10

5.6K 51 0
                                    


Tiningnan ko si Shield na ngayon ay nakatalikod paalis pero bago ay lumingon pa siya sa amin, umiwas tuloy ako ng tingin. Umiiling-iling lang si Gospel. Sabay sabing, "Ayan ang daldal kasi" ginulo naman ni Kuya Toffy ang buhok ko. Nakayuko lang ako. Narinig niya kaya? Baka isipin niya ang pathetic kong babae kong nagkaganon. Nang makasakay na kame sa Van na si kuya Toffy ang nagdadrive ay agad akong nagmaktol.


"Kuyaaaa! Narinig niya?" Tanong ko. Parang kailan lang siya iyong crush ko ngayon ay siya na ang tinatanong ko kong narinig ni Shield ang sinabi ko.


Natawa lang siya sa akin.


"Ang ingay mo kasi Couz!" Tukso naman ni Gospel. Isa pa to hindi nakakatulong, kinakabahan na nga ako eh tapos sinisisi pa niya ko dahil ang daldal ko. Eh bakit ba? Hindi ko naman kasalanan kasi di ko naman neexpect na sasama siya kay Kuya Toffy.


Pagkauwi namin sa bahay ay naging busy na ang mga tao. Hindi ko alam kung ano meron pero mamayang gabi ay pupunta kaming function hall dahil sabi ni Tito Joseph ay may ipapakilala siya sa pamilya namin. Expected ko na talaga na si Julien, I mean Andreanna Mariz iyon and I am so much excited to meet my long lost cousin.


"Hello family. I know you are all excited to meet my long lost found daughter and to spoil you all, with out further a due, meet my daughter Andreanna Mariz Fulgencio"


Bigla namang lumabas ang isang babaeng mataas at may pagkamorena. Isa nga siyang Fulgencio. Kulay palang ng balat ay Fulgencio na pati ang mga mata nito. Kami lang ng kapatid kong si Merliah ang hindi morena sa amin dahil ang lolo ko ay half Spanish, halata naman sa apilyedo kong Bueno diba? At sa pagkakaalam ko rin ay isang English Blood ang Mama ko dahil Ackerman ang apilyedo nito. Not sure kasi kunti lang ang info ko sa Mama ko. Niyakap ng mga tita at tito si Andreanna Mariz. Ngumiti lang ito. Nag-iiyakan na nga sa hall eh. Kahit ako ay maluha-luha narin dahil sa tagpong iyon.


Nang kame namang magpipinsan na ang nagpapakilala ay sinalubong namin siya ng masayang ngiti.


"Hi Ate Andreanna Mariz" bati ko. Nahihiya man ay ngumiti ito. "He-hello" alanganin nitong sabi. Natawa kami sa reaksyon niya kaya natawa narin siya. "Ate Praise kaedaran mo lang si ate Andreanna Mariz" sabi ni Merliah.


"Oo nga eh. Mas matanda nga lang si Ate Yhanna" naagad nagpout si Ate Yhanna dahil kahit siya ang pinakamatanda sa amin ay mas isip bata pa siya.


Tinanong lang namin si Ate Andreanna Mariz ng kung ano-ano. Naagad niya namang sinasagot. Nakapalagayan naman namin siya ng loob syempre kadugo namin eh. Andami kong nalaman sa kanya. Isa na siyang college student sa Xavier University. Kakatapos lang niyang mag debut. At after no'ong 18th birthday niya ay nalaman niyang ampon pala siya. Meron siyang kapatid na lalaki at close na close daw sila nito. Cronos Miguel ang pangalan. Ang astig ng name kasi mahalig ako sa Percy Jackson kagaya ni Andreanna Mariz. Ayaw nga niyang sumama kay Tito Joseph kaso ay wala na siyang magawa dahil hindi naman talaga siya isang Del Rosario at lalo pang hindi siya tanggap ng kapatid nito. Galit sa kanya ang kanyang kapatid na si Cronos Miguel ng malaman ng huli na isa siyang ampon. Naawa nga kame kay Andreanna Mariz eh pero hindi namin pinakitang naaawa kame sa kanya. We just hugged her para malaman niyang through ups and down ay andito kame para supportahan siya sa lahat. Inamin rin niya sa amin na may nakarelasyon siyang isang pari at di na kame nagulat doon dahil sinabi na ni tito pero hindi namin sinabi sa kanyang alam namin para di siya mahiya.

I Met A Volleyball Player Number SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon