Pair of Knives

459 19 2
                                    

CHAPTER 02

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 02

ELIAS.


Napatigil ako sa paglalakad papasok sa may back seat ng sasakyan dahil nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaking hindi kalayuan sa puwesto ko. Nang makilala ko siya, napabalik ang tingin ko sa mataas na building na nasa likuran. Ito ang pinaka-magarbong hotel sa buong bansa at hindi lahat ng gustong tumira rito ay basta-basta na lang nakakatira. Ibinaba ko ang suot na shades para mas makita ng maayos ang lalaking nakilala ko.

"Jacob, correct me if I'm wrong pero hindi ba si Chavez 'yon na muntik ng maging business partner ni Dad?" tanong ko sa lalaking katabi at may hawak sa pintong bukas ng kotse.

Tumingin din si Jacob sa lalaking tinitingnan ko. Napapaligiran ito ngayon ng mga kilalang alpha habang nag-uusap at nagtatawanan sila.

"Tama ang sinabi niyo, young Master."

Napataas ang isa kong kilay, "Akala ko naghirap na 'yan. Wala bang ginawa si Dad? Bakit pareho kami ng nilabasang hotel at hindi siya mukhang naghihirap? I heard na makukulong na siya last year, so why?"

Mabilis na napuno ng tanong ang aking isipan. Pumasok muna ako sa may back seat, tumingin sa labas ng bintana at muling inisip ang mga tanong ko. Anong nangyari? Hindi puwedeng nasa iisang hotel lang kami, ayaw ko na ulit makita ang omegang 'yon. This doesn't feel right. Napatingin ako sa aking kamay na nakapatong sa aking hita. Nanginginig ito ngayon just because naalala ko na naman ang omega na 'yon.

Sariwa pa rin sa isipan ko ang itsura niya. Ang bilugan niyang mga mata, ang kasing itim ng uwak niyang buhok, pati na ang manipis niyang nakaawang na labi. Naisapo ko ang kamay sa mukha at malalim na bumuntong hininga.

"Jacob, medicine." Mabilis na inabot sa 'kin ni Jacob na nagda-drive ang lalagyan ng mga gamot ko. Pills.

"Dapat tumigil ka na sa ginagawa mong 'yan, Young Master. Baka ma-overdose ka na. You have the money and the looks so bakit hindi ka na lang makipag-hook up. May mga omegang ibinebenta ang katawan nila sa mga alpha."

"And how can you be sure na hindi ko sila mabubuntis at habol-habulin ako para hingian ng pera? Besides, I hate doing it with an omega."

"Why? Kasi hindi mo pa rin makalimutan 'yang omega na 'yon?"

"Bullshit!" Napalunok ako ng hindi ko sinasadyang mapagtaasan siya ng boses. "Stop your nonsense and just drive."

"Pasensya na, young master." Hindi na ulit siya nagsalita. Maliban sa driver ko si Jacob, magkakilala na kami simula noong bata pa lang dahil palagi siyang isinasama ni James na kuya niya at personal butler ko sa amin. Wala si James kaya si Jacob ang pumalit pansamantala sa kanya ngayon. Ayos lang namang sinasabi sa akin ni Jacob ang kahit anong gusto niyang sabihin pero mabilis lang kumukulo ang dugo ko sa tuwing binabanggit ang tungkol sa omega na 'yon. I know he's my fated pair. My other half. But no, we can't be together.

Fate of the Pair [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon