Hakbang 37

14.8K 338 505
                                    

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung hanggang kailan ko ipapaalala sakaniya na pagkakaibigan lang ang meron kami dahil minsan... kahit ako... nakakalimutan iyon.

"I want it to be simple but elegant. The one that I am comfortable to wear. Isang beses lang ako ikakasal at ayoko namang hindi ako komportable sa suot kahit gaano pa kaganda iyon," Halakhak ni Hash.

Natawa ako at tumango sakaniya. Nandito kami ngayon sa kwarto ni Rio. Kaming dalawa lang dahil naiirita raw siya sa ingay ng mga lalaki sa baba.

"You're right! What type of wedding dress do you invision to wear?" I asked.

"Fit and flare type. And then backless. Can we do that?"

Tumango ako at naisip ang mga designs ko na kailangang tapusin. Uunahin ko na lang muna itong wedding dress at isisingit ko na lang ang paggawa ng iba sa free time ko. I really wanna help them.

Kawawa naman si Rio at baka hindi pakasalan, eh! Ako pa ang masisi!

"Yes, we can. Gagawa ako ng mga designs na pagpipilian mo. If you wanna add some details or whatsoever, just tell me. Hindi na muna kita susukatan habang wala pa tayong final design. You're pregnant so..."

She smiled at me. "Thank you! I'm happy you're part of my wedding!"

"No problem. Congrats sainyo at sa baby! Do you know the gender already?"

"Hindi pa kasi ilang months pa lang. You're gonna be his or her ninang, huh? And you're one of my bridesmaid!"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Hashline and I were never really that close. Naaalala ko pa na dati, pinagselosan niya pa ako kay Rio. So to hear this from her is really a surprise for me!

"Really?" I asked happily.

Tumango siya at hinimas ang baby bump niya na hindi pa gaanong kita talaga. Magsasalita na sana siya nang narinig namin ang katok ni Rio.

"Is it done? Can I come in?" Aniya mula sa labas.

"Hindi pa, Riordan! Bakit ka nasa labas ng kwarto?!" Si Hash na tunog iritado na.

Ngumuso ako habang nanunuod. Hashline's usually sweet to him but since she's pregnant, madali siyang mairita. Mukhang pinaglilihian si Rio.

"I just wanna check, baby! Ashei... uh... can you make sure that she's sitting or something? She's not allowed to move so much,"

"She's sitting, don't worry!" Sigaw ko mula sa loob.

"Riordan, ano ba? Buntis ako pero hindi baldado!"

"I know!" Si Rio na medyo napalakas ang sabi. "I know, baby, okay?" Aniya ulit sa mahinahon ng boses.

Ngumuso ako para pigilan ang tawa. I never knew he can be this soft and sweet! Suplado at madalas ay tahimik 'yan, eh!

"Alam mo pala! Bakit nandiyan ka pa rin?" Si Hash.

Bumukas na ang pinto at tumambad si Rio. He looked at his fiancé and then his eyes went to me.

"Bababa na ako. Please make sure she's not standing for so long. Medyo maselan ang pagbubuntis nya-"

"Riordan!"

Nakita ko ang frustration sa mukha ni Rio. I chuckled when I realized that he's having a hard time with this. Hindi ko naman siya nakitaan ng pagkainis o ano pa man.

"Tss. Eto na..." Aniya at sinenyasan pa ako bago tuluyang sinara ulit ang pinto.

When he's out of our sight, Hashline sighed.

"Am I too harsh with him?" She asked me.

I shook my head but she seems already upset. Ang alam ko, maselan nga ang pagbubuntis niya. Unang baby pa nila ito kaya natural lang na ganoon mag-alala si Rio.

Still Drowned To You (Still Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon