Chapter 9
Where Did You Came From? pt.2
{ Jandria's Point of View }
Alam nyo yung nakakainis? Yung mas inuna ng kaibigan mo yung paglalandi sa crush niya kesa sa ipagsave ka ng upuan. Idagdag nyo pa na may kasama akong abno ngayon. Gwapo nga, abno naman. Hays. Ano bang ginawa ko sa past life ko para maranasan to? Huhu. Naging mabait naman ako ah!
"Goku?"
"JUNGKOOK NGA SABI KO EH! JUNGKOOK!! PAULIT ULIT BA HA?! ISA PA AT PAPALAYASIN NA KITA SA BAHAY KO."
"Weh? Di nga?"
"Ugh! Tang ina you." Inirapan ko siya at nauna nang lumakad pauwi.
"Tang ina you too." Sabi niya na nakangiti na nakarectangular at labas nanaman yung lahat ng ngipin. Tumabi siya sa akin. Lumakad siya na parang batang nagmamadali tapos nagtatalon habang sumasayaw. /facepalm/
Pakipaalala sa akin na tao tong kasama at hindi alien. Baka kasi ipadala ko na to sa NASA. Grabe ang utak. Kakaiba. Ngayon lang ako nagkaroon ng kilala na ganito ka-isip bata at ka-abno. Seryoso.
Tumingin nalang ako sa dinadaanan ko. Ay, may ginagawa palang bahay sa tabi ng bahay ko. Ngayon ko lang nakita ah. Sino kaya titira dyan? Sana maging close ko. Ehe. Close ko kasi lahat ng kapitbahay ko. Mabait kasi ako. Friendly. Ehe. Sariling puri pa more.
"Ah.. Hello, pwede magtanong?" Napatingin ako kay V.
"Abno ka talaga. Nagtatanong ka na nga eh."
Napakamot siya ng ulo niya "Ano pangalan mo?" Napatigil ako sa paglalakad gayundin siya. Yung totoo? Pinatira ko na siya lahat lahat, hindi niya pala alam pangalan ko. Jusme.
"Jandria." Tumingin siya bigla sa ibang direksyon habang nakablank yung expression niya. Napataas kilay ko sa kanya. Ano nanaman nangyayari sa abnong 'to?
"Hoy." Niyugyog ko siya. "Ayos ka lang?" Napatingin siya sa akin tapos tumango ng napaka-oa habang nakangiti. As usual, rectangle yung ngiti niya tapos labas lahat ng ngipin.
Nagsimula na ulit akong maglakad. Hindi ko nakikita sa peripheral view ko si V kaya nilingon ko siya. Nakatingin siya sa kawalan at blank yung expression ulit. Ano nangyayari sa kanya? Naabno nanaman ba siya? Or inaabduct na siya ng alien kasi pinili sya bilang prinsipe ng kanilang planeta. Tutal alien naman yung ugali niya, nababagay siya dun.
Napalingon siya sa akin. "Jandria?"
"Oo. Jandria nga sabi pangalan ko eh." Napatingin siya sa itaas at nanlaki yung mata niya. "Hoy! Ano na? Tara na." Pag-aaya ko sa kanya pero hindi niya inalis yung pagkakatingin niya sa itaas. Mukha ngang inaabduct na siya ng mga alien. Mabuhay!
"Tss. Bahala ka nga dyan." Nagsimula na akong maglakad.
"JANDRIA!"
"ANO--"
Nung pagkalingon ko kay V nung tinawag niya yung pangalan ko, nakita ko siyang tumakbo papunta sa akin at hinila ako paalis sa kinatatayuan ko. Dahil sa sobrang lakas ng pagkakahila niya sa akin, nawalan kami pareho ng balanse. Niyakap niya ako at umikot para siya yung lumanding sa semento at hindi ako. Yakap yakap pa rin niya ako.
Nakarinig ako ng parang mga tunog ng bakal na nahulog sa sahig. Teka, anong drama 'to?
"Jandria.. Ah.. A-ayos ka lang?" Napatingin ako sa mukha. Ramdam na ramdam ko yung hininga niya dahil sa sobrang lapit ng mukha namin. Infairness, wala siyang bad breath.
![](https://img.wattpad.com/cover/31440149-288-k424619.jpg)
BINABASA MO ANG
My Alien From The Star
FanfictionGwapo ✔️ Cute ✔️ Masayahin ✔️ Mala-model ang dating ✔️ Friendly ✔️ Sporty ✔️ Palabiro ✔️ Palangiti ✔️ In short, parang nasa kanya na ang lahat Pero may isang kakaiba sa kanya Hindi siya tao, hindi siya hayop at hindi rin siya bagay... ...kundi isa s...