Chapter OneAkala lang pala
{ Jandria's Point of View }
"NANDYAN NA SILAAAA WAAAAAH!" Sigaw nung baliw kong schoolmate na umalingawngaw sa buong cafeteria. Halos lahat ng mga babae ay nagsitayuan at niready ang kani kanilang phones para picturan sila. Yung iba bazooka pa ang dala. Hindi yung literal na bazooka. Bawal yun eh. Yung parang mala-bazooka yung lens ng cam nila. Ganun.
Hindi na ako nakisabay sa kanila, ang oa kasi tingnan para sa akin HAHAHA pero hindi ibigsabihin non ay ayaw ko sa kanila. Ang totoo nga nyan eh, may gusto ako sa isa sa kanila. Kung tutuusin parang katulad lang nila ako, ang pinagkaiba lang ay ako yung tipong nakatingin lang sa kanya sa malayo.
Tinaas ko yung ulo ko para makita ko sila. Wala naman sila. Aish. Umayos ako ng upo at ipinagpatuloy ang pagkain. Susubo palang dapat ako nung biglang nasanggi ni Graycee, kaibigan ko, yung table namin kaya nabuhos yung pagkain ko. Aish. Buti nalang hindi siya nabuhos sa damit ko kundi patay sa akin 'tong babaeng to. Pinapagan ko yung damit ko kasi may konti kanin. Aish! May nabuhos na konting sauce sa damit ko. Anak ng--
"HOY BABAI--"
"WAAAAAAAAH ANG GWAPO NI JIN WAAAAAAH" sigaw ni Graycee habang tumatalon.
Okay mukhang nandito na sila.
Aish! Hindi ko sila makita. Halos lahat ng nasa harapan ko nakatayo tapos nakataas pa yung dalawang kamay nila para picturan sila. Naman oh. Hindi ko ata makikita si Jungkook ngayong break namin. Kainis.
Pero mukhang tinamaan ata ako ng swerte ngayon dahil malapit ako sa basurahan kung saan laging nagtatapon si Jungkook ng mga candy wrappers.
Ayan na ayan na! Papalapit na siya sa akin. Omg omg eto na.
[Background music on]
Parang nagslow mo ang lahat. Ang pagwagayway ng banners ng mga schoolmates ko, ang pagsandok ng pancit ni Aling Heyang, ang pagtapon ng inumin ng katabi naming table dahil sa katangahan niya, ang pagpikit at dilat ni Jin, ang paglaki ng butas ng ilong ni Namjoon, ang pagngisi ni Jimin, ang paglingon ni Hoseok, ang pagpapakita ni Suga ng maliwanag niyang gilagid, ang pagpatak ng pawis ni Jungkook at pati rin ang pagdila niya.
Yung feeling na parang nasa k-drama ka. Yung tutunog yung background music. Yung magiging slow mortion ang lahat. Yung ang bilis ng tibok ng puso mo kasi lalapit si crush sayo. Yung may lalabas na mga butterflies sa paligid tapos yung butterflies magiging heart. Pagkatapos non, unexpected siyang mag-haHi sayo kasi nakuha mo atensyon niya. Ganun. Ganun ang nafifeel ko ngayon.
Ayan na siya. Malapit na siya. MaghiHi na siya sa akin. Eto na eto na. Ireready ko na yung boses ko para magHi sa kanya. Eto na.
"Hi--.." Bigla siyang lumiko at dumiretso sa counter para mag-order.
[Background music: Off; Slow Motion: Off; Effects eklavu: Off]
Parang gumuho ang mundo ko dahil hindi nangyari yung ineexpect ko. Hindi siya pumunta sa direksyon ko. Hindi siya nagtapon ng candy wrappers. Hindi siya naghi sa akin. Hindi niya ako napansin. Akala ko... Akala lang pala. Eng seket bh3
➖➖➖
"Ang saya ng last day of school ko! WAAAAAH! Napakamemorable kasi for the first time in forever may pic ako ni Jin babes na nakatingin sa phone ko omg dati laging nakatingin sa ibang direksyon ngayon WAAAAAH"
"Edi wow." Walang ganang sabi ko.
"Hay nako, bitter." Inirapan niya ako at tumingin muli sa phone niya.
"Gawin ko ngang home screen at lock screen 'tong picture na 'to. Hihihi... DONE! Shem ang gwapo talaga ni Jin babes."
"Edi wow."
"Hoy Jandria, uwi na ako ha. Nakakabwiset yang edi wow mo. Bye."
"Edi wow." Naghalumbaba ako habang nakatingin sa bintana.
Teka anong drama to? Inayos ko na yung mga gamit ko at umalis na sa room. Ngayon ang last day of school namin. Huling araw ko na nga makakasama si Jungkook ngayong school year, hindi pa niya ako napansin. Ni ha he hi ho hu, wala. Pakshet.
Medyo paubos na ang mga tao dito sa campus at ang iba ay busy sa pagpapaalam sa isa't isa habang ako eto, wagas makadrama na akala mo namatayan. Jusq.
Tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makalagpas ako sa room nila Jungkook. Hindi na ako nag-abalang tumingin sandali gaya ng ginagawa ko sa buong school year kasi alam ko naman na lumabas na sila. Nagkagulo kasi kanina nung dismissal kaya for sure nakaalis na sila.
Biglang nagvibrate yung phone ko. Nagulat pa nga ako sa pagvibrate neto. Akala ko kung ano na yung nanginig sa bulsa ko. Tiningnan ko kung sino yung nagtext.
~
From: 6969Congratulations! You have won..... Blah blah blah
~Edi wow -_-
Walang kwentang text. Binalik ko nalang ulit sa bulsa ko yung phone ko. Nagsimula na ulit akong maglakad.
"Miss! Miss!"
"Neomu meoreojijin ma tomorrow~"
"Miss! Miss na may red na bag!"
"Meoreojijin ma tomorrow~ Neomu--" napatigil ako sa pagkakanta nung biglang may humawak sa balikat ko.
"Miss" nilingon ko siya.
**dug dug dug dug dug** **dug dug dug dug dug** **dug dug dug dug dug** (heartbeat ko yan wag kayong epal)
Totoo ba 'tong nakikita ko? Si Jeon Jeongguk, nasa harap ko ngayon at ang gwapo gwapo niya. Mas lalo siyang gumagwapo pag sa malapitan shet. Am i dreaming? Omo.
Kinurot ko ng palihim yung tagiliran ko para magising sa panaginip na 'to pero shet ang sakit non ah. Ibigsabihin ba non.... WAAAAAH HINDI AKO NANANAGINIP
"Miss, yung panyo mo nahulog mo." Inabot niya sa akin yung panyo kong red.
Feeling ko nagform ng heart with matching kislap kislap yung mata ko. Ang sarap pakinggan nung boses niya. Parang music sa tenga ko.
"Miss yung panyo mo." Ngumiti siya ng slight. Omg. Yung ngiti niya! Wait shet. Yung puso! Nagiging J-Horse.
Naging J-horse na talaga yung puso ko nung kinuha niya yung kamay ko at inilagay yung panyo ko dun. Ngumiti ulit siya bago tumalikod sa akin at umalis.
Shet. Yung puso ko nawawala. Pakihanap nga. Baka nadala na ni Jungkook. Nako ke bata bata palang magnanakaw na ng puso ng may puso.
BINABASA MO ANG
My Alien From The Star
أدب الهواةGwapo ✔️ Cute ✔️ Masayahin ✔️ Mala-model ang dating ✔️ Friendly ✔️ Sporty ✔️ Palabiro ✔️ Palangiti ✔️ In short, parang nasa kanya na ang lahat Pero may isang kakaiba sa kanya Hindi siya tao, hindi siya hayop at hindi rin siya bagay... ...kundi isa s...