Hakbang 13

13.1K 318 191
                                    

Ang lamig na nararamdaman sa buong katawan ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Masakit ang ulo ko at mainit ang mga mata ngunit pinilit kong dumilat. Naramdaman ko rin ang hapdi ng sugat na natamo ko noong natalisod ako sa bato.

Agad akong napabalikwas kahit pa ramdam ang sakit nang maalala ang nangyari! Natalisod ako sa bato! Hinahabol ako nila Archie! Hindi ko kayang tumakbo! Nakita ko si Condrad... totoo ba iyon?

Tinanggal ko ang kumot na nakapulupot sa buong katawan at tumayo. The whole place is quiet but I can hear the crashing of the waves. Nasaan ako?

Nanginginig akong lumabas sa kwartong iyon. Halong lamig at takot ang dahilan ng panginginig ko. Ang huli kong naaalala, sinigaw ko ang pangalan ni Condrad at may biglang humatak sa akin papasok sa isang kotse. Si Condrad ba talaga iyon o guni-guni ko lang? Paano kung nakidnap ako? Paano kung sila Archie ang nakakuha sa akin?

Ang kaisipang iyon ang nagpaluha sa akin ngunit pinagpatuloy ko ang paghakbang. Maingat ang mga galaw ko at ayokong makagawa ng kahit anumang ingay. If I am being abducted, I should keep quiet so I can escape.

"Nahuli na ba? I will fucking file a case against them!" Narinig ko ang mariing boses ni Condrad.

I'm sure it's him! I know his voice too well!

Mas lumapit pa ako at nakitang nasa sala sya, nakaharap sa malaking glass window, at may kausap sa telepono.

"I'll make sure they'll rot in jail. Tangina, Vin... paano kung hindi ko sinundan si Asherah? Just thinking about it makes me so mad! Fuck!" Aniya.

He's talking to Dervin? At... sinundan nya ako?

Bumalik ang mga nangyari sa akin. Iyong takot at kaba habang tumatakbo ako at sinusundan ng mga lalaking iyon ay bumalik lahat sa akin. Iyong malademonyo nilang tawa at pagtawag sa pangalan ko. Iyong pagkadapa ko at pagkarinig ng mga takbo nila papalapit sa akin. Iyong kahit anong sigaw ko... walang nakakarinig. Bumalik lahat... at hanggang ngayon, takot na takot pa rin ako.

Umatras ako at natamaan iyong vase na nasa gilid. Umalingawngaw ang pagkabasag noon at agad na napalingon si Condrad sa banda ko.

"I'll call you later. She's awake," He said before he ended the call.

Agad syang naglakad papalapit at umatras naman ako. I don't know what's gotten into me but I am scared. I am so... so... scared. A memory of me being chase down by those guys kept playing on my head. Kinuha ko iyong isang malaking bubog at itinutok para hindi makalapit si Condrad.

I can't trust anyone.

"Nasaan ako?! Saan mo ako dinala?! Kasabwat ka ba nila?!" Malakas kong sigaw.

Sya ang unang taong tinawag ko noong nasa panganib ako ngunit hindi ko kayang magtiwala ngayon. What happened to me was too much. Pakiramdam ko hindi ako ligtas sa kamay ng kahit sino.

"Calm down, Ashei... You're safe here-"

"Nasaan ako, Condrad?!" Sigaw ko pa rin.

Nanginginig ang kamay kong nakatutok sakanya. Dahan-dahan syang lumalapit kaya umaatras rin ako.

"Put that down first, okay? I'll answer you but you need to calm down first..." His voice is soft.

Pinunasan ko ang luha ko at umiling iling. My whole body is shaking.

"Just fucking tell me where we are! Are you one of them?!"

"No! No... okay? Put that down, baby. You are safe here. You are safe with me..."

Nagpatuloy sya sa paglapit kaya mas umatras ako. I looked around and I didn't see anyone. Madilim rin ang paligid hudyat na gabi o madaling araw pa lang.

Still Drowned To You (Still Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon