Hakbang 15

14.7K 321 440
                                    

I'm not really the jealous type but I guess... we'll really feel that sometimes, huh? It's inevitable.

Indeed, the sea smells jealousy. I almost tasted it.

At ang lalaki naman na ito, tuwang tuwa na nakikita akong ganito ngayon! Feel na feel nya ang pagseselos ko. Akala mo nanalo sa lotto!

He looks very handsome though. Litaw na litaw ang dimples nyang malalim. One of my favorite features of him.

"Let's just wait for them at the living room. Malapit na raw sila sabi ni Dervin." Aniya.

Tumango ako at sumunod sakanya papunta sa living room. Tanaw pa rin hanggang doon ang malawak na dagat. Halos glass kasi ang buong bahay.

Sa katapat na sofa ako umupo, hindi sa tabi nya. Wala lang, gusto ko lang mang-asar.

"Are you still jealous?" Tanong nya.

Umiling ako.

"No..."

That's true. Noong sinundan nya ako, alam kong wala na akong dapat pagselosan pa. If he loved that girl before, labas na ako roon. Hindi pa naman kami magkakilala noon. Ang mahalaga ay ang ngayon.

"She's my ex but that's that, okay?" He assured me.

"Hindi na nga ako nagseselos, Condrad."

"I just wanna make it clear. I don't wanna give you reasons to doubt my feelings."

Ngumuso ako. He really knows when to say the right words, at the right time. Kaya ang daming nababaliw sa lalaking ito, eh! Bukod sa gwapo, magaling pa sa mga salita. I can't blame those girls who like him.

I mean... what's not to like, right?

"I'm not really jealous anymore, Drad..." I assured him, too.

Nakita ko ang pamumungay ng mata nya. Tumayo sya at agad na umupo sa tabi ko. He licked his lips and brushed his hair upwards.

"Damn, it sounds so good when you my nickname." Aniya.

Natatawa ko syang tinignan. Baliw!

Abala ako sa pagtawa noong una pero nang nagkatinginan kami... natigilan ako. Magkatinginan kami at parang hinahatak ako papalapit ng mga mata nyang nakakaakit.

Are we gonna kiss now? If yes, then this would be my first kiss.

Unti-unting naglalapit ang mukha namin. Malakas ang kabog ng puso ko at parang lalabas iyon. Nanatiling namang magkalapat ang mga tingin namin, walang may balak bumitaw.

He will really gonna be my first kiss...

Kaunting pulgada na lang ang layo namin. I closed my eyes as I wait for his lips but...

"We're home!" Narinig kong sigaw nila Dervin at Andrei.

Nanlaki ang mga mata ko at agad napaayos sa pagkakaupo. Lumayo pa ako kay Condrad na mukhang natauhan rin at umayos.

Shit! Muntik na nila kaming makita!

Kinakabahan pa ako nang ngumiti para salubungin ang mga kaibigang kakarating lang. They looked so happy to see me.

"Ashei!" Anila at agad akong sinalubong ng yakap.

Niyakap ko sila pabalik ngunit napunta ang tingin ko kay Condrad na nasa harap namin at nanunuod. Nakanguso sya at mukhang hindi natutuwa. Gusto ko tuloy matawa ngunit pinigilan ko na lang.

Nabitin ka?

Ngumisi ako. Ako rin naman...

Tinuon ko muna ang atensyon ko sa mga kaibigang dinumog ako. Marami silang tanong kung ayos ba ako o kung anong nararamdaman ko. Sinagot ko lahat ng iyon. Hindi rin naman nila inungkat pa iyong aksidente na nangyari kaya nagpapasalamat ako. I don't wanna talk about that again. Maaalala ko na naman iyong takot ko at ayoko nang maramdaman pa iyon.

Still Drowned To You (Still Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon