15

2.5K 32 4
                                    

Inabangan ko talaga yong sabado. May pasalubong pa si Shield, binigyan nito ako ng artwork na wallet. Pinadala lang niya kay Kuya Toffy. Sympre tuwang tuwa naman ako. Hindi naman kami nagkita kasi family comes first eh. Nahihiya naman akong mag-aya sa kanya na magkita kami, sabado at linggo na ngalang siya makakauwi sa bahay nila ay kukunin ko pa iyon.

It's a no no

Pero hindi naman siya nagkulang na magtext sa akin. He still always checks on me. Tapos palagi niya naman akong ina-update basta meron siyang phone na hawak.


Time flies so fast, ganon ang routine namin ni Shield. Pero medyo nagbago lang iyon ng kunti ng naging busy kami ng mga pinsan ko sa Church kasi bukod sa malapit na iyong Simbang gabi ay sunod-sunod rin ang mga event sa PYM. Hindi ko na rin masyado nakakatext si Shield kasi busy rin iyon. Nagpapractice kasi siya para sa DAIGON nila. Magpeperform silang mga seminarians.


Katunayan ay mamaya ng gabi iyon igaganap. Kakanta nga si Shield eh pati si Kuya Toffy. Si Kuya Zayn ay sa lights and sounds nakatoka. Meron nga akong ibibigay kay Shield. Christmas gift ko iyon. Si Ate Yhanna kasi ay may ibibigay kay Dhylan. Kaklase ni Shield. MU yata si Dhylan at si Ate Yhanna kaya pati ako niyaya niyang bigyan rin si Shield. Kahit nahihiya ako ay bibigyan ko siya kasi binigyan niya ako ng gift noong nag fieldtrip sila.



Iyong regalo kasi ni Ate Yhanna ay mug na may picture ni Dhylan. "Ate Okay na?" Tanong ko kay Ate Andrey. Kasama ko siya dito sa Capitol. May binili kaming props para sa December 16. 3days pa bago ang simbang gabi pero mas mabuti ng maaga para ready. Presentation rin kasi namin yon eh, mga kabataan ng Parokya ni San Jose de Obrero para sa National Youth week. Para sa opening ay sasayaw kami ng entrance, Gloria pati iyong recessional.


"Ayan na be oh. Maganda naman" Kinuha ko kay Ate Andrey yong tshirt. "Kaso At baka di naman magkasiya to kay Shield. Size ko kaya yan". Nag-print kasi kame ng tshirt. Iyon ang ibibigay ko kay Shield, picture niya na collage ang kaso yong shirt ay tshirt ko mismo. Kaya malabong masusuot yon ni Shield.


"Hindi naman niya iyan isusuot no. Remembrance niya yan kaya itatago niya yan at aalagaan" Tiningnan ko si Ate Andrey. "Seryoso ka At?" Tumango siya. "Dapat may picture kayo mamaya"


"Kahit wala na At. Basta maibigay ko lang. Busy siya mamaya eh. Tapos sabi niya baka di siya makahawak ng phone"


Doon na kami naghaponan sa Jollibee ni Ate Andrey. Halos madalas kame iyong palaging magkasama. Pauwi na kami ng maisipan naming maglakad-lakad muna. Wala kasing Kuya kaya wala kaming sundo, kaya magco-commute kami. Habang naglalakad ay tinatanong ko si Ate Andrey bat ang hilig niyang maglakad, napapagod na kasi ako pero ayaw niya paring sumakay ng tricycle.


"Alam mo kasi Leigh, masarap mag lakad basta kasama mo iyong mga favorite na tao sa buhay mo. Doon mo marerealize na sobrang halaga ng oras"


"Dahil kapag naglalakad tumatagal ang oras? At kapag kasama ang mahal sa buhay ang bilis ng oras at?"


"Magegets mo rin yan---ouch" tiningnan ko iyong humila kay Ate Andrey. "Hoy sino ka?! Bitawan mo ang ate ko" bigla kasing natutulala lang si Ate Andrey. Ako naman pilit hinihiwalay iyong kamay ng lalaki sa braso ni Ate Andrey.


"Ano ba Kuya! Nasasaktan muna iyong Ate ko. Paghindi mo binitawan ang Ate ko, isusumbong kita sa mga Tito ko. Hindi mo kilala ang kinakalaban mo" banta ko pa. Nagulat naman iyong lalaki at binitawan si Ate Andrey. Hinila ko naman si ate Andrey para maglakad na ulit kami at makaalis na doon sa lalaki na iyon. Si Ate Andrey naman parang natutulala pa.

I Met A Volleyball Player Number SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon