Gangster?
CHANDELLE'S POV
Nashock at nadisappoint kami kasi naman...
Yung lumabas na driver...
ANG PANGIT!
Hahaha. Pero sa totoo lang ang pangit talaga nung fiancé ni Sam. Mukha talaga siyang normal na driver.
"Ano ba yan, Sam, tapatin mo nga kami, ano bang gusto ni Tito? Fiancé or Driver?" naguguluhang tanong ni Amanda. Disappointed din ito sa hitsura ng fiancé ni Sam.
"Oo nga, tingnan mo oh. Mukhang driver talaga siya. Grabe naman si Tito walang kataste-taste sa lalaki!" komento naman ni Mich.
"Stop it girls!" saway ni Sam kina Mich at Amanda.
"Uhm. Hi! Anong kailangan niyo?" tanong ni Sam kay kuya driver.
"Ahm. Hi po Ma'am. Kayo po ba si Miss Samantha?" tanong na sagot ni Kuya Driver.
"Yes ako nga, anong kailangan mo sakin?" tanong na sagot din ni Sam.
"Ah. Ma'am, pinapasundo na po kayo ni Sir Sebastian." sagot naman ni Kuya Driver.
Ahhh. Kaya naman pala, so pinapasundo lang naman pala siya ni Tito. Akala naman namin yung fiancé niya mismo ang susundo sa kanya. Hahaha. Ang epic tuloy nina Mich at Amanda.
"See? Sabi nga nila 'Don't judge a book by its cover'. Tch." bulong ni Sam kina Mich at Amanda.
"Ahm. Mawalang galang na po Ma'am, pero tara na po kasi baka malate na po kayo sa dinner-date niyo sa mga Lim." biglang singit ni Kuya Driver.
"Ah, sige po Kuya, tara na po." sabi ni Sam dun sa driver.
"Guys! Alis na ako! Wag niyo na akong intayin mamaya ah. Baka late na din akong makadating." paalam ni Sam pero bago siya sumakay sa kotse ay tumingin muna siya kay Saph na para bang kinakabahan siya.
Nakakapanibago talaga siya. The way she talked to us kanina. Grabe parang bagong Sam ang kausap namin. Ang hahaba na ng sinasabi niya tapos parang naging energetic siya. Ganun ba talaga siya kapag kinakabahan?
SAPH'S POV
Tumingin sakin si Sam pero may ibig sabihin ang mga tingin na iyon. Para bang kinakabahan siya or something.
Tumango na lamang ako kay Sam at pumasok na ako sa bahay. Nakasakay na din naman si Sam sa kotse nila eh.
"Besty! Di ka ba kakain?" tanong ni Mich. Nasa kusin na kami ngayon at heto nga't nagwawala sila dahil nakita na nila yung tinake-out kong pagkain from jollibee.
Uminom lang ako ng tubig dito sa kusina.
"No need. I'm full." sagot ko dito at pumunta na ako sa kwarto ko. Gusto ko na kasing magpahinga.
Agad akong humiga sa kama ko at ipinikit ko na ang mga mata ko. Pero meron pa rin kasing bumabagabag sa isip ko eh.
Si Sam. Yung tingin niya sa akin kanina. Parang gusto nya akong papuntahin dun at back-upan sya? Bat ganun? May mangyayari ba talagang hindi maganda?
Kailangan kong masigurado kung tama ba ang hinala ko. Kilala ko si Sam. When it comes to her family, ayaw niyang mapahiya at ayaw niya ding idisappoint ang mga ito.
Pero sa pagkakaalam ko ay first time ni Sam na mai-arrange marriage sa isang lalaki kaya siguro kinakabahan siya kung paano siya kikilos sa harap ng mga magulang ng fiancé niya pati na din sa mismong fiancé niya.

BINABASA MO ANG
The Gangster Clash (SLOW UPDATE)
Teen FictionDemon Goddesses, the rank 1 gang in the Underground World. They are a group of girls who make their enemies' life a living hell and make them regret living in this world. Second in rank is the Dark Royalties. They are a group of boys who make their...