"Crash Leigh, don't you wanna watch the game?"
Manonood ba ako? o hindi? Nagdadalawang isip talaga ako ngayon kasi gusto ko manood ng fairytale kaso mukhang kailangan kong manood ng laro ngayon. "Sige na, pretty please...Even this time lang" Pagpipilit pa ng kaibigan kong si Sydney.
Tumango naman ako. "Yey thanks Crash Leigh!"
Umalis na kami ni Sydney sa Computer lab at pumuntang covered court na nasa labas lang ng School namin. "Syd anong game ngayon? Mukhang maganda iyong laro ah, abot talaga dito ang sigawan"
Hindi pa kame nakakapasok sa loob ng covered court eh dinig na dinig na rito ang mga sigawan ng mga studyante. Palakasan na naman ng cheers and yells each schools.
"Mukhang hindi naman sa covered yong sigawan eh sa Seminary iyon"
Nakapagtataka ah. Mostly kasi hindi naman sumasali ang Seminary kasi bukod sa all boys sila, more on cathecism lang ang ginagawa nila pag pumupunta sila sa school namin.
"Eh san tayo pupunta? Covered o Sem?" Hindi ko naman kasi alam kung san kami tutungo muna tyaka nasa labas na kami. "Punta muna tayo sa covered court. Tingnan natin kong anong laro doon tapos kong boring ay sa sem tayo"
Pagdating namin sa covered pinuntahan namin yong mga kaklase namin.
"Sakto dating nyo guys, kakatapos lang" bungad agad nila. "Heh! Ano nanalo?" Proud namang sumagot ang mga kaklase ko. "Team SJSNA syempre"
"San kayo pupunta naman?"
"Sa sem. Merong laro tayo ngayon eh"
"Kayo nalang guys, uuwi nalang ako sa bahay. For sure andon si Ma'am, sure ako, di ako makakanood"
"No way! Highway! Walang uuwi. Sayang yong boses mo gurl! Echicheer natin ang School natin no. Duuuh! Tyaka andaming seminarians doon na ang gwagwapo. Malay mo, makita mo doon ang forever mo. Ayeeeh" Tukso nila.
Napapailing nalang ako. "Hay nakuu, ewan ko sa inyo, tayo na nga. Dami nyo pang sinasabi eh manunood lang naman kayo. At hello, gwapo nga sila, magpapari naman. Kayo talaga, bawal silang landiin no"
"Sorry na Crash Leigh pwede sorry?"
Nakaupo na kame ngayon sa bench naghihintay ng laro. At dahil Interschool ngayon. Kampi-kampi ang mga school. Magkakampi yong school namin (Newton Academy) at St. Joseph Seminary at Volleyball ang game this day. Hindi pa naman yong school namin yong naglalaro. Next game pa sila. Since we're seniors kailangan naming magcheer and witness the game for us to know who will be the winner, kailangan kasi naming gumawa ng article sa interschool at kanya-kanya yong pag gawa kaya lugi ako kung di ako makakanood kaya nga napapayag ako ni Sydney, kasi kailangan kong gumawa ng article.
"Sydney, cr lang ako ha?"
Pabalik na ko kung saan nakapwesto sina Sydney at iba ko pang mga kaklase ng nakasalubong ko yong mga players ng school namin at SJS. Binati naman ako ng mga players ng school namin. Natuwa nga ako kasi kahit hindi kami magkakilala ay binati rin nila ako. Then may pahabol pa si Rock.
BINABASA MO ANG
I Met A Volleyball Player Number Seven
Novela JuvenilDetermined to be a priest, Shield found himself entering the seminary. But with a twist of fate, he met Leigh in a rather hysterical way during a volleyball game. © All rights reserved.