Special Chapter

23.1K 452 639
                                    

Here's a special chapter for you to celebrate SDTY because it reached 10k reads. Thank you so much, raxias!

To reaching our dreams.

------------------------------

"Mahal, bili tayo nito?"

Natatawa akong napailing kay Condrad na may hablot na agad na pagkain. We're here at the grocery store to buy some foods, not for us, but for Lola Loling and Dustin's family. Naisipan ko kasing dumalaw sa dating apartment at magbigay nito. Tuwing pupunta ako roon, nagdadala talaga ako ng grocery. I just wanna help them.

"Kakabili lang natin last week, 'di ba? Marami pa sa condo n'yan, Drad," Ani ko.

"Wala na. Naubos ko na," Nagkakamot batok niyang sabi, natatawa at nahihiya.

I chuckled and looked at him. He's smiling sweetly at me. I rolled my eyes and nodded. Paano ako makakatanggi kung ibinabalandra niya 'yong dimples niya sa 'kin?

Tuwang tuwa siyang naglagay ng sampu atang pack ng Boy Bawang! Simula noong pinatikim ko 'yan sakanya, hindi na pwedeng mawawala sa stocks namin dahil paborito niya. Mahilig kasi siya sa maanghang at Chili Cheese ang flavor no'n kaya 'yan at naadik na ata siya.

Condrad Azwin Medrano, adik sa boy bawang! At ang malala, pati sila Dervin, inimpluwesyahan niya!

"Parang hindi mo na kayang mabuhay 'pag wala 'yan." Natatawa kong puna.

He let out a chuckle and placed me beside him. Siya ang nagtutulak ng cart at nakakulong ang mga braso niya sa pagitan ko.

"Kaya ko, Ashei," Tawa niya.

"Talaga? Kulang na lang 'yan ang kainin mo buong araw."

"Kaya ko. Hindi naman ikaw 'yan, eh,"

Natigilan ako kaya natigil din tuloy ang cart. He smiled and quickly planted a soft kiss on my lips.

"Talagang hindi ako 'yan kasi hindi naman ako bawang!" Inirapan ko siya.

He chuckled. "Oo nga, mahal. Mas 'di ko rin kaya kapag ikaw ang wala," Aniya.

Inirap ko ang kilig. Kainis! Bumabanat na naman siya!

We're married for months now yet here am I, still getting kilig of his banats! Hindi na ata mawawala 'yon kapag si Condrad ang kasama.

"Kumuha ka na nga lang ng boy bawang!" Ani ko at nagsimula na ulit maglakad.

Sa gilid na ako ng cart pumwesto para makakuha ng iba pang pagkain. Kung anu-ano lang ang dinadampot ko kasi pwede na rin 'tong ipaninda ni Lola Loling. May mini sari-sari store na kasi siya sa baba ng apartment. Marami na ang nagbago roon pero hindi ko pa rin makakalimutan kung saan ako nagsimula. Si Dustin, malaki na rin at nag-aaral na.

Natapat kami sa mga juice at kumuha ako ng cranberry flavor. Marami pa kami nito sa condo pero papatikim ko kila Lola. Baka magustuhan nila.

Condrad's busy now with his phone. May kausap siya na sigurado akong sa trabaho. Hawak niya na ang kamay ko at 'di binibitawan 'yon. Napailing na lang ako at hinayaan.

Still Drowned To You (Still Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon