Seven

108 5 0
                                    

Chapter 7

Where Did You Came From? pt.1

{ Jandria's Point of View }

Habang kumakain siya, nakatingin lang ako sa kanya. Papatirahin ko ba 'tong abno na to o hinde? Ano kaya magiging lagay ng buhay ko pagpinatira ko siya sa amin? Ano ang susunod na mangyayari? Abangan... Dejk

Diba ganito yung iba sa k-drama. Yung titira si Guy 2 dun kay Girl at unti unti magkakainlove-an sila tapos sila magiging love team instead na si Guy 1 ang kanyang maging loveteam. Mga ganyan eh. Pero ayokong maging gumanyan ang love story ko. Ayoko kong mainlove sa abno.

"Gusto mo ba?" Bumalik ako sa reality nung nagsalita si V. Inoffer niya sa akin yung pagkain niya, hindi ko naman tinanggap yun kasi busog pa ako. Bigla kong naisip na tanungin siya.

"Wala ba ka talagang mauuwian?"

Ngumunguya pa siya nung sinagot niya yung tanong ko "Dito, wala." Eww. Baka may tumalsik na kanin sa bibig niya kaya medyo lumayo ako ng unti.

"Bakit wala kang mauuwian?"

"Ewan."

"May mga pamilya ka ba dito?" Umiling muna siya bago sumubo ulit.

"Kung ganon, gusto mo bang tumira muna sa bahay ko?" Bigla lumiwanag yung mukha niya at tumango ng napaka-oa. Yung tipong mababali yung ulo niya. Ganon.

"Wala ka bang dalang mga damit or what?"

Umiling ulit siya bago uminom ng tubig. Inabot niya sa akin yung tray. "Thank you." Ngumiti siya na labas nanaman ang lahat ng ngipin. Kinuha ko yung tray at nilagay sa table.

"Di bale, siguro baka bukas makakalabas ka na ng hospital." Hinarap ko siya. Nakatingin siya sa akin ng seryoso. Ano problema niya?

"Iiwan mo ko dito?"

"Oo. Kailangan ko rin naman kasing umuwi kasi wala naman akong matutulugan dito. Babalikan naman kita bukas eh." Kinuha ko yung bag ko sa table. Bago ako umalis, lumapit muna ako sa kanya para magpaalam. "Uuwi na ako. Wag kang mag-alala, babalik ako bukas. I swear. Bye." Tumalikod na ako sa kanya pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko kaya napaharap ulit ako sa kanya.

"Please, wag."

"Huh?"

"Wag mo kong iwan." Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Eh saan ako matutulog? Wala akong matutulugan dito kaya kailangan kong umuwi."

Umusog siya at tinuro yung space sa kama habang hindi pa rin binibitawan yung kamay ko. "Dito oh. Dito ka matulog."

"Seryoso ka ba? Dyan?" Tumango siya sa akin. "Ayoko nga!"

Aalis na dapat ako nung bigla niya akong hinila ng malakas kaya napahiga ako sa tabi niya. "Hoy! Bitawan mo ko!" Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Ayan para hindi mo ko iwan. Goodnight." Tumawa muna siya bago pinikit niya yung dalawang mata niya.

Paking teyp na hindi madikit. Magkaharap kasi kami tas sobrang lapit ng mukha niya. Teka. Bakit walang pores yung mukha? Sobrang kinis. Rich kid ata 'tong lalaki to eh. Siguro laging nagpapafacial.

Shet. Gusto kong gumalaw ng maayos kaso hindi kasi sobrang higpit ng yakap niya. Halatang ayaw talaga akong pauwiin ng abnong 'to. Siguro may gusto sa akin to, ayaw lang niyang aminin. Naks. Haba ng hair ko. May abnong nagkakagusto sa akin. Ahihihi.

Pero Jungkook pa rin ako kahit anong mangyari. JanKook for the win!! ❤️❤️❤️

Inaantok na ako. Wala naman sigurong makakakita na magkatabi kami bukas ng umaga. Magigising nalang ako ng maaga. Gusto ko nang makasama sa dreamland si Jungkook.

---

"Welcome to my house, bruh."

"Dito na ako titira?" Tumango ako sa kanya. Hinawakan niya yung magkabilang balikat ko. "Talaga? Seryoso ka ba diyan?"

"Oo nga." Niyugyog niya ako ng malakas

"Weh? Hindi nga? Hindi ka nagjojoke?"

"LECHE OO NGA SABI EH! HOY NAHIHILO NA AKO!" Tinigil niya yung pagyugyog sa akin pero bigla naman niya akong niyakap.

"Uh V?"

"Hmm? Bakit?" Tinulak ko siya palayo.

"Kahapon ka pa ha. Aminin mo nga, gusto mo ko no? Nako. Sabi na nga ba eh." Pumameywang ako.

"Gusto? Hindi ah."

"Psh. Indenial ka pa dyan. Halika nga at itotour kita dito para alam mo na 'tong titirhan mo." Hinila ko siya papunta sa sala tapos dining room tapos sa kitchen tapos sa kwarto ko.

"Kwarto ko to ha. Tandaan mo baka mamaya nyan mapagkalaman mong kwarto mo." Tinuro ko sa kanya yung isa pang kwarto. "Yan. Yan ang kwarto mo." Pinuntahan ko yon at binuksan. Pumasok ako dun gayundin siya.

"Kwarto to ng kuya ko. Tutal wala siya, dito ka nalang. Pwede mong gamitin mga damit dyan tutal sabi mo wala kang dalang damit." Nilibot niya yung buong kwarto. Napatigil siya sa shelf ni Kuya Drio na puno ng mga picture frames. Kinuha niya yung isang picture frame at tinitigan ng mabuti. Nilapitan ko siya.

"Okay ka lang ba dito?" Tumango siya sa akin na hindi manlang tinatanggal yung tingin niya sa picture frame na hawak niya.

"Ano pangalan niya?" Pinakita niya sa akin yung picture frame at tinuro yung isa kong kapatid.

"Julia Sy. Bakit?"

"Ah wala lang. Kapatid mo ba siya?" Tumango ako sa tanong. Kinuha ko yung picture frame na hawak niya at binalik sa shelf. Tinalikuran ko siya at lumakad papunta sa pintuan.

"Nasaan siya?"

"Nasa England, kasama nila Mommy." Lumabas ako ng kwarto niya at sinara ang pinto. Dumiretso ako sa kitchen para magluto ng lunch. Pagkatapos kong magluto, hinanda ko na yung table para sa aming dalawa. Saktong pagkapunta niya sa dining, nakaready na ang lahat.

"Yehey! Mag pagkain ulet!" Para siyang batang tumakbo papunta sa upuan at umupo. Kukuha palang siya ng ulam nung bigla kong tinapik yung kamay niya.

"Bakit?"

"Gumamit ka ng serving spoon, oh." Inabot ko sa kanya yung serving spoon. Tiningnan niya muna to bago kunin. Habang kumakain kami, tinanong ko siya ng kung ano ano.

"Saan ka ba nakatira?"

"Sa bahay." Binatukan ko siya kaya muntik na siyang mabilaukan. Buti nga sa kanya.

"Alam ko pero saang lugar?"

"Basta." Sagot niya pagkatapos niya uminom ng tubig. Aba pa-mysterious type pa siya.

"Saan ka nga kasi galing?" Nilapag niya yung spoon at fork at tumingin ng diretso sa akin. Ano nanamang drama niya ito?

"Maniniwala ka ba sa akin kung magsasabi ako ng totoo?"

My Alien From The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon