06

6.7K 64 12
                                    

"ATE? HINDI MO TALAGA GUSTO SI KUYA SHIELD?"


Umiling ako. Sympre mag de-deny ako.


"EH ANO YAN?"


Turo nya sa powerpoint, tumingala naman ako. Pashnea! Dali-dali akong tumakbo kung nasaan si kuya mark at kinuha ang laptop. Nakakahiya ka Crash Leigh! Kinuha ko kay kuya Mark yong laptop tyaka pinalitan ang wallpaper. Pulang-pula naman ang aking mukha, hiyang-hiya talaga akong bumalik kung san ang pwesto ko kanina.


"AYIEEEEEH si Ate Crash may gusto kay Kuya Shield" sabi pa nila.


Bat ba kasi pinahiram ko pa ang laptop ko? Takaw tingin muna ako  kay Shield, nakatingin rin sya sakin, napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Straight face lang naman ito. After non,  salamat at natapos na rin kahit tinutukso ako nong mga lower years.


"Crash, ayusin mo muna  dito yong projector ha? baba na ako, maguusap pa kame ni Father, punta  ka nalang ng refectory pagkatapos" tumango naman ako. Sinimulan ko na ang pag-aayos sa AVR. Umalis na kasi yong mga students, maglalaro na daw  kasi sila.


"Need some help?"  Tiningnan ko naman kung sino ang nagsalita, akala ko si Shield si Kuya  Toffy pala. "Wag na kuya, kaya ko naman eh" Napailing tuloy ako, para akong timang.. bat kasi  nagexpect ako na si Shield yong tutulong sakin? "I insist be"


Nong natapos na kami magligpit ng gamit at malinis na ang AVR ay kinuha ko naman yong bag ko. "Tayo na sa refectory" tumango naman ako, at lumabas na kami ng room. Habang nasa hallway kame naglalakad ay panay ang tingin sa amin ng mga seminarista, ayoko mang mag assume pero feeling ko ay pag-uusapan kami ni Kuya Toffy.


"Leigh, kain ka na" ngumiti naman ako at umupo na sa upuang malapit sa table. Habang kumakain kame ni kuya nabigla nalang ako ng bigla syang nagsalita.


"Ikaw Leigh ha? ikaw  pala yong babaeng tinutukso nila kay Shield, sabi ko na may something eh, bakit di mo sinabi sa akin na may something sa inyo ni Shield?  Huh?" kastigo nito sa akin. Napakamot tuloy ako sa ulo ko. "Wala naman kasing something Kuya ehh..  tyaka di naman kami  friends non, ni di nga nagsasalita yun eh.." 


Binigyan ako ng di naniniwalang look ni Kuya Toffy. "Napagtripan lang talaga ako ni Sydney, Kuya.. basta ganon na yun"


Kumain nalang ako para di na ako kausapin ni Kuya Toffy, ayaw niya talaga maniwala sa akin na wala kaming something ni Shield, I hear him murmuring kanina pa "Sus, pero gusto mo naman si Shield diba?" pag-uulit nito. 


"Hindi ah" tanggi ko. Syempre kay kuya Toffy  di ako aamin, Dream guy ko yan eh.


Sabi nga ng iba,  abnormal lang ang hindi nagkakagusto, kaya hindi ako abnormal, hindi ko  lang sinasabi sa iba. Ayoko kasing masira ang friendship namin ni Kuya Toffy. Kaya nga ayokong tinutukso sa ibang lalaki kasi naaawkwardan ako  kasi gusto ko si kuya Toffy lang itukso sakin. At para hindi nga ko  mahalata eh kinakareer ko na kunwari eh nagkakagusto na ko kay Shield,  para rin siguro kalimutan si kuya Toffy.


Ganun! Pero kasi iba na eh. Mas gusto ko na si Shield kesa kay kuya Toffy.


I Met A Volleyball Player Number SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon