Chapter 6
V. W. X. Y. Z.
{ Jandria's Point of View }
May mga swerong nakadikit sa buong katawan niya. Nakaoxygen rin siya habang patuloy sa pag-"teet teet teet" yung machine na nasa gilid niya. Tanging mga nakakakibit na mga swero ang bumubuhay nalang sa kanya. Kung titingnan mo siya, para lamang siyang natutulog ng mahimbing pero hinde dahil kahit anong minuto, oras o araw, pwede siyang mamatay....
.. Pwe. Ang OA. Feeling nasa k-drama eh. HAHAHAHA
Ang totoo nyan, natutulog lang siya sa may hospital bed. Yun lang. Walang swero, walang oxygen, at walang machine na tumutunog na "teet teet teet". Eklavu ko lang yung kanina. Ahihi.
Napatingin ako kay W. Tama ba? W pangalan niya diba? Basta isang letra lang. Ang gwapo niya pala talaga kaso mukhang abno eh. Ang tangos ng ilong niya. Pero wala pa ring tatalo sa ilong ni Jungkook.
Biglang nagring yung phone ko. Si Graycee tumatawag. Tinext ko kasi sa kanya yung nangyari. Sinagot ko yung tawag niya.
"Hello--"
"Jandria Sy! Nasaan ka? Okay ka lang ba? Mas sugat ka ba? May galos? Baka nabalian ka? Baka mas lalo kang pumanget? Ano? Hoy sumagot ka!"
"Gaga ba you?!?"
"Hindi, ako si Graycee." inend ko kaagad yung call. Nakakagago kausap talaga yang si Graycee. Oh jusko. Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigan na ganon?
Napatingin bigla ako sa pintuan nung bumukas ito. Aba shet. Nandito ang gaga.
Agad agad siyang pumunta sa harap. Hinawakan niya yung magkabilang balikat ko tapos niyugyog ako ng niyugyog.
"Jandria Sy! Jandria Sy! Jandria Sy!"
"Putang ina mo!" Tinigil niya ang pagyugyog sa akin. Shet nahilo ako dun ah.
"Ang gaga mo Jandria Sy. Bakit mo inend yung call eh hindi pa tayo tapos magusap?"
"Eh gago ka eh. Paker." Napahawak ako sa temple ko. Nahihilo pa rin ako ano ba yan. Si Graycee eh, grabe makayugyog.
"Buti nga nag-aalala ako sayo kahit panget ka." Binatukan ko siya.
"Aray ko naman!"
"Noizy noizy very noizy!" Sabay kaming napatingin kay W na nakatingin sa amin na nakasalubong ang dalawang kilay.
"Sino siya?" Napalingon sa akin si Graycee.
"Si W?"
"Ay hindi ka sure? Kaano ano mo ba?" Nagshrug lang ako sa kanya. "Eh ano pala?" Hinila ko siya palabas ng room. Bago ko sinira yung pinto, lumingon ako kay W.
"Hoy W! Matulog ka lang dyan. Ge. Bitter dreams. Ahehe."
Sinira ko yung pinto at hinarap si Graycee. "Ang ingay mo. Nagising tuloy yung tao."
"Ayieee crush mo yun no?" Tinuksok niya yung tagiliran ko.
"Ano ba! Crush ka dyan eh hindi ko nga kilala yun." Tinapik ko yung kamay niya. Buset. Hindi nakakakiliti eh, ang sakit sa tagiliran yung tusok niya.
"Weh? Asus. Gwapo naman siya eh."
"Hindi ko nga siya kilala. Eto makinig ka." Kinwento ko sa kanya yung nangyari simula kahapon. Yung pagkakita ko kay W sa terrace. Yung paghello niya sa alaga kong parrot. Yung pagkaabno niya. Yung paghabulanan namin sa bahay. Yung pagsunod niya. Yung pagkulit niya. Yung pagligtas niya rin. Lahat lahat. Basta yun.
"So hindi mo talaga siya kilala?"
"Paulet ulet tayo?"
Tumango tango siya sa akin. "So hindi nga?" Binatukan ko siya. Minsan talaga kailangan niya talaga ng malakas na batok para matumalino. Ang shunga shunga eh.
"Oo na oo na. Buset ang sakit nun ah." Napahawak siya sa ulo niya. Bigla namang lumiwanag yung mukha niya. "Ah! May kakilala akong kamag-anak niya. Kaya pala familiar siya."
"Oh? Sino?" Kinuha ko kaagad yung phone ko. "Alam mo ba yung number or saan nakatira ganun? Para macontact na natin."
"Kilala ko yung kapatid niya." Nakangiting sabi niya. "Actually may tatlo siyang kapatid, sila X, Y at Z."
Napapoker face ako kay Graycee habang siya nakangiti pa rin sa akin.
"Edi wow."
"Biro lang to naman. Wala ba siyang sinasabi sayo?"
"Basta ang sabi niya, wala daw siyang mauuwian. Yun lang yun." Napasandal ako sa pader at nagcross arms.
"Edi ampunin mo nalang. Kawawa naman eh."
"Ampunin? Ano ako? Bahay ampunan?"
"Hinde yun ang ibigsabihin ko, gaga. Patirahin mo sa bahay mo, tutal nag-iisa ka lang dun. Tsaka niligtas ka naman niya eh. Kung hindi dahil sa kanya, dapat ikaw ang nakahiga sa hospital bed ngayon at hindi siya."
Sabagay, may point si Graycee. May utang na loob ako dun sa tao. Siya yung nandyan nung muntik na akong maholdap. Kung tutuusin, hindi naman namin kilala ang isa't isa tapos niligtas niya ako.
"Lalim ng iniisip ah."
"Ikaw may kasalanan neto gaga."
Tumawa siya muna bago magsalita. "Hindi naman kita pinipilit na patirahin mo sayo. Nagsusuggest lang ako kung paano mo susuklian yung utang na loob mo sa kanya. Nasa iyo pa rin naman ang huling desisyon. Sige, alis na ako. May date pa ako. Bye." Tinapik niya muna yung balikat ko bago tumalikod at umalis.
"Naks, gumaganyan ka na." Pabiro kong sigaw sa kanya.
Nilingon niya naman ako na nakangiti. "Gaga!"
Nung mawala na siya sa paningin ko, pumasok na ako sa kwarto ni W.
"W!" Bigla akong nataranta nung nakita ko siyang sinusubukan niyang tumayo. Pinuntahan ko kaagad siya.
Napatingin siya sa akin. "Hindi pa magaling yang sugat mo tapos tumatayo ka na agad. Higa ka ulit, W." Pinahiga ko siya at humiga naman siya. Kinuha ko yung upuan sa gilid at umupo sa tabi ng kama niya.
"Nagugutom ka ba, W?" Nakatingin lang siya sa akin at hindi sumasagot. Dahil naniniwala ako sa kasabihan na Silence means Yes, kinuha ko yung pagkain sa table at binigay sa kanya.
"Kain ka na, W." Sabi ko sa kanya nung pagkabigay ko ng pagkain. Nakatingin pa rin siya sa akin at hindi ginagalaw yung pagkaing binigay ko.
"Ayaw mo ba yan, W?" Hindi siya sumagot instead nakatingin pa rin siya sa akin.
"Bakit hindi ka nagsasalita? Ha, W?" Still no answer pa rin at nakatingin pa rin sa akin ang loko. Anong problema niya? Ah!!
"Nagagandahan ka sa akin kaya speechless ka ngayon no? Ahihi." Nakangiting pinalo ko yung braso niya pero slight lang. Aba talande lang eh no. "Gusto mo na ba ako? Ayieeee. Pero tatapatin na kita, may gusto akong iba eh. Sorry ha. Sorry kung nabasted kita pero we can be friends, you know." Nakangiti lang ako sa kanya habang siya walang emosyon na nakatingin pa rin sa akin.
"Hoy! Magsalita ka naman ah. Hindi yung para akong tangang nagsasalita dito." Naiinis na sabi ko habang siya ganun pa rin. "Aish. Kainin mo na nga lang yan." Tinuro ko yung pagkain sa harap niya. Napatingin siya rito pero binalik rin niya yung tingin niya sa akin.
"Sino si W?"
"Ay sa wakas nagsalita ka rin. Ikaw yun diba? Ikaw si W."
"W? Hindi W ang pangalan ko."
"Ano pala?"
"V. Ako si V." Ay pucha V pala hindi W. /facepalm/
"Ah yun ba? Ahehe." Nginitian ko nalang siya. Ang shunga mo, Jandria. Ang shunga shunga mo.
"Tsaka hindi kita gusto. May gusto rin akong iba."
"Ay? Aheheh. Ganun ba? Edi MU tayong dalawa."
"MU?" Tumango ako sakanya.
"Mutual understanding. Parehas nating ayaw ang isa't isa."
BINABASA MO ANG
My Alien From The Star
FanfictionGwapo ✔️ Cute ✔️ Masayahin ✔️ Mala-model ang dating ✔️ Friendly ✔️ Sporty ✔️ Palabiro ✔️ Palangiti ✔️ In short, parang nasa kanya na ang lahat Pero may isang kakaiba sa kanya Hindi siya tao, hindi siya hayop at hindi rin siya bagay... ...kundi isa s...