Shocked and Disappointed
ICE'S POV
Nandito na ako sa Seoul kasi pinatawag ako ni Dad and nandito ako ngayon sa mancion namin. Nanonood lang ako sa TV habang nakaupo sa kama. Pinapanood ko yung behind the scenes ng isang magazine.
Eh, sa yun ang palabas eh. Tsaka nagagandahan lang ako sa model nila dito sa magazine na ito. Kaya di ko na inilipat sa ibang channel.
5:00 p.m. na dito.
*Tok Tok Tok*
"Young Master, pinapatawag na po kayo ni Sir Rafael sa may dining area po." sabi ni Manang Gina.
Hindi na ako sumagot kasi tinatamad ako. Tsaka sanay na naman sila sa akin eh.
Tumayo na ako sa kama ko at pinatay ko muna yung tv tapos nagface wash muna ako bago bumaba sa dining area.
"Hi Son! How's your stay here?" bati sa akin ni Dad. Yeah, close kami ng dad ko. Para nga kaming magkabarkada lang eh. Pero nirerespeto ko pa din naman siya.
"I'm bored here. By the way why did you call and asked me to come here?" tanong ko kay Dad.
"Well, son, alam mo naman na magmemerge na ang company natin at ang company ng mga Park. So, I asked you to come here, para ikaw na lang ang makipagmeeting dun sa anak nila." cool na cool na sabi ni Dad.
"Seriously Dad? Ako? Eh, Baka maboring lang ako dun. You know, I hate meetings." pagrereklamo ko kay Dad.
"But now you will like it. Sa pagkakaalam ko kasi maganda yung anak ni Richard. Baka magustuhan mo." sabi ni Dad at kumindat pa sakin.
Diyan magaling si Dad eh. Nauutusan niya akong gawin ang mga bagay na ayaw ko dahil sa mga babae. Pero don't get me wrong. Nagugustuhan ko lang yung matitinong babae as my flings. Ayaw ko sa mga babae sa bar kasi alam kong hindi sila nararapat sa isang gwapong nilalang na katulad ko.
Kahit na may gusto na ako pero di ko naman alam kung nasan na siya kaya lumalabas pa din ang pagkacasanova ko. Nahawa lang ako kay Dylan. Tsk.
"Hmm. I'll think about it, Dad." sabi ko kay Dad.
"Yeah, that's my boy. Sige na at kumain ka na diyan. Aalis na ako. Bukas ko na lang ididiscuss sayo yung about sa pagmemerge ng companies." sabi ni Dad at akmang tatayo na ng tinanong ko siya.
"By the way dad, asan nga pala si Mommy?" tanong ko kay Dad.
"As usual, kasama niya ang Tita Whitney mo at kaya nga ako aalis ay susunduin ko na ang mommy mo sa mall nila Richard." sagot ni Dad.
"Ahh. Ok. Sige na Dad. Alis ka na." pagtataboy ko kay Dad.
"Ok sige. Bye son." sabi niya at umalis na nga ito.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Ang boring naman dito. Tsk.
-_____________-
Matawagan na nga lang si Nathan. Alam ko namang nandito yun sa Seoul eh. Sa pagkakaalam ko ay pinapunta siya rito ni Mr. Park yung tito niya.
[ Hello? ] sagot ni Nathan.
"........" wala akong maisip na sabihin.
[ Hoy! Ice! Kung wala kang sasabihin papatayin ko na to! ] May pagkainis na sabi ni Nathan.
![](https://img.wattpad.com/cover/23027938-288-k553933.jpg)
BINABASA MO ANG
The Gangster Clash (SLOW UPDATE)
Teen FictionDemon Goddesses, the rank 1 gang in the Underground World. They are a group of girls who make their enemies' life a living hell and make them regret living in this world. Second in rank is the Dark Royalties. They are a group of boys who make their...