CHAPTER ONE

2.5K 36 1
                                    

His Delicate Submissive
By: ThiccGoddess

Mataas na mga pangarap na lang ang bumubuhay kay Sybil. Para sa mga kagaya niyang ulilang lubos na ay kinailangan niyang maagang magbanat ng buto at sumabay na sa agos ng buhay.

Dahan-dahan niyang binuklat ang passbook na hawak niya. Konti na lang at malapit na siyang makapag-aral muli. Second year college s'ya sa kursong Mass Communication sa isang state University nang mapahinto siya sa pag-aaral. Sabay kasing pumanaw ang mga magulang niya sa isang aksidente.

"Konti na lang po, Ma, Pa... makakatapos din ako nang pag-aaral." pinahid niya ang luhang lumandas sa kanyang pisngi. "Babalik na lang po ako, kailangan ko pang magtrabaho. I love you po!"

Dali-dali na siyang tumayo at pinagpag ang suot na uniform. Sa isang convenience store s'ya naka-duty magmula hapon hanggang madaling araw. Mabilis ang kanyang ginawang paglalakad. Paniguradong nakasimangot na naman si Julia na kapalitan niyang cashier.

"Late ka na naman, Sybil," sita ni Julia. Napatingin ako sa aking relo, Isang minuto nga akong late.

"Isang minuto lang naman, Pasensya ka na." dali-dali na siyang pumasok sa staff room. Agad siyang dumiretso sa locker para maayos na ang mga gamit niya. Sinuguro muna niyang maayos ang kanyang sarili bago lumabas sa kaha.

"Good afternoon, Sir," bati ni Julia sa bagong dating na customer. Hindi mawala ang ngiti sa labi nito. Nasa likod ito ng counter at ngayon ay nakatitig na lamang sa lalaki. Halos tumulo na ang laway nito, lahat na lang ng makasalubong nito ay iisa lang ang reaction.

Hindi mo naman ito masisisi, nung nagsabog ng magandang qualities ang Diyos, sinalo na ata nito lahat. Makinis ang kan'yang  balat. Natural na mapula ang mga labi nito at may matangos na ilong. Ang kulay brown na mga mata nito ang lalong nakadaragdag ng appeal nito. Clean cut rin ang buhok na lalong bumagay sa dominanteng aura nito. Ngunit ang mas nakaka-agaw ng pansin dito ay ang dimple nito sa kanang pisngi.

Hindi niya maiwasang mapailing. Normal na lang sa kaniya ang eksenang ganito. Regular itong customer ng convenience store. Sa itsura pa lang nito ay naghuhumiyaw nang may sinasabi ito sa buhay. Itunuon na lamang niya ang pansin sa pag-aayos ng mga stock sa shelf, nang biglang may dumungaw sa shelf na inaayos niya. Sa pagkagulat ay hindi niya malaman ang gagawin.

Shocks!

Ang lalim nitong tumitig na akala mo ay kakainin ang buong sistema niya.

"Miss, isang pack nang Treasurer Black," anito.

Agad siyang nag-angat ng tingin sa pagkakatalungko niya. "I'm sorry Sir, hindi pa po available yung treasurer black." agad niyang sagot.

"Okay! Sobranie na lang." sabay lapag nito ng ilang lilibuhing pera ng may pagmamadali sa kilos nito.

"Cocktail or Black?" tanong niya. Isa-isa pang hinawi ni Sybil ang mga kaha ng sigarilyo sa shelf ng mapansin niyang nakatitig sa kanya ang lalaki.

"Both," anitong hindi pa rin iniaalis ang mga titig sa kaniya. Agad naman niyang nahanap at iniabot dito ng mga order nito.

Patalikod na ang lalaki nang pigilan niya ito. "Sir, sukli nyo po!" habol pa niya dito.

"Keep it," matipid na sagot nito.

Hindi niya malaman kung bakit ang bilis nang kabog ng dibdib niya sa tuwing tinititigan sya nito. Or Was it just her imagination, na tinititigan sya nito?

Napabuntong-hininga na lang siya. 'Pag mayaman talaga kahit mag-aksaya ng pera para sa mamahaling sigarilyo o mamigay ng pera ay ganoon na lamang.

Binuksan niya ang kaha at binilang ang perang iniwan nito. Ilalagay niya na lang sa tip box ang sukli nito. Ipapasok na sana niya sa kaha ang pera ng may malaglag na papel na nakaipit dito. Isang kulay gintong calling card. Agad niya itong dinampot at binasa ang mga nakasulat dito.

Training Center for Submissives

Excellence at it's Finest.

*****

PAGOD nang ibinanagsak ni Sybil ang katawan sa kan'yang kama. Hindi niya alam kung bakit, pero kanina pa siya hindi mapakali sa trabaho pa lamang. Inilabas niya ang maliit card sa loob ng bag niya at tinitigan ito. Kanina pa niya iniisip kung naiwan ba talaga ito o sadyang iniwan lang. Sinuri niyang mabuti nag card na iyon. Bukod sa kulay ginto aito ay masasabing hindi lang ito basta-bastang card lang, halatang mamahalin ito at hindi pangkaraniwang calling card lamang. Bukod sa kulay ginto ito ay makikita rin sa likod nito ang natatanging impormasyon sa likod ng card na ito, ang nasabing institution.

Training center for submissives. Bakit ako? Para saan ka ba talaga?

Mabilis ang kilos niyang nilapitan ang laptop niya sa study table na kinapapatungan nito.Out of curiosity ay agad siyang nag-type sa laptop at hinanap ang web address ng Training Center na ito. Kanina pa may namumuong ideya sa isip niya na gusto niyang maalis sa isipan niya.

Hindi naman nagtagal ay nag-pop up sa screen ang isang building. She was amazed of what she is seeing. From the looks of it, this building is not just an ordinary building. Landscape pa lang ng building ang nkikita niya ay na-amaze na siya agad, what more kung ang mismong loob ng building ang makita niya?

Nag-search pa si Sybil ng iba pang information. Nakakita naman siya nang link at pinindot ito. Nakikita niya sa screen ang mga pictures ng mga hindi lamang lalaki kundi babae din na nakahubad, nakatali ito at nakaluhod sa harap ng isang lalaking naka-mask na may hawak na latigo na animo ay hahampasin ang babae.

Mayroon pang babae na may nakapasak na kung ano sa bibig na parang bola, Nakatingin ito sa lalaki na akala mo ay nasisiyahan pa, iba't-ibang pose pa nang mga lalaki at babae ang kaniyang nakikita. Nagtatalo ang isip niya kung ipagpapatuloy n'ya pa ba ang ginagawa o hindi na. Sa huli ay nanaig pa rin ang curiousity niya sa nasabing training center.

Ipinagpatuloy niya ang pag-research. Kin-lick niya ang isa pang link and this time, isang tutorial naman. Video naman ang nagpi-play sa screen na nasa entrance at papasok sa isang lobby papunta sa reception area. Marahil ay ito na ang Training Center.

Iba't-ibang kuwarto pa ang na-feature sa video tutorial.

Nanlaki muli ang mga mata niya sa nakikita. May isang kuwarto na puno ng mga sex toys. Mayroong mga vibrators, latigo at kung ano-ano pa na hindi niya malaman kung saan at kung paano gamitin. Nakita pa niya iyong parang bola na suot sa bibig ng babaeng model kanina.

Hindi niya alam kung dapat pa ba niyang ipagpatuloy pa. Agad niya nang in-exit ang site at pinatay ang laptop. Shocks! Feeling niya ay nasusuka na siya. Anong klaseng kahalayan ba ito? Kakaiba na ang nararamdaman niya na hindi niya mawari kung ano.

Tumayo na siya at dumiretso sa banyo para maglinis na ng sarili. Matapos makapagbihis ay agad na siyang humiga sa kama niya.

"Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Kumakalabog ang dibdib ko at hindi maalis sa isip ko ang lalaking iyon? Nababaliw ka na talaga, Sybil!" kausap niya sa sarili.

Virgin pa si Sybil sa edad na 21. Hindi naman masasabi na wala pa siyang experience. May mga naging boyfriend na din naman siya. Nahalikan at nahawakan na rin siya ng isang lalaki pero hindi pa umabot sa puntong ibinigay na niya ang homebase. Naniniwala pa rin siya na dapat niya lang ibigay ang kanyang sarili sa taong mamahalin at pakakasalan niya.

BDSM Stories: His Delicate Submissive (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon