First day
DARYL's POV
Maaga akong nagising dahil sa pagtunog ng alarm clock ko. First day ngayon ng school kaya isinet ko ng maaga ang alarm clock.
Tumayo na ako at naligo na para makapagbihis na ako. After kong maligo ay isinuot ko na yung uniform namin. Simpleng white polo at black coat lang ang uniform na sinamahan ng red na necktie at yung school's crest sa bandang puso sa coat. Naka black na slacks naman kami sa ibaba.
Nagtsinelas muna ako at lumabas ng kwarto. Nakita kong gising na rin si Nathan at Kyle.
"Tawagin mo na sina Ice at Dylan." utos sa akin ni Kyle.
Pumunta na ako sa kwarto ni Dylan at kumatok ng tatlong beses.
"Dylan, bumangon ka na dyan. First day ngayon ng klase." sigaw ko dito.
"Susunod na ako." sagot nito sakin. Mukang gising na siya kanina pa.
Tinungo ko na ang kwarto ni Ice at kakatok pa lamang ako ng bumukas na ito.
"I'm already awake." He said at nilampasan na ako.
Sumunod na lang ako sa kanya papuntang kitchen at nakita ko namang nakapaghanda na ng breakfast sina Nathan.
"Si Dylan?" tanong sakin ni Kyle.
"Susunod na daw siya." sagot ko dito. Tumango lamang ito at umupo na sa upuan niya. Umupo na din ako. Dumating din naman kaagad si Dylan.
Mga nakabihis na kaming lahat ng uniform hindi pa nga lang kami nakakapagsapatos. Kung nagtataka kayo kung bakit maaga kami, umiiwas lang kami sa gulo kapag medyo late kaming pumasok. Baka maraming babae na naman ang mag-aabang sa labas ng school. Wala kami sa mood para asikasuhin pa sila.
Isa pa, nasa school ang DG at DA mamaya upang magsupervise ng school. Nautusan sila ni ED na magbantay sapagkat nakaalis na siya papuntang Korea.
Hindi na kami inabala ni ED dahil alam niyang magaaral kami. Hindi naman kasi nakaenroll ang DG at DA sa school.
"Have you heard the news?" tanong ni Dylan.
"Anong news?" tanong ko dito. Anyway, palagi namang may news itong si Dylan na hindi namin nalalaman kaya hindi na ako magtataka kung bago sa pandinig namin ang sasabihin niya.
"DG are going to stay here for a long time." he said plainly. Wait-what!?
"Bakit daw?" kalmadong tanong ni Kyle.
"Inutusan sila ni Empress na tulungan tayong magbantay dito dahil may lead na at sure na, na nandito si Luis Wang." sagot nito while eating his sandwich.
"Kung dito na sila for a long time, then mag-aaral din ba sila sa KHA?" tanong ko naman. Hindi imposibleng mangyari yun kasi si ED ang nagutos.
"Wala pang balita pero sabi nila baka raw dito na mag-aral yung DG maliban kina Black at Red." sagot ni Dylan.
"Bakit daw?" si Nathan naman ngayon ang nagtanong. Interesado ba siya sa DG? Naaalala niyo pa ba yung ginawa niyang paglapit sa DG last time? Kahinahinala na siya.
BINABASA MO ANG
The Gangster Clash (SLOW UPDATE)
Teen FictionDemon Goddesses, the rank 1 gang in the Underground World. They are a group of girls who make their enemies' life a living hell and make them regret living in this world. Second in rank is the Dark Royalties. They are a group of boys who make their...