Chapter 5

395 12 0
                                        

Vanessa Jung

Nathan's POV

Nandito ako ngayon sa mancion nina Tito Richard (Daddy ni Saph). Utos niya kasi sakin na pumunta daw ako sa mansion nila. Kaya ito ako ngayon lalabas na ng kotse ko.

"Good Morning Young Master." yan agad ang bati sa akin ni Manong Ben. Siya ang driver ni Tito Richard. I think matagal na siyang nagtatrabaho para kay Tito.

"Morning." sagot ko naman dito.

"Sir ako na po ang magpapark ng kotse niyo." alok ni Manong Ben. Tumango na lamang ako at ibinigay na dito ang susi ng kotse ko.

"Thanks." I said.

"Sige po sir." sabi naman ni Manong Ben at sumakay na ito sa kotse ko para maipark na ng ayos.

Umalis na ako at pumasok na sa loob ng mansion ni Tito.

"Good Morning Young Master." sabay sabay na bati ng mga maids.

Tumango na lamang ako at dumiretso na ako sa living room.

"Good Morning Young Master." bati ng mayordoma ata dito.

"Morning." bati ko naman dito at pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad. May nakasalubong naman akong maid at tinawag niya ako.

"Young Master pinapatawag na po kayo ni Sir Richard. Sumunod na lamang po kayo sa akin para mapuntahan niyo na po siya." sabi nung maid.

I just nodded at sumunod na kay Manang papunta sa kung saan man. Di ko kasi alam kung saan kami pupunta eh.

Makalipas ang ilang libot namin dito sa mansion nina Saphy ay nakarating kami ni Manang sa harap ng office ni Tito.

Pano ko nalaman na office to ni Tito? May nakalagay kasi sa pinto na 'Office' kaya I concluded na kay tito tong office.

Kumatok na si Manang.

"Sir Richard nandito na po si Sir Nathan." wika ni Manang.

"Ok. Please Come in." rinig kong sabi ni Tito.

Binuksan na ni Manang ang pinto at bumungad sa amin ang aking tito na busy'ng busy sa pagpirma ng kanyang mga paper works.

"Good Morning po Sir Richard." bati ni Manang kay Tito.

Ako naman ay pumunta sa may couch ng office ni Tito at umupo.

"Morning Manang Helena." bati namang pabalik ni Tito while still looking at the documents that he's reading.

Oh. Helena pala ang pangalan ni Manang.

"Nathan, doon na tayo sa balcony mag-usap at Manang pakidalhan mo kami ng makakain doon sa balcony." utos ni Tito.

"Ok po sir." sagot naman ng huli.

Lumabas na si Manang ng office, ako naman ay tumayo na at pumunta na sa balcony ng office ni Tito. Nakita ko namang sumusunod na siya sa akin.

"So, about dun sa pag-uusapan natin--" I started but I eas caught off by Tito.

"Maupo muna tayo." wika ni Tito.

Umupo na ako sa kaharap na couch ni Tito. Ang sarap ng hangin dito. Fresh na fresh.

"Nga pala Nathan, uuwi na akong Korea mamayang gabi and before I leave, iiwanan kita ng trabahong dapat mong gawin." wika ni Tito. Seryoso ang mukha nito kaya mukhang mahirap ata ang ipapagawa niya sakin.

The Gangster Clash (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon