Nang makarating sa si silid ay agad na naupo si Sybil sa pwesto niya nang nakaraang gabi. Agad naman niyang nakita si Amber at binati ito. Doon nakilala pa niya ang ibang kababaihan.
Si Astrid ang pinaka-jolly at bubbly sa lahat, makuwento ito at madaldal. Middle class ang pamilyang kinalakihan nito at nakapag-enroll sa Training center dahilan sa may sugar daddy ito na pinilit na mag-aral siyang maging submissive.
Si Heather ang pinakamatanda sa kanilang lahat, anak mayaman ito na laging nakaismid kung kakausapin, binanagan itong betty boop ni Astrid dahil sa plastic boobs nito.
Ang huli ay si Amber pino at kimi lamang ito, bagay na nagustuhan niya dito. mabait ang aura nito kahit bakas sa kanyang mayaman din ang pamilyang pinanggalingan nito, kung bakit ito naroon ay hindi niya alam. isang malaking palaisipan sa kanila ang pagpasok nito sa center.
Ayon na rin kay Astrid ay siya ang pinakabata sa grupo nila kung kaya't binansagan siya nitong baby face. Sa kanilang apat ay siya nga lang ang masasabing pinakamahirap sa lahat. Hindi man niya gusto, kinakain na naman siya ng insecurities niya. Mali yata talaga ang napasukan niya, ni wala siya sa kalingkingan ng mga ito. Mabuti na lang at dumating na ang Professor nila bago pa siya tuluyang kainin ng realidad.
Matapos ng klase ay nakatanggap naman si Sybil ng text message mula kay Pierro. Gusto nitong magkita sila sa opisina nito, to discuss about their up coming practicum, na kung saan ay si Pierro ang magiging trainor niya.
Bitbit ang kontrata, ay dali-dali niyang tinungo ang opisina nito. Gusto rin niyang maliwanagan sa kontarta niya, masyadong tempting ang kontarta na ito at sa huli ay baka baka pagsisihan niya lang. Hindi naman niya mapapakinabangan iyon matapos ang Training niya.
That eight long weeks are not enough for her to live in that luxurious life, which is stated in her contract. masyado siyang nasasakal dito. Mayroon din siyang buhay sa labas ng training center at hindi siya tanga para mamuhay ng malayo sa lifestyle niya.
Maingat siyang kumatok sa pinto ng makarating siya sa tapat ng opisina nito. Dalawang beses pa niyang inulit ang pagkatok bago siya nakarinig ng tinig sa loob. Marahan siyang pumasok matapos niyon. Abala si Pierro sa pag-ta-type sa laptop nito ng makapasok siya. Sumenyas naman ito na maupo siya na ginawa naman niya.
Pinagmasdan niya ito sa ginagawa at sa hindi siya nagkakamali ng hinala, masyado talaga malakas ang karisma nito sa lahat ng kabaro ni Eba, baka nga kung masasama niya sa lugar na tinitirahan niya ito ay pagpiyestahan lang ito ng mga bading na laging nakatambay sa lugar nila. Napangiti siya sa naisip, ano bang kalokoha nag naisip niya ipiniling na lamang niya ang kaniyang ulo upang iwaksi ang mga naiisip niya.
"Baliw ka na naman Sybil!! kung ano-ano na naman ang pumapasok sa ulo mo" sita niya sa sarili.
Isang malalim na pagtikhim ang nagpabalik sa kaniya sa huwisyo. Literal siyang huli pero hindi kulong. Ilang beses na ba siya nitong nahuhuling nakatitig sa kaniya?
"Enjoying the view? I hope nabusog ko ang mga mata mo." He smiled.
There's something in his voice that makes her feel uncomfortable. Hindi mawari ni Sybil ang mararamdaman, kakaiba ang hatid ng pag ngiti ni Pierro sa kan'ya na parang may ipinapabatid na hindi niya malaman.
"Have you signed the contract?" he ask in his authoritative tone.
"Uhm, I. . . Sir! I can't accept the offer," lakas loob niyang sambit.
A minute of silence, hindi malaman ni Sybil kung bakit parang kumapal ang hangin sa loob ng silid at hindi siya makahinga. Kakaibang nerbiyos ang nararamdaman niya. Naiintriga siya sa mga pagtitig na natatamo niya mula kay Pierro.
"Bakit? Nakukulangan ka ba sa kontarata mo? I can change it if you wan--"
"Iyon na nga po, Sir, it's too good to be true," inis niyang putol dito.
Kung kanina ay ninenerbiyos siya, ngayon ay napalitan ng ito ng inis. Ano bang akala nito sa kaniya, nabibili ng ginto?
Mataman siyang tinitigan nito. Matapang din naman niyang sinalubong ang bawat titig nito. She can see in his eyes how eager he is to convince her to sign that contract, that puzzled her.
"Isang high-end condo unit, inaayawan mo?" manghang tanong nito.
Ano nga ba ang hindi kapani-paniwala sa sinabi niya?
Mabigat siyang napabuntong hininga. "Yes, sir! sigurado ho ba kayo sa kontrata ko? I mea--"
"I am this school's director! I know the rules that is implementing and I know exactly what I am doing!"
Natakot si Sybil sa pagtaas ng boses nito. Iyon na naman ang mga mata nito na animo ay kakainin siya ng buhay. Bakit sa tuwing magkikita sila nito ay nauuwi sa hindi maganda ang engkwentro nila?
"I can't believe you! Isa akong scholar, and yet... ako pa ang bibigyan ninyo ng condo. I can't accept the fact na parang. . . mas tamang sbihin na daig ko pa ang mababang uri ng babaeng binibili. Nasaan ang sense non?" Napatayo siya sa kinauupuan at nakipagsukatan ng tingin kay Pierro.
"Is that what you think? and what made you think of that?" Natatawang sabi nito. "Don't flatter yourself woman,"
Napapahiyang napaupo muli si Sybil. Ano ba kaya ang gustong ipahiwatig ng mokong na ito?
"It's for the stake of this institution, you are offered this kind of things because we are implementing the solemnity and privacy of this school," anito sa mababang tono
" We, trainors and so as the submissive needs to have some more privacy when conducting one particular practicum. Hindi p'wedeng makita lang kami kung saan-saan na may kasamang ibat-ibang submissive." Tumayo ito at lumakad papunta sa upuan na katapat niya.
Dahan-dahan nitong hinila ang upuan palapit sa kaniya saka naupo. Leaving her no choice but to lean on her back. He's cornering her. Naasiwa siya sa sobrang lapit nito na animo'y nang-a-asar pa nga at mas lalong inilapit ang mukha sa kanya.
They're five inch apart, hindi niya malaman kung paanong kikilos sa harapan Pierro, pero ipinakita niyang hindi siya apektado kahit pa sobrang kinakabahan siya, masayado siyang naakit sa mga mata nito. Gusto na niyang hablutin ito at halikan, masyado siyang natatakam sa mapupulang labi nito.
Behave, Sybil! Behave!
"Hindi lang ikaw ang may ganyang offer... actually, all the girls out there has the same contract as you. I know, it's flattering but it's not as if ikaw lang ang makakatanggap ng ganitong offer." Inabot nito ang ballpen sa ibabaw ng mesa. He's handing him the contract in his hands.
"Now, can you please sign this contract for me?"
Tinitigan lamang niya ito bago inabot ang kontrata. May kung anong pwersa ang nagsasabi sa kaniyang abutin na lang at pirmahan. Hindi niya malaman kung tama ba ang gagawin niya, nagtatalo ang isipan niya kung pipirma siya o hindi. Pero sa huli, nanaig ang kabilang bahagi ng isipan niya na pirmahan na para matapos na.
BINABASA MO ANG
BDSM Stories: His Delicate Submissive (Unedited)
RomanceMakapagtapos ng pag-aaral. Iyon ang goal ni Sybil sa buhay. And then the biggest opportunity of her life came, Ang maging scholar sa isang training center. And now that she's on the edge of her dreams, saka naman dumating ang pinakamalaking distrac...