Hakbang 16

14.3K 319 360
                                    

I let out a loud sigh as I stared at Condrad. Seryoso nyang hinihintay kumulo ang tinola na niluluto namin dito sa apartment nya. Ako naman, naghihiwa ng prutas.

It's been two months since he moved here. Not what I expected, he can actually live here even if he's not used to this environment! Hindi ko alam kung dito na nya talaga balak tumira at talagang tinakwil nya na iyong condo nya. I mean... sinong gagawa noon? Tumira sa masikip at maingay na apartment na ito kaysa sa malaki at komportable nyang condo?

Si Condrad lang.

Ilang beses ko na syang pinilit na bumalik doon ngunit hindi nya ako sinusunod. At ang laging sagot sa akin ng loko-lokong ito?

"Ashei, gusto kita ngunit may mga bagay na hindi ko kayang sundin,"

Iyan lagi ang sinasabi nya. He has a point, though. And I like him even more for that.

Hindi nga naman porke't gusto natin ang isang tao, susundin na rin natin lahat ng gusto nila. We should save some for ourselves. It is simply not right to give them ultimatum. That's still their life... we are just part of it but it is still theirs.

And I know that Condrad's just doing this because he cares for me... and he wanna secure my safety. 

"Almost done," He announced.

Lumapit sya sa akin at pumwesto sa likod ko. Naghihiwa pa rin ako ng prutas ngunit bahagyang kinabahan dahil sa lapit namin.

"Patapos na rin ako dito,"

"Uh-huh... You're really good at that, huh?"

Ngumuso ako at pinagpatuloy ang ginagawa. I love fruit carving. Magandang pampalipas ng oras kaya cinarve ko iyong mansanas. I'm making a cute and small owl out of it.

"Para magandang tignan," Ani ko.

"Sa sobrang ganda parang sayang kapag kinain." Tawa nya.

Natawa ako at umiling na lang. Hiniwa ko iyong para sa pakpak ng owl habang mariin na nanunuod si Condrad. He seems very interested.

"Let me try," Aniya at hindi na nakatiis.

I laughed while he's looking at the apples infront of him. Kumpleto ang set ng mga kutsilyo dito sa apartment ni Condrad kaya nagagawa ko ito. Actually, everything is complete.

Kinuha nya iyong isang apple samantalang natapos ko na iyong akin. Nilipat ko lang iyon sa isang plate pagkatapos ay pinanuod sya sa ginagawa.

"What are you carving?"

"Our future." Seryoso nyang sinabi.

"Ano nga?"

He chuckled and started cutting it.

"Just watch me," He winked.

I rolled my eyes at him. Naghiwa sya ng isang bilog. Medyo maliit iyon kaya nagtaka ako kung ano ang ginagawa nya.

"Seriously, what's that?" I chuckled.

Tinanggal nya ang loob noon at nagsimulang magcarve ng maliit na triangle sa taas ng natirang bilog. Napaawang ang bibig ko noong napagtanto kung ano iyon.

"A ring," Aniya at pinakita sa akin.

I can feel my cheeks burning. Condrad licked his lips and handed me the apple ring.

"I'll give you a real one... someday, when you're ready." He added.

Nilunok ko iyong bukol na nagbabara sa lalamunan ko. My heart hammered at his words. Namumungay ang mga mata nya habang nakatingin sa akin.

Still Drowned To You (Still Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon