05

5.9K 44 1
                                    

"Ano sabi mo Kuya si Shield iyon?" di makapaniwalang tanong ko. Tama ba ang narinig ko? si Siben iyong nakausap ko? 


"Oo. Si Shield Ayzeah Ibarreta" 


Tiningnan naman ako ni Kuya Toffy, sinusuri ang reaction ko. I pursed my lips, hindi dapat niya mahalata na medyo kinilig ako ng very-very slight lang. 


"Oh bat parang may kutob akong may something sa inyo ni Shield, Leigh?" 


Umiwas ako ng tingin kay Kuya Toffy at niyaya na itong bumalik sa bahay nila. Ayokong pag-usapan si Shield, alam ko naman kasing magtatanong ito at hindi ako tatantanan. Hindi nga ako nagkamali kasi hindi niya talaga ako tinigilan, tinitingnan na kami ng mga tito.


"Wala nga kasi kuya, nagulat lang ako no, nagsasalita rin pala yun diba kasi nong nag mall tayo, naalala mo pa? yong bumili tayo nina Father ng materials sa cultural tapos na iwan kaming dalawa, ang tahimik niya, ni di nga siya nagsalita non eh"


Nilingon ko naman si Kuya Toffy na humagalpak sa tawa. "Oo nga no. Naalala ko pa yun, binalak talaga naming iwan kayo, plano yun ni Father kung gagana yong kadaldalan mo kaso wala epek eh". Kumunot ang noo ko. "Ano?! Nakakainis kayo! Napanes laway ko kamo"


Sumama ako kina Ate Praise, nagyaya kasi itong may picture kaming mga babae. Yong mga lalake naman kasi nag-iinoman na sa labas. Pagkatapos naming magpicture ay uminom rin kami pero ladies drink lang iyon, binibigyan nga ako ni Tito Philip ng beer kaso gising pa si Mamang kaya mamaya nalang daw pag tulog na ito.


Kinabukasan, early akong pumuntang school kasi the nextday dadating yong mga players. Naging busy ako, hindi sa gawain kundi sa kakatext. Hindi ko nga alam kung kanino at paano nakuha ng mga volleyball players ang number ko. Pero infairness, hindi sila boring katext. Hindi ko lang alam sa kanila kung naboboringan silang katext ako. Wala kasi talaga akong kwenta magreply. Flooded na nga iyong inbox ko eh, tapos mga feeling close pa sila. Ang kulit-kulit lalong lalo na si Elijah at Heaven.


Naalala ko tuloy na yong dalawang taga Marian, umamin sa akin na crush daw nila ako. Tinawanan ko lang nga kasi di naman ako naniniwala. Pero infairness at very supportive talaga sila sa amin ni Shield. 


"Crash punta ka na sa basketball girls? Lalaro ka?" Tumango ako kay Ma'am Cruz. Siya kasi ang assistant ni Coach Gab ngayon. "Naka usap mo si Sir Athan?" Tumango ako ulit. 


"Pinapapili po ako sa Basketball or Athletics Ma'am" Napakamot ako ng ulo, hindi ko kasi alam if makakalaro ako ngayon.  Tinanong naman ako ni Ma'am Cruz if ano ang pinili ko, kaya sagot ko naman na Athletics ang kaso merong nag report sa akin na di ako nakapag laro noong division. 


"Wala silang magagawa niyan. Aba naman. Batang pinoy ka since elementary tapos di ka papasalihin?!" Okay lang naman sa akin ang hindi makalaro kasi gusto ko ring mag focus sana sa academics. "Eh Ma'am 2years na akong di naglaro diba, lumipat ako eh ng school eh"


"Yaan mo na. Umuwi ka muna tapos balik ka bukas kasi may e-ha-handle ka pa. Wag mag palate ha? 6:30am dito na dapat" paalala pa nito bago umalis.

I Met A Volleyball Player Number SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon