Hakbang 20

13.8K 284 482
                                    

Katahimikan ang naghari sa gitna naming dalawa matapos kong sabihin na aalis ako. Ni hindi ko sya matignan dahil natatakot ako sa reaksyon nya. Paano kung ayaw nya? Paano kung hindi sya payag?

At natatakot akong kahit ayaw nya... tutuloy pa rin ako. Buo na ang desisyon ko.

This is my dream. My passion. I had this first before I had him. And I have them both now. I wanna make this work without sacrificing the other but if he... can't do it... it will surely break me... but I will accept it.

I want to give him a choice. If we will continue this relationship... or we will stop this now and just hope that maybe... maybe one day... we'll meet again... when we're both successful... so that we can give it a shot.

Ayokong pahirapan sya at pilitin sa isang bagay kung hindi nya naman kaya. I can do long distance relationship but if he can't... then I won't force him.

That's the only choice we have now. If we will continue this or not. Dahil ang pagbitaw at pagsuko sa pangarap ko... hinding hindi 'yan magiging isa sa mga choices ko.

I don't know if I am being selfish but this is my dream. Mahal na mahal ko si Condrad at ayoko na maghiwalay kami kagaya ng ayokong ring palagpasin ang oportunidad na ito para sa akin.

My dreams... will always comes first. That's the Asherah I know. And the Asherah I will be.

"Naalala mo noong birthday mo... noon ko rin nakuha ang offer para sa scholarship ko," Basag ko sa katahimikan.

Narinig ko ang singhap nya ngunit nanatili akong nakatingin sa dagat. Ang lamig ng hangin ay mas nanuot sa akin kaya bahagya kong niyakap ang sarili.

"Ilang araw na pala. Ngayon mo lang sinabi?" Aniya.

I bit my lips to stop my tears. This is really breaking my heart.

"Sorry... ngayon lang din ako nakapagdesisyon. Hindi ko pa rin tinatanggap iyong offer dahil syempre gusto ko... mag-usap muna tayong dalawa,"

"Lagi tayong magkasama, Ashei. You could've told me earlier."

"Hindi rin naman madali sakin, Condrad. I could've just accepted the offer right away but I didn't coz I considered you. I considered that I have a boyfriend,"

Nilingon ko sya at nakita ko ang mariin nyang pagpikit. Nang dumilat, kitang-kita ang sakit sa mga mata nya.

Is he hurting when he's with me?

"At nakapagdesiyon ka na? Aalis ka..." Hindi iyon tanong kundi kompirmasyon.

"Oo. Ayaw kong palagpasin ang pangarap ko,"

I wanna be completely honest with him. No sugar coating and all. I want him to know that I really want this.

"Ang saya ko noong inoffer sa akin iyon, Drad... Sana kasama kita noong sinabi iyon sa akin. Pero hindi agad ako um-oo kasi naisip kita. Naisip ko paano tayong dalawa... ayokong umalis pero alam mo namang ito iyong gusto ko noon pa man, hindi ba?" Patuloy ko.

He nodded slowly. Nakatulala na sya ngayon sa dagat. I looked at our friends and they are laughing from afar. I wish we could be that happy too right now.

"Everything was easy before because I only had my dreams then. And then I met you... that's when everything changed. Hindi na lang pangarap ko ang meron ako kasi nandyan ka na... meron na akong Condrad. And I know I've never said this... but I do love you, Condrad. I really do. So much. I hope you know that."

Another long stretch of silence came between us. Tanging ang paghampas ng alon at ang tawanan ng mga tao sa paligid ang maririnig. Mahigpit ang hawak ko sa bag na parang doon ako kumukuha ng lakas. I wish its his hands that I'm holding right now...

Still Drowned To You (Still Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon