya naman mala-wattpad hays.
"So ayun, nagpakasal kami at still together pa rin. Nakakakilig ba? Pwede na bang pangwattpad ang love story ko?"
Hinde po Ma'am. "Opo" sabay sabay na tugon ng mga inaantok kong kaklase.
"So class, I asked you to get 1 whole sheet of paper right? Now, I want you to answer this question." Sinulat ni ma'am yung tanong sa board.
What is your ideal type of guy/girl?
Alam nyo na kung ano sagot ko dyan.
Ilalagay ko dapat sa papel ko, Jeon Jungkook kaso kasi nakita ko sa peripheral view ko na medyo sumisilip si seatmate sa papel ko kaya hindi ko na tinuloy ang pagsulat sa pangalan niya. Aba curious ata siya sa ideal type ko. Crush niya ba ako? Hahahaha
"Seatmate." Agad akong lumingon sa kanya.
"Ano ideal type mo?" Omg. Is this real? Is this real? Teka ano sasabihin ko? Sasabihin ko ba na siya? Or idescribe ko nalang siya? Ano ano? Huhuhu guys help me.
"Joke lang. Hehehe. Eto talaga yung tanong ko, may extra kang ballpen?"
"Eh?" Yeng tetee? Ready na ako eh. Ready na. Hay nako, seatmate.
Kinuha ko sa bag yung extra kong ballpen at binigay sa kanya. Ganun ulet. Nagthank you at ngumiti siya tapos naging j-horse ulet ang aking heart. Ganun ang cycle pag ngumingiti si seatmate.
Idescribe ko na nga lang siya.
Handsome.
Cute.
Playful.
Like a model.
Talented.
Funny.
Sporty.
Friendly.
Has a smile that can brighten my day."Pass your papers." Pinasa ko sa harap yung papel ko. Buti natapos ko yun bago sabihin ng teacher namin na ipasa. Napansin kong hindi pa nagpapasa ng papel si seatmate at patuloy pa rin sa pagsulat. Sinilip ko yung papel niya.
BINABASA MO ANG
My Alien From The Star
Fiksi PenggemarGwapo ✔️ Cute ✔️ Masayahin ✔️ Mala-model ang dating ✔️ Friendly ✔️ Sporty ✔️ Palabiro ✔️ Palangiti ✔️ In short, parang nasa kanya na ang lahat Pero may isang kakaiba sa kanya Hindi siya tao, hindi siya hayop at hindi rin siya bagay... ...kundi isa s...