07

5.6K 59 5
                                    


Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko ngayong araw, ang daming nangyari at hanggang ngayon ay naloloka ako. Simula nong English Cultural, marami nang nagpaparamdam sa akin, like mga manliligaw. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko, hindi naman sa wala akong experience pero oo wala naman talaga akong experience, hindi pa ako nagkakaboyfriend.


Hindi naman kasi counted iyong grade 6 ako. Ako lang naman kasi ang nagassume na kami ni Kuya Toffy pero hindi naman, bata pa ako non at naniwala ako sa mga inside jokes ng mga matatanda. Pero nasabi ko naman kay kuya na nag-assume ako at wala na iyon kasi matagal na. 


Natigil ako sa pag-iisip ng bigla akong hilahin ni Sarah. Wag mo sabihing nakita nila si Shield at palalabasin ako sa labas para makita siya? Oo crush ko talaga si Shield pero kasi mukhang nagiging despirada ako tingnan. At ayoko non. Gusto ko ako ang nililigawan pero paano ako magpapaligaw hindi ko nga alam kong kilala ako ni Shield. 


Hays. Nakakafrustrate talaga si Shield. I didnt realize nasa harapan na pala kame ng simbahan, malapit sa Seminary na malapit rin sa Plaza.


"Sorry talaga Crash pero pwede favor muna? Please. please... mag - oo ka muna ha, ngayon lang to, tyaka ipapaliwanag ko sayo mamaya." Natatarantang sabi nito. Kaibigan ko naman si Sarah kaya umoo naman ako kahit di ko pa alam ang favor nito. "Pwede bang magpanggap ka munang girlfriend ng boyfriend ko?"


"Huh? Pakiulit? Parang nabingi ako" Tiningnan ko naman si Sarah na di mapakali, wag mong sabihing seryoso siya sa sinabi niya at di nagbibiro? "Anooo?!" Ako? Magpapanggap na siya


What the. "Please? Ginamit ko kasi iyong pangalan mo eh yon yong pakilala ko sa boyfriend ko"


Oh Crap! Hindi ko man alam kong ano ang mararamdaman ko, ginamit ni Sarah ang pangalan ko? so authomatically hindi niya boyfriend iyon kasi hindi naman Sarah ang akala ng lalaki kundi pangalan ko. Nabigla nalang ako ng merong umakbay sa akin. At dahil meron rin akong experienced sa pag ya yaw-yan nong elementary days. Mabilis kong pinilipit ang kamay ng lalaking umakbay saakin.


"aw aw, babe easy okay? Ako to" sabi nito. Nagtataka ako. Tiningnan naman ako ni Sarah na yong-favor-ko-kalma-boyfriend-ko-yan look. Nabigla rin ako kaya dali-dali kong binitawan siya. Yumuko agad ako at humingi ng sorry.


"It's okay babe. expected ko rin namang may pagka-amazona ka, diba nga sabi ni Rock, kahit ikaw nalang daw ang babae sa mundo, hinding - hindi siya papatol sayo?" sabi nito, namilog ang mga mata ko. Huli ko ng narealize na isa siyang volleyball player. Si Justin to, isa siya sa mga umamin sa akin nong Training days nila. Hindi ko magawang ngumiti, kinakabahan ako at the same time bago ito sa akin. Si Sarah naman titig na titig sa boyfriend kuno niya.


"Ahh ano, si Sarah nga pala. Kaibigan ko" pakilala ko. "He-hello! N-nice to meet you Justin!"


"Hello rin. I remember you! Kilala mo pa ako?" Manghang sabi ni Justin. "Ah-ehh oo, kinikwento ka ni Crash sa akin" sabi nito. Ano ba?! Di ko talaga alam ang gagawin ko.


"Bakit ka nga pala pumunta dito?" I asked him. Bigla naman siyang ngumisi. He pinched my cheeks. Nakita ko naman si Sarah na mukhang nasasaktan pero nakangiti. "Masama ba? Binibisitahan ko lang naman ang girlfriend ko" Tumango nalang ako. Pinagpawisan ako ng malagkit, God! Ang hirap magpanggap lalo na sa harapan ko lang naman ang tunay na girlfriend. 

I Met A Volleyball Player Number SevenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon