Death Threats
DARYL'S POV
7 am na and nandito kami sa conference room. Nakareceive kasi ng message sina Dylan and Ice and hindi lang ito ordinary message. Death threats to be exact.
"Natrace niyo na ba yung number?" I asked them. Mukha kasing hindi pa rin nila malaman kung bakit at saan nagmumula ang mga death threats na natatanggap nila.
"Yeah but the thing is naputol yung pagta-track ko kanina. Wala ng nagamit ng number." Sagot naman ni Dylan. He looks disappointed at the same time ay galit din ito dahil sa hindi niya matrace yung sender.
"It's unusual, unless meron kayong kaaway or baka naman sign yan na may maghahamon ng gang fight." I concluded. Hindi pa kasi ulit kami nakakareceive ng death threats after nung last fight namin maybe meron lang gustong maghamon ng gang fight.
"Pwede pero mukhang hindi ito about gang fight. Mukhang may gusto talagang pumatay samin." Sagot ni Dylan at napahawak pa sa baba niya na parang nagiisip.
"It's kinda' weird. Hindi naman kami nakakareceive ng kahit ano." Sabi ni Kyle. Yeah. Sila lang dalawa yung meron.
"Maybe you have unfinish business with someone, you just don't remember." I concluded.
"Maybe." Sabi ni Ice at tumayo na. Tsk. Hindi naman na kami magtataka kung makatanggap siya ng death threat pero nakakapagtaka na pati si Dylan ay nakatanggap and same person lang ang nagtext sa kanila.
"Tsk. Mukhang nadamay ka sa gulo ni Ice." Sabi ni Kyle at umalis na rin. Sumunod na lang kami and nagpunta sa living room.
"Ano namang kinalaman ko dun? Ni hindi ko nga siya nakakasama minsan eh." pagtatanggol ni Dylan sa sarili while still thinking of a reason kung bakit siya nakakatanggap ng same death threats with Ice.
Oo nga, hindi niya naman nakakasama si Ice na silang dalawa lang kaya parang imposible na mapasali sya sa pagreceive ng death threat na kapareho ng kay Ice. Tsk. Ang weird naman. Mukhang may ginawang masama 'tong loko na 'to ah.
*Brrrrtttt~*
Biglang tumunog yung phone ni Dylan and tiningnan niya naman kung sino yung nagtext.
"It's payback time. Farceur Jack." Basa niya dun sa text. Tsk. Another death threat?
"Same number ba?" Tanong ko.
Tumango lang si Dylan and maya-maya pa ay nagtext ulit. Tinry ko ngang itrace kaso hindi talaga eh. Nahaharangan agad kapag itinetrace yung address. Mukhang malakas ang protection ng sender.
Tsk. Ngayon lang kami naweirduhan sa death threats na ito. Kakaiba kasi eh. Yung mga dating death threats nat-trace naman kaagad namin kung sino yung sender and puro naman mga death threats for gang fight yung natatanggap namin. This is the first time na hindi namin natrace yung sender and mukhang mas mahigpit ang kalaban.
"Don't be scared. It's just a simple revenge. Let's just call it as my 'sweetest revenge' " Binasa ko yung text, nasa akin kasi yung phone ni Dylan.
"Tsk. This is weird. Baka naman nagjojoke lang yan. Atsaka kung naghahamon man yan ng gang fight edi let him or her be as if naman mananalo sila satin." Kyle confidently said and pumunta na sa kwarto niya. Inaantok pa raw siya eh.
Maaga kasi kaming ginising ni Ice para dito sa death threats na ito. Akala kasi namin gang fight lang kaya wala kaming nagawa at gumising na.
"Bahala na. Kaya na namin ni Ice 'to. Hindi naman mahirap 'to eh." Sabi ni Dylan at binuksan na yung TV. Tsk. Kung makaakto parang wala talaga siyang pakialam eh parang hindi naman siya takot kung mas matindi ang mangyari sa kanya. Bahala na nga sila dyan.

BINABASA MO ANG
The Gangster Clash (SLOW UPDATE)
Novela JuvenilDemon Goddesses, the rank 1 gang in the Underground World. They are a group of girls who make their enemies' life a living hell and make them regret living in this world. Second in rank is the Dark Royalties. They are a group of boys who make their...