Prologue

311 16 4
                                    

Prologue

Nasa kalagitnaan ako nang pagdadrama ko sa pinapanuod kong k-drama nung biglang may lumiwanag sa terrace ko. Hindi ko pa napupunasan yung uhog ko dahil ubos na ang tissue sa baul nung tumayo ako sa kama ko para tingnan kung anong meron sa terrace.

"HELLO!" Halos mapatalon ako sa gulat ng may lumitaw na lalaki sa harap ko.

"Sino ka?!? Anong ginagawa mo sa terrace ko?!?"

"TURN UP!!" Nakangiting sabi niya. At talagang labas lahat ng ngipin kung makangiti siya.

"Huh?" Ano daw? Ano yung turn up? Hindi ko siya magets.

"Let's go parteh~ Let's turn up!!!" Tumalon talon siya habang nakataas yung isang kamay niyang naka-rock 'n roll

Ilang sekundo siyang nakaganun pero umayos rin siya nung makita niya yung reaksyon ko. Sino ba 'tong lalaking to?

"Ah sorry~" ngumiti muli siya pero slight lang.

"Sino ka ba? Anong ginagawa mo sa terrace ko?"

"I'm V!"

Ano ba yan laging pasigaw naman siya 'to. Ang sakit sa tenga.

"Pwede bang wag kang sumigaw! Malapit lang tayo sa isa't isa oh! Wala tayo sa bundok!" Pasigaw na sabi ko.

"OKAY!"

"SINABI NANG—"

"HOY WAG KAYONG MAINGAY!! MAY MGA NATUTULOG NA KAPITBAHAY OH KUNG AYAW NYONG MATULOG MAGPATULOG KAYO BWISET!!!" Sabat nung kapitbahay namin.

"OKAY!! THANK YOU!! WE'RE SORRY—HMMMM!" Tinakpan ko na yung bibig nung V ata. Baka mabato na kami ng kawali ng kapitbahay namin sa kaingayan neto.

Tinanggal ko yung kamay ko. Nagsign ako ng 'shh' sa kanya. Ginaya naman niya ako dahil nag-'shh' rin siya sa akin tapos ngumiti ulit ng labas ang lahat ng ngipin. Infairness kay kuya, gwapo siya tapos nagiging cute pag ngumingiti. Kaso parang budoy eh.

Bigla siyang tumingin sa ibang direksyon. Sinundan ko naman yung tinitingnan niya. Nakatingin siya dun sa alaga kong parrot. Masaya siyang lumapit at kinawayan ito.

"Hello~ Ano pangalan mo?"

"Panget ka."

"Hello Panget ka. Ang ganda mo naman, panget ka. Hihihi." /facepalm/

Anong klaseng tao ba 'tong lalaking to? Tao ba 'to o ano? Baka alien?

My Alien From The StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon