Hakbang 7

15K 416 469
                                    

Hindi man totoong laban ito, marami pa rin pala ang nanunuod. Karamihan ay schoolmates namin pero mayroon ring galing sa ibang schools. I can see that the crowd are mostly cheering for my friends. Ang dami kong nakikitang banner na para sakanila. Napalingon tuloy ako kay Hashline dahil ang daming sumisigaw ng pangalan ni Rio kahit hindi pa nag-uumpisa. Mukha syang iritado at inis na inis na.

"Hash... iritado ka na naman." Puna ni Curl.

Magkakatabi kaming tatlo. Nasa gitna namin ni Hashline si Curl. Binati nila ako kanina nang nakita ako at naupo rito.

"Hindi ako iritado, Curl." Nakita ko pa ang ngiti sakanya ni Hashline.

Tumingin ako sa court at nakitang nagwawarm up na iyong mga maglalaro. May iilang nagtatry na magshoot ng bola habang iyong team nila Condrad ay mariing nakikinig sa sinasabi ng coach nila.

Hmm... hindi si Benjamin ang magcocoach? He's gonna play. I saw him wearing his jersey. Ang alam ko kasi'y sya ang madalas na coach nila. Ngayon, iba ang tumatayo sa pwestong iyon. Familiar sa akin at mukhang schoolmate rin namin.

I looked at Condrad and he's listening to their coach. Ganoon pa man, madalas ang paglingon nya sa banda namin. Bawat isang minuto ata ay tumitingin sya rito. Napanguso ako.

"Who are you gonna cheer for?"

Napalingon ako nang tinanong ni Hashline noon. Nakatitig sila sa akin ni Curl.

"My friends." I answered.

"Whose friend?"

Ngumiti ako sakanya.

"Lahat sila."

"Walang specific? Like... Condrad? Ben? Andrei? Dervin? ...Rio?" Parang labag pa sa loob nya ang pagsasabi ng pangalan ni Rio.

Ngumiti ako nang matamis sakanya. She smiled a bit, too. She's really pretty. Kahit bata pa'y kaya na nyang pantayan ang mga kasing edad namin.

"They are all my friends so I'll cheer for them." Ani ko.

Nag-iwas sya ng tingin at umayos sa pagkakaupo. I saw her looked at our friends.

"Same... except for Riordan, of course." She said.

Napaawang ang bibig ko. Curl was shocked too. Agad nyang nilingon ang kaibigan na nakatitig sa court.

"Why Kuya's excempted? He needs our support!" Si Curl.

Tumango ako. Tila sumasang-ayon.

"Oo nga. And you're friends with him, right? Baka magtampo sayo kapag hindi mo sya chineer?" Ani ko.

Umiling si Hash at tipid na ngumiti sa amin.

"He doesn't need my cheers. Mireille's here to do that for him. He's got a girlfriend. Iyong mga walang girlfriend lang ang ichecheer ko." Tila pinal nyang sabi.

Hindi na ako nagsalita pa. O... kay? Si Curl iyong pinipilit sya na icheer si Rio. Natatawa na lang ako dahil hindi kayang malditahan ni Hashline iyong bestfriend nya.

I looked around and saw Francis. Papalapit sya pwesto namin at may dalang camera. Hindi sya nakasuot ng jersey at mukhang hindi maglalaro. Kumunot ang noo ko.

I heard some giggles when he reached us. Agad nya kaming binati nila Curl. He then signalled us to compress.

"Picture-an ko kayo!" Aniya.

Dahil doon, naglapit kaming tatlo. He positioned and I smiled at the camera. Nakailang shots sya bago binaba iyon at ngumiti sa amin.

"Hindi ka maglalaro?" Tanong ko.

Still Drowned To You (Still Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon