Akala ko di niya narinig ang sinabi ko pero huminto siya at bigla akong kinawayan habang nakatalikod sa akin.
"PANGET MO! DI NA KITA CRUSH"
Akala ko ay lalakad na ito papuntang Sem pero huminto siya, humarap sa akin at ngumiti.
Omg! It's a first! Ngumiti siya. Ang gwapo naman niya.
"Sure ka hindi na?"
Pero bago pa ako makasagot ay tumakbo na ito papunta sa loob ng gate. Anong behavior yan Shield Ayzeah?
Kinabukasan, kakatapos lang ng practice namin, wala kaming pasok kasi sabado pero may sayaw kami sa MAPEH, lunch break kaya bumili kami ng food para sa lunch. Kasama ko ang triplets, ako na yong bumili para sa amin ni Gospel. Tinatamad itong sumama. Nasa labas na kami ay maraming mga babae ang nakikita kong nakatambay sa labas, umaabang siguro sa mga seminarista kasi uwian nila ngayon.
Di ko alam kong anong mararamdaman ko. KABA, TAKOT at HIYA kasi baka makita ko nanaman si Shield pero at the same time naeexcite rin akong makita siya.
WAIT!
Naeexcite? Joke lang yun! Erase! Erase! And hindi na siben ang tawag ko sa kanya.
Habang papalapit kami ng papalapit sa mga kalalakihang nagwawalis. Biglang sumigaw yong 3rdyear na taga newton ng
"ATE CRASH SI CRUSH MO OH"
"SI SIBEN"
May sumigaw na naman pero pinabayaan ko lang. Buti at di sila dumagdag sa mga tumutukso sa akin. Buti nalang! Diritso lang kami sa paglakad ng biglang may tumulak sa lalaki at saktong tumama sya saakin. Para hindi siya matumba ay napayakap siya sa akin. Sa kaba na matumba ay napatulala ako.
"Sorry! Hindi ko sinasadya" Inangat ko ang ulo ko para makita ang mukha ng pigurang nasa harapan ko ngayon.
Ang tangkad kasi parang si Shield. Naisip ko na naman siya sa sitwasyong ito? Malala ka na Crash Leigh. Pagharap ko. Omg! Si si—siben.
Si Shield ang nakabanggaan ko.
Hindi ako makapaniwalang si Shield ang nakabangga ko. Sa dinami-daming tao, Lord sign na ba ito? Pashnea. Kinikilig ako. Tinukso na naman kami kaya dalidali akong umalis doon. Kahit mukhang may sasabihin pa si Shield.
"May sasabihin pa ata sayo bat di mo liningon?"
"Kinakabahan ako?! Ghad! Nabangga niya ako Heart! Nabangga niya ako Circle! Nabangga niya ako Diamond!" frantic na reaction ko sa triplets. "Shet na malagkit! Grabi ang kaba ko, nanginginig pa ako. Letche naman kasi iyong pantog ko, naiihi ako edi sana narinig ko pa iyong sasabihin ni Shield"
Ang lakas lakas parin ng tibok ng puso ko. Nakita ko siya ulit ah, kahapon nakita ko rin siya. Umuwi na ko ng bahay namin at dali-dali akong nagpalit at pumunta sa bahay ni Ate Praise sakto andito. Pumunta kasi siyang Manila para kumuha ng UPCAT malapit na kasi siyang mag College. Grade 12 na kasi siya, sa Newton kasi ay walang K12.
BINABASA MO ANG
I Met A Volleyball Player Number Seven
Teen FictionDetermined to be a priest, Shield found himself entering the seminary. But with a twist of fate, he met Leigh in a rather hysterical way during a volleyball game. © All rights reserved.