Chapter Three
Boink baby
{ Jandria's Point of View }
Nagkayayaan kami ni Graycee na pumunta ng canteen. Wala eh, mga pinanganak na PG pero maganda. Ako yung maganda si Graycee hinde HAHAHAHAHA
Kung anu ano lang pinagkekwentuhan namin ni Graycee. Yung nadapa naming classmate last school year. Yung naihi naming teacher dahil sa takot sa ipis. Yung nanuod kami ng TFIOS, na hindi napunasan ng mabuti ni Graycee yung uhog niya nung pagkalabas namim sa sinehan. Kung anu ano nga diba.
"Ms. Sy." Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Sir Tony, basketball coach ng varsity team ng school.
"Ms. Sy, pwede mo bang ihatid 'tong mga bottled waters sa court? Pinapatawag na kasi ako ng principal eh." Tinaas niya yung isang supot ng mga bottled waters. Kinuha ko iyon at tumango. No choice eh. HAHAHAHA
Pumunta ako ng court ng mag-isa. Ayaw ni Graycee akong samahan epal siya yun. Mabilaukan sana siya.
Ang daming tao naman dito sa court. Ano bang meron? Sa pagkakaalam ko, practice lang ng varsity team ngayon pero parang tunay na laro na yung nangyayari ngayon eh.
Nagkahiraphirap pa ako sa pagsiksik para makapasok sa court. Jusme. Dapat may dagdag grade ako dito sa P.E.
Sa wakas, nakapasok na rin ako. Phew. Naglakad ako papunta sa part na sinasabi ni Sir Tony. Nilapag ko dun yung dala ko. Aalis na dapat ako ng mahagip ko ng tingin si Jungkook.
Shet. Wet look siya ngayon dahil sa pawis niya...AY! Oo nga pala. Isa nga pala siya sa mga varsity. Bakit hindi ko manlang yun naalala? Sa sobrang gutom siguro.
Shem ang gwapo gwapo niya talaga. Buong game sa kanya lang ako nakatingin. Wala na nga akong balak balikan si Graycee sa canteen eh. Dito muna ako hanggang sa matapos ang practice nila.
"Miss! ILAG KA!!"
Nagulat ako nung biglang napatingin sa akin si Jungkook at mukhang worry. Eh? Bakit? Omg concern siya sa a—
*boink*
Bakit may stars na lumalabas?~
👽😁👽
<3rd Person's POV>
"Gusto kong pumunta sa planeta niya ngayon din." Napatingin ang katabi niya sa kanya.
"Mahirap makapunta sa planeta nila, mas mabuting maghintay ka muna ng tamang panahon bago pumunta sa kanya."
"Hindi na ako makapaghintay." Biglang lumiwanag ang mukha niya. Napansin ito ng katabi niya. Hinawakan agad ng katabi niya ang kamay niya. Napatingin siya sa hawak neto sa kamay niya.
"Wag mong gagawin niyang iniisip mo." Umiling lang siya sa kanya at ngumiti na labas ang lahat ng ngipin.
Agad agad na tumakbo siya para makatakas sa kasama niya. "Hoy! Bumalik ka dito!" Hinabol siya neto kaya binilisan pa lalo niya ang takbo niya.
Liko dito, liko doon. Lumingon siya sa likod niya para tingnan kung hinahabol pa rin siya ng kasama niya. Nung makita niya na hinahabol pa rin siya neto, agad siyang nagtago sa hindi kapansin pansin na lugar. Nakarinig siya ng mga yapak at paghingal.
"V! Hoy! Pagod na ako, wag ka nang tumakbo pa. Aish." Nagsimula muling tumakbo yung nanghahabol sa kanya. Napangiti siya sa narinig niya. Naiwala na niya yung kasama niya. Pwede na siyang makaalis ng matiwasay sa lugar na ito.
Lumabas siya sa pinagtataguan niya at agad na umalis sa lugar na yon. Dumiretso agad siya sa isang lugar na siya lamang ang nakakaalam. Nung makapasok na siya, agad niyang pinuntahan ang napakalaking bagay na nakabalot sa isang malaking puting tela. Tinanggal niya ang nakabalot dito. Napaubo pa siya dahil sa sobrang alikabok neto. Makikita sa mata niya ang kasiyahan na nararamdaman niya ngayon.
"Pupuntahan ko na siya sa wakas at walang makakapagpigil sa akin." Sabi niya habang nakatingala sa napakalaking spaceship. Kinuha niya ang susi sa bulsa niya at binuksan ang pinto ng spaceship. Pumasok siya dito. Nilibot niya ang tingin niya habang nakanganga pa.
"Amazing." Ang tanging nasabi niya.
👽😁👽
<Jandria's POV>
"HOY GAGA GUMISING KA NA DYAN!!! HAY NAKO ANG LANDI MO TALAGA KAINGGIT KA!!! HOY GISING!!!" Napadilat ako dahil sa kakaalog sa akin ni Graycee. Putek akala ko lumilindol na, inaalog lang pala ako ni Graycee. Epal talaga forever.
"Gaga ka." Pambungad sa akin ni Graycee nung makaupo na ako ng maayos. Ano nanaman problema niya?
Binatukan niya ako."Gaga ka talaga." Nagcross arms siya at nagpout.
"Bakit ba?!?"
"ALAM MO BA KUNG SINO ANG NAGBUHAT SAYO PAPUNTA DITO SA CLINIC HA? ALAM MO BA?!?"
"HINDEEEE SINO BA?!? SI JUNGKOOK?! OMG WAAAAAAAH!!!— ARAY!" Binatukan niya ulit ako. Aba nakakadalawang batok na siya ah. Huhuhu yung brain cells ko.
"GAGA HINDE!"
"Ay hindi si Jungkook? Sayang naman. Eh sino pala?"
"SI SEOKJIN HUHUHUHUHU"
Ah~ Kaya pala ganito si Graycee ngayon kasi si Seokjin her loves ang nagbuhat sa akin papuntang clinic hahahaha mainggit sana siya to the max HAHAHAHAH
"Huhuhuhu inggit na talaga ako sayo to the max huhuhuhu" HAHAHAHA YES YES NAIINGGIT NGA SIYA TO THE MAX HAHAHAHA I LAB ET!!!
May nurse na lumapit sa amin na nakangiti kaya ngumiti rin kami sa kanya pero bigla siyang sumimangot at tinuro yung labas ng clinic.
"LABAS!! ANG IINGAY NYO!! ANG DAMI NYONG NAIISTORBO NA MGA PASYENTE!!"
Dali dali kaming lumabas ni Graycee kasi baka kainin kami ng buhay ng nurse.
"Ikaw kasi eh. Ang ingay ingay mo, Jandria."
"Ako lang ako lang? Ikaw rin kaya!"
Dismissal na nung makalabas kami ng clinic ni Graycee. Yung gagang yun, kaya pala binantayan ako sa clinic para magditch ng klase kasi boring daw yung mga subjects nila. Tsk tsk.
Nauna nang umuwi si Graycee sa akin kasi sinundo siya ng Dad niya para sa family dinner nila. Hays. Buti pa siya.... Nevermind.
Kinuha ko yung gamit ko sa classroom. Dalawang bag nalang ang naiwan dito. Bag ko at hindi-ko-alam-kung-kaninong bag. Palabas na ako nung bigla may narinig akong pagkahulog ng kung anong bagay. Napatigil agad ako at nilibot ang tingin sa buong classroom. Ako lang ang nandito, wala nang iba.
Jusq. Wala naman sanang multo dito please.
Tuluyan na akong lumabas dahil kinilabutan ako sa naiisip ko ngayon. Para tuloy akong tanga na naglalakad ng mabilis sa hallway. Eh sa takot ako sa multo huhuhu
May nabangga pa nga ako dahil sa kashungahan ko.
Nakauwi naman ako ng ligtas at walang nakikitang multo. Kinuha ko yung susi ng bahay ko sa bulsa ko at binuksan ang pinto. Kung itatanong nyo kung sino kasama ko sa bahay, wala. Ako lang mag-isa sa bahay. Forever alone ba ang peg ko? Hindi ah. May mga posters ng mga fav. group ko sa kwarto ko kaya hindi ako forever alone. hehehe.
Agad akong dumiretso sa harap ng laptop ko at nagtweet. Wala naman ATA kaming schoolworks kaya napagdesisyunan kong manuod ng k-drama muna bago magbeauty rest.
Medyo bagal ang net. Kabanas.
Habang hinihintay kong magloading yung papanuorin kong drama, naglog in muna ako sa ask.fm. Nagscroll down ako para maupdate yung mga tanong dun. Nice. May bagong tanong from anon.
What's your ideal type of guy?

BINABASA MO ANG
My Alien From The Star
FanfictionGwapo ✔️ Cute ✔️ Masayahin ✔️ Mala-model ang dating ✔️ Friendly ✔️ Sporty ✔️ Palabiro ✔️ Palangiti ✔️ In short, parang nasa kanya na ang lahat Pero may isang kakaiba sa kanya Hindi siya tao, hindi siya hayop at hindi rin siya bagay... ...kundi isa s...