Two

185 8 4
                                    

Chapter two

Hello? Hello.

{ Jandria's Point of View }

Oh kay bilis naman ng oras na, pasukan nanaman~ daig pa neto ang isang kisap mata~

Oh yes. Pasukan nanaman. Makikita ko muli ang aking sinisinta. Aba malalim /le gesture na naghuhukay/

Kung itatanong nyo kung anong nangyari sa vacation ko, ayun fangirling lang ang ginawa ko magdamag. Dapat gagala ako kaso si Graycee kasi nagout of the country with her family. Taray ng gagang yun. Patravel travel lang nung bakasyon.

Binisita rin ako ng magaling kong kuya, si Kuya Drio. Sa England kasi siya nag-aaral at nakatira kasama nila Mommy. Ang astig no, naiwan ako dito sa Pilipinas. Ayoko dun sa England. Basta ayoko. Past is past.

Napakatokis nga nung kuya kong yon. Pinangako niya sa akin na dito na siya mag-aaral ngayong school year kaya inenroll ko na rin siya nung nag-enroll ako. Tapos 1 week before ng pasukan, sinabi niya sa akin na baka hindi daw siya makakapag-aral dito kasi may nag-offer nanaman daw sa kanya ng scholarship pero sa Japan naman ngayon. Nung una sabi niya ayaw daw niya kasi may pinangako daw siya sa akin. Syempre ako natouch kaya niloko loko ko siya na tanggapin na niya yun kasi sayang naman yung opportunity na yun. Putek akala ko ipagpipilitan niya na hindi na niya nga tatanggapin yun pero hindi. Tinanggap niya pakshet. Sa sobrang talino kasi non, hindi na niya alam ang pinagkaiba ng joke sa hindi. Shet siya. Sayang tuloy yung slot na yon. Tss.

So ngayon nasa Japan siya tapos sila Mommy nasa England pa rin kasi nandun yung business nila eh. Btw, kakambal ko pala si Kuya Drio. Matanda lang siya sa akin ng 3mins.

Tumingin ulit ako sa salamin para imake sure na maganda ako sa first day of school namin. Hays. Bagay na bagay talaga kami ni Jungkook kasi parehas kaming pinagkaloob ng magandang itsura. (Pagbigyan nyo ko, minsan lang to)

Kinuha ko na yung bag ko at pumunta na ng school. As expected, maraming may dala ng selfie sticks ngayon. Panigurado sangkatutak ang mga pictures mamaya sa fb tapos ang pangalan ng album, "First Day of School" o kaya yung date ng araw ngayon.

Hindi kasi uso sa school na 'to yung bago magpasukan eh alam mo na yung section mo. Eto ang isa sa mga nakakaexcite tuwing pasukan. Yung wala kang kaalam alam na kaklase mo pala si ganito ganyan. Basta magugulat ka nalang na kaklase mo ulit yung kaklase mo last school year. Nakakasawa na kaya no. Paulit ulit na siya. Bwiset.

Syempre bago ko tingnan kung saang section ako, nagpray muna ako na sana ngayong school year, magkaklase na kami ni Jungkook. Please Lord!

Pumila na ako sa bulletin kung saan makikita kung saang section ako at si Jungkook. Nung turn ko na, una kong hinanap ang section ni Jungkook.

Class 4A

Ay putek. Section ng mga sikat, matatalino at etc basta yun. Huhuhu mukhang hindi ko ata magiging kaklase si Jungkook ah.

Sunod kong hinanap ang pangalan at section ko.

Jandria Sy Class 4A

Omg!! Is it real?! Is it real?! Dandandan dalandan~ dandandan sarap na real~~

➖➖➖

"GRAYCEEEEE!!!! ANONG SECTION MO?!?!" Bungad ko sa kanya nung makita ko siya sa hallway.

"Class 4B." Nagpout siya. "Hindi ko nanaman kaklase si Jin. UWAAAAAA!"

"Kawawa ka naman. HAHAHAHA"

"Ikaw ba? Ano bang section mo?"

Ngumisi muna ako sa kanya "Class 4A. WAAAAAAH AT LAST KAKLASE KO NA SI JUNGKOOK!!" Dahil hindi ko na mapigilan ang feels ko, nagtatatalon ako habang nasa gitna kami ng hallway.

My Alien From The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon