14

2.8K 35 2
                                    

Napahagikgik ako pagkatapos kung basahin yong isang facebook post. Nakita ko lang itong "HOW TO HAVE A JOWA IN ONLY ONE MINUTE" ni LaxūsGrey sa Facebook. Napaisip ako, what if gawin ko kaya ito kay Shield? Ano kayang isasagot niya? Ang kaso wednesday ngayon, hindi makakatext si Shield.


Naisipan kong umupo sa bench malapit lang sa tinatayuan ko. Gusto kong itext si Shield kaso di naman yun mag-rereply kaya nagscroll nalang ulit ako sa facebook. Ayoko pang umuwi kaya dito muna ako sa mall tatambay.



[From: My Shield Ayzeah

Hi! ano ng ginagawa mo diyan?]



Nagtataka man ako kong bakit at paano nakatext si Shield ay nereplyan ko siya. Wednesday kasi ngayon, hindi naman sabado, pero bakit nagtetext si Shield?



[To: My Shield Ayzeah

Hello! Andito ako ngayon sa mall, bibili ako sana ng Accounting Books, sale kasi, para sana maka-mura manlang kaso mahal naman iyong mga libro.]



Napangisi ako bigla. Wait, parang kanina lang binabasa ko yong mahal-mahal chuchu ah. Matry nga kay Shield.



[From: My Shield Ayzeah

Mahal? Kung ganon wag kana bumili, sayang lang ang pera mo niyan.]



Para akong temang na ngi-ngiti sa tabi. What a coincedence. Kanina lang, iniisip ko lang na gagawin ko sa kanya ngayon ginagawa ko na talaga. Prank time na.



[To: My Shield Ayzeah

Kainis naman mahal eh, gusto ko pa na mang bilhin iyon.]




[From: My Shield Ayzeah

Eh wala ka na ngang magagawa mahal eh]




[To: My Shield Ayzeah

Uuwi nalang ako mahal]


Tapos napatawa na talaga ako. Pinagtitinginan pa nga ako ng mga tao dahil sa halakhak ko kaso who cares.


[To: My Shield Ayzeah

Ay pashnea! Na carried away lang hehe]


Nakakahiya. Ano kayang reaction ni Shield pag nalaman niyang pinagtitripan ko lang siya kasi gusto kong etry iyong nabasa ko sa facebook?



[From: My Shield Ayzeah

Joker ka talaga! Mag-iingat ka ha? Nagpuslit kasi ng phone ang kaibigan ko buti kinuha ko yong sim card para makatext sayo. Try ko mamaya if makakatext ako. Pag hindi, sa saturday nalang.]



Napapakamot ako sa ulo. Ang naive talaga ni Shield. Joker daw. Seryoso kaya ako sa tawagan namin na mahal ehh. Pero pumuslit talaga siya? Ay yung kaibigan niya pala. Umuwi nalang ako sa bahay. Pero pagdating ko doon ay hinila ako ng Triplets ewan ko nga kong bakit. Kasalukuyang nakaupo kami ngayon ng triplets sa bench. Kakatapos lang namin magbasa. Nagyaya lang na mag advance study ang tatlo sa Luna. Pareho kasi kaming accountancy ang kukunin na Course mag college. Sila, gusto nila, ako, wag niyo ng itanong... napilitan lang ako sa course ko.


"Nakakaiyak! Boyfriend ko nga hindi ako binibigyan ng problema, itong si Accounting may sama ata ng loob saakin eh" pagrereklamo ni Circle. "Teh may boyfriend ka?" Tanong ni Heart."Wag magdrama te ha? Wag!" Sabat naman ni Diamond.


Ewan ko lang kong hindi na momblema ang mga magulang nitong triplets sa pagpapalaki sa kanila. Ang iingay eh. Napapailing nalang ako sa kanila. Hindi naman sila nakakalitong titigan. Hindi sila identical. Fraternal twins sila. Buti lang! Kung hindi! Nakuu! Hindi ako makakatagal sa kanila.

I Met A Volleyball Player Number SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon