Hakbang 40

16.5K 349 587
                                    

"Before she says "I do", let's have a drink or two."

I pouted as I read the invitation for Hashline's bachelorette party. Noong isang araw ko pa 'to natanggap, si Condrad ang nag-abot sa opisina, at mamayang gabi na gaganapin sa isang bar. I don't know much about what will gonna happen in that party but it was stated here in the invitation that we should wear something pink or black, and it has to be sparkly. Ang alam ko, si Zerline at Avera rin ang nag-organize nito.

Wala naman akong problema sa party. In fact, I already have my outfit prepared. Napanguso nga lang ako nang may naalala.

It's been weeks since Condrad got sick and since then, he's almost always here in my office. After his work, he'll come straight here and then he'll wait for me to finish my work so we can have dinner.

Hindi ko alam kung paano nangyari na ganito na ang set up naming dalawa. I just woke one day and we're like this.

And truth is, I'm not even complaining. In fact, I'm already used on having him around that when we don't see each other, it kinda feels weird.

Alam kong hindi ko dapat masyadong sinasanay na ganoon pero palagi siyang hinahanap ng sistema ko.

May kakaibang tingin lagi si Olivia at ang team ko sa tuwing nandito si Condrad ngunit hindi na rin sila nakiusisa. Bukod sa busy kaming lahat sa paggawa ng mga gowns at suit, ayaw din nilang manghimasok sa personal kong buhay at desisyon.

I looked again at the invitation I'm holding and I remembered his reaction when he gave me this.

Para siyang nagdadabog.

"Are you mad or something?" I asked when I noticed that he looked irritated.

Umiling siya ngunit madilim ang tingin sa invitation. Hawak ko na iyon ngunit hindi pa rin niya binibitawan. Parang ayaw pang ibigay!

"You'll come?" He asked.

Bumuntong hininga siya at tuluyan nang ibinigay ang invitation. I wanna laugh because of his reaction!

"Of course! Imbitado ako kaya syempre, pupunta!"

"You're busy with the gowns and suits, right?"

"We're already done with it."

"How 'bout the pieces you'll show in your fashion show? You're not yet-"

Tumaas ang kilay ko dahil may napapansin.

"Bakit parang ayaw mo akong pumunta?" May duda sa tono ko.

He shook his head and he cleared his throat. Inayos niya pa ang necktie na suot at niluwagan iyon.

"I want you to come but of course, I'm concerned about your work," He shrugged.

Nanliit ang mga mata ko at hindi kumbinsido sa rason niya. Nag-iwas siya ng tingin kaya mas naging kaduda duda iyon para sa akin.

"Or you just don't really want me to come dahil kasabay din iyon ng bachelor party ni Rio at same bar pa? Bakit? May mga babae ba?" Panghuhuli ko sakaniya.

Umiling agad siya, seryoso na ngayon.

"Wala. We'll just chill and drink. Walang babae." Aniya.

Tumango ako. Alam ko naman iyon. Gusto ko lang talagang mang-asar. I'm sure Hashline will never allow that to happen. At hindi rin naman mga babaero ang mga ito kaya... sigurado ako.

"Then what's the problem? Parang nagdadabog at problemado ka riyan!" Tawa ko.

He pouted. Umupo siya sa sofa sa loob ng office ko at marahang kinagat ang labi habang tulala at mukhang malalim ang iniisip.

Still Drowned To You (Still Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon