"LUTANG ka na naman Sybil," masungit na sita sa kaniya ni Julia.
“Sorry” mahinang sabi niya. Ilang beses na kasi siyang nagkakamali sa ginagawa.
Kasalukuyan siyang nagpupuno ng mga stock sa shelf ng mamahaling sigarilyo. Kung hindi sa maling row n'ya nailalagay, ay maling brand naman ang nailalagay niya sa dapat na pwesto ng mga ito.
"Lagi ka na lang ganyan. Hindi ka pa sana pumasok kung ganyan ka rin lang naman ang gagawin mo." lumapit ito at inagaw na sa kaniya ang ginagawa.
Tatlong araw na kasi ang lumipas magmula nang huling makita niya ang lalaking nag-iwan sa kaniya ng card. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagagawi sa shop.
Tatlong araw na rin siyang naghihintay ng response sa e-mail niya. Ngunit hanggang ngayon ay Wala pa rin ang hinihintay niyang response. Wala pa rin dumarating sa mga ito.
Napabuntonghininga na lamang siya. Hindi niya maintindihan ang sarili.
"Hindi naman--"
"Eh, ano bang hindi? Doon ka na sa kaha, ako na dito. Kung ano-ano na ang pinaggagawa mo."
Napilitan siya na pumunta sa harap ng kaha. Napangiti na lang siya. Kahit na sinusungitan siya ni Julia ay concern pa rin ito sa kaniya. Sa mga nakalipas na araw kasi ay nakapalagayan na niya ito ng loob ng paunti-unti, sa wakas. Intimidating lang ito sa umpisa pero kapag nakapalagayan na ng loob ay may kabaitan naman pala itong tinatago.
Nasa ganoon s'yang pag-iisip nang matanawan niya ang lalaking bumabagabag sa isip at puso niya. 'Puso?' bakit naman na sama pa iyon.
Pababa na ito ng sasakyan at agad na inalalayan ang babaeng pababa sa passenger seat. Maganda ito. Simpleng makeup at simpleng dress lamang ang suot nito. Naka-agaw nang atensyon niya ang suot nitong heels, napakataas na sa tingin niya ay aabot ng six inches.
Elegance and sophistication was written all over her. Ni hindi niya nakitaan na matatapilok ito. She walk gracefully. Di niya mapigilan ang humanga dito. Prim and proper ito kung kumilos. Iyong tipong parang de numero ang bawat kilos. Aral na aral.
Ikinawit pa ng husto ng babae ang braso sa misteryosong lalaki na kasama nito. Sa wari niya ay papunta ang mga ito sa katapat na restaurant ng convenience store. Hindi niya maalis ang titig sa mga braso nito. Na hiling tuloy niya na sana ay siya ang babaeng naka-angkla ngayon sa lalaki. Napapalitan na ng insecurities ang paghanga niya sa babae. Kung ikokompara kasi ang babae sa kaniya, napak-ordinaryo lang niya. Baka nga hindi siya mapansin kung itatabi dito.
BUONG duration ng shift niya ay bad mood siya. Hanggang sa maka-uwi siya. Parang pagod na pagod ang katawan at isip niya. Hindi na naman maalis sa Isip niya ang eksena kanina. Tatlong araw niyang hindi nakita ang misteryosong lalaki na iyon, ganoon pang eksena ang makikita niya. Agad niyang iniayos ang sarili. Wala sa loob na napatingin siya sa laptop niya. Bakit nga ba hindi niya alamin kung may sagot na?
Dali-dali naman niyang binuksan ito at nag-check ng email niya. Ganoon na lamang ang excitement niya ng makita na may sagot na sa email niya. Binuksan niya ito at binasa.
Dear Ms. de Lara,
Thanks for your inquiry. As you have read our about info in the website, The Training Center for Submissives is Located at the lower ground floor of the Black Enterprises.
Our institution is running for almost ten years, Providing excellent quality and efficiently completed satisfactions. Our exclusive training program benefits our students to learn the art of submission. A safe environment were students are given tools and experience to fullfil thier Submissive tendency and learn their own limits.
If you're not happy and contented with the training received, you are entitled to a full refund.
Our tuition fee is around five thousand dollars. If you are unable to pay for the said amount, i suggest that you apply for a scholarship program. I will include an application form.
To apply for the program itself you must fill out an extensive questionnaire together with an introductory video of yourself. If you passed on the scholarship program, we are sending you the materials you will be needed for this semester. Kindly include your mailing address.
Please, feel free to visit our campus for further details.
Sincerely,
Maddison Campbell.
******
Hindi na naman mapakali si Sybil sa nabasa. Iba't-ibang emosyon ang nararamdaman nya. Nababagabag ang kalooban niya. Saan siya kukuha nang ganoong kalaking halaga? Wow, as in wow! Five thousandd dollars ang pinag-uusapan. Two hundred thousand kapag na convert sa peso. Sobrang mahal para sa curriculum na hindi nga niya alam kung nage-exist nga ba.
At kahit pa may inaalok na scholarship program--at kahit gusto niyang mag-aral; mukhang hindi niya kakayanin. Paniguradong mahal ang miscellaneous fee dito. Hindi sasapat ang ipon niya.
Urong sulong sya ngayon sa pag submit ng form. Hindi niya alam kung itutuloy pa ba niya.
Naisipan na lang niyang ikonsulta ito kay Julia. Nag-message siya rito through chat at sumagot naman agad ito.
Me: Julia, favor naman. Pwede bang humingi ng opinion mo about sa email na na-receive ko kanina lang?
Julia: Ok. Forward mo sa 'kin, basahin ko.
Me: Na forward ko na.
Julia: wait basahin ko lang.
Me: need honest opinion ah, thanks.
Julia: Bakla yung sa I will include an application form.
Unprofessional approach siya. Dapat ganito... If you haven't apply for our scholarship program please click the link. Dahil sa mga emails na 'yan dapat merong mga hyperlinks like sa contract… Pinipindot lang para doon mag sign. Parang scam sya basahin. Isang bagsakan lang dapat kasi pag mga ganiyang email.
Me: Haba ah.. sorry di kasi ako madalas na nkakatanggap ng email eh..
Julia: Hay naku! Baka scam lang yan ah. Wag kang mag paloko d'yan, baka mamaya modus lang yan. Ang laking halaga n'yan. Meron ka bang ganyang halaga? Nakakalula.
Me: Wala nga eh.. naisip ko lang naman mag-inquire. Hindi naman seryoso. Na curious lang ako. Wala naman mawawala kung susubukan ko di ba?
Julia: Okay, sabi mo eh. Basta ingat ka na lang d'yan. Mukha ka pa namang gullible.
Me: Grabe ka naman. Haha. Salamat ha.
Julia: No worries. Matulog ka na. Baka lumutang ka na naman bukas.
Me: I will, Goodnight.
Julia: Good Night!
She felt somehow relieved. Nabuo na ang desisyon niya. Magpapasa siya ng scholarship form. Ready or not. She will try her luck. Pipilitin niyang makatapos nang pag-aaral academically or not. Kahit crash course papatulan na niya. There's always a room for stocked knowledge. It's now or never.
BINABASA MO ANG
BDSM Stories: His Delicate Submissive (Unedited)
RomanceMakapagtapos ng pag-aaral. Iyon ang goal ni Sybil sa buhay. And then the biggest opportunity of her life came, Ang maging scholar sa isang training center. And now that she's on the edge of her dreams, saka naman dumating ang pinakamalaking distrac...