17

2.7K 39 1
                                    

"SHIELD!!!!!!!"


"SHIELD!!!!!!"


Sumigaw ako, sumigaw ng sumigaw pero ni-lingon ay hindi talaga niya binigay. Pinuntahan ko siya. Pero nakita ko naman siyang tumakbo kaya hinabol ko siya. Hinawakan ko iyong braso ni Shield.


"Shield! I'm Sorry. Hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko naman kasi alam na papagalitan ka. Di ko naman alam na pari pala iyong benefactors mo at gusto ka palang ipapa-pari ng parents mo. Sorry kong napagalitan ka. Please. Sana di ka makick-out. Dinadalangin kong sana ay di ka makick-out"


Tumulo na iyong mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tumingin ako sa mata ni Shield. Nakakunot iyong kilay niya. Para siyang naguguluhan pero bumalik na naman sa plain iyong reaction niya.


"Crash Leigh hinahanap ka na. Tayo na" nilingon ko si Kuya Zeus na hinihintay ako. "Sandali lang Kuya kailangan ko lang naman kausapin si Shield. Please" Pero wala na. Tinalikuran lang ako ni Shield. Wala siyang reaction.



Wala.


Masama iyong tingin niya sa akin.


Masama, kasi kasalanan ko naman.


Alam ko naman iyong next eh, ipapalayo siya sa akin kaya nga siguro di niya ako pinapansin dahil kailangan niya ng lumayo. "Shield please kausapin mo ko" iyak lang ako ng iyak.


For the 3rd time around tinalikuran na naman niya ako. Napaupo na ako. Hagulhol na iyong iyak ko. "Shhh Crash Leigh tahan na"


"Kuya... bat ganon? Ang sakit... kasalanan ko naman kasi. Bakit... bakit kasi nagmahal ako ng isang Seminarista? Ang sakit Kuya" mugto man ang mata ay dinala ako ni Kuya Zeus sa Capitol. Pumunta kaming department store tapos ay pumasok kame sa World of Fun.


"Anong gagawin natin dito?"


"Maglalaro. Crash Leigh wag mo na munang isip iyong si Shield"


Gaya nga ng sinabi ni Kuya Zeus ay naglaro kame. Naglaro ako ng tekken tapos nagbasketball. Pumasok rin kame sa isang videoki room at kumanta. Kumain kame ng ice Cream at fries. Plus burger. Nang napagod na ay umupo naman kame sa mga benches.


"Salamat Kuya ha. Kahit ilang oras naging masaya ako" Ngumiti ako ng pilit kay Kuya Zeus. "Ano ka ba. Kensi anyos ka palang kung makareact ka naman akala mo naman mawawalan ka ng lalaki sa mundo"


"Pero kasi Kuya kasalanan ko. Alam mo bang dahil sa dare na iyon ay pinagalitan si Shield. Maari rin siyang makick out sa Seminary. At dahil iyon sa katangahan ko." Napayuko ako at inatong ang kamay sa ulo ko. "Ang tanga ko Kuya pwede naman kasing ininum ko iyong shot eh. Kaso dahil gusto ko rin naman look, ito.. ito ang nangyari"


"Shhh wag ka nang magsalita okay. Siguro ay wala na rin iyon. Wag mo nang isipin. Feel ko ay di rin nila ipapakick out si Shield kasi 3months from now graduation na. Kaya think of the brighter side okay?"


Lakad-lakad lang kame ni kuya Zeus nag window shopping kasi naman wala talaga akong gana. Hanggang nakita ko si Bluster tyaka si Tita Blanche.


"Hi Crash Leigh regards kina Mamang at Tatang ha" nagbeso ako kay tita. "Opo sasabihin ko po. Ay si Kuya Zeus po pala. Bisita namin" magalang naman na binati ni Kuya Zeus si Tita Blanche. Pinakilala ko naman si Bluster. 

I Met A Volleyball Player Number SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon