SIMULA: The Pair

763 18 0
                                    

SIMULA

RUWI.

Napaigtad ako, naalimpungatan, nang managinip na nalaglag daw ako sa punong aking inaakyat upang takasan ang mga zombie na mabilis akong hinahabol.

"Zombies." Natawa ako ng mahina. Hindi ko akalaing mananaginip ako ng zombie sa edad na 'to. Inihilamos ko ang magkabilang kamay sa mukha saka bumuntong hininga. Ginigising ko pa ang sarili ko hanggang sa maramdaman ko ang paghapdi ng aking tyan. Hindi pa nga pala ako nag-di-dinner. Bumangon na ako nang biglang gumawa ng malakas na ingay ang tyan ko.

Oo na, ito na nga bumangon na kakain na.

Madilim sa buong kuwarto. Napansin ko ang bag na nasa aking tabi nang mabangga iyon ng kamay ko. Pati uniporme, suot ko pa rin ngayon. Sa sobrang pagod kanina pagkadating dumiretso ako agad sa kama para matulog. Sabi ko iidlip lang ako saglit, mukhang napasarap ang tulog ko. May dalawang essay pa 'kong gagawin, mukhang puyat na naman akong papasok bukas.

Nahihilo pa ako nang tumayo at napansin na madilim na nang madapo ang aking mata sa may balkonahe. Matagal tagal din akong nakatulog, malalim na ang gabi sa labas.

Lumabas na akong ng silid para lamanan ang tyan ko. Habang nababa ng hagdan, napansin kong maingay sa may bandang pool area. Bigla kong naalala na may party nga pala si Papa ngayon sa bahay at binilinan niya akong huwag lalabas ng kuwarto hangga't hindi pa tapos ang party dahil halos alpha ang mga bisita niya. Natatakot siya na guluhin ko ang kasiyahan dahil sa isa akong omega.

Mabilis akong bumalik sa loob ng aking kuwarto at ininom ang gamot ko para ma-supress ang aking pheromones o ang aking amoy. Masyado kasing sensitive ang mga alpha sa amoy naming mga omega. Ayaw nilang naaamoy kami dahil kasalanan namin kapag nagahasan nila kami, dahil inakit namin silang mga alpha sa amoy namin. It will be hard for them to stop their urges once na makaamoy sila ng omega, lalo na ang mga omegang in heat. They lose their minds. But for me, it sounds like na mga manyak lang sila. No self-control. Irresponsible.

Iniiling ko na lang ang aking ulo at tumuloy ng pumunta sa kusina ng palihim. Tagumpay naman akong nakapunta roon ng walang nakakapansin dahil halos lahat ay nasa pool area.

Pagkapasok, naabutan ko si Manang Sally na hinahalo ang carbonara na bagong luto niya. Napalunok ako at talaga namang ramdam na ramdaman ko na ang panunuyo ng aking lalamunan. Carbonara. Paborito ko.

"Oh Ruwi, buti naman at gising ka na. Tulog ka pa kanina noong dinala ko ang miryenda mo, saglit tatapusin ko lang ito at bibigyan kita ng makakain. Base sa mga tingin mo gutom na gutom ka na," natatawang sabi niya sa akin. Tumango-tango ako bilang sagot at parang batang naghintay sa may sulok habang pinapanood ko siyang kuhanan ako ng pagkain. Malapit ako sa mga katulong dito sa bahay at halos mga beta sila kaya ayos lang na lapitan ko sila dahil hindi naman nila naaamoy ang pheromones ng mga alpha at omega. Sana nga naging beta na lang ako para mapayapa ang pamumuhay ko, hindi kagaya ng mga omega na kahit hindi mo naman sinasadyang ilabas ang amoy mo, maaaring atakihin ka ng mga alpha. At sa huli, sa omega ang sisi dahil sila ang naglabas ng amoy. Ganun ka-unfair ang mundong 'to sa mga omega.

Parehong alpha ang mga magulang ko kaya naman akala ko alpha na rin ang magiging pangalawang kasarian 'ko, pero sa huli ay naging omega ako. Ang pinaka mababang uri, sabi nila. Namatay sa panganganak ang ina ko kaya hindi ko na siya naabutan pa. At kahit kaming dalawa na lang ni Papa sa buhay, hindi maayos ang relasyon namin. Galit siya sa 'kin dahil isinakripisyo ng pinakamamahal niya ang kanyang buhay para sa walang kuwentang omega na kagaya ko. Labing pitong taon na niya ako sinisisi sa pagkamatay nito kaya naman kahit may bonggang party na ganito ay itinatago niya ako sa aking silid. Ikinahihiya niya ako.

Hindi naman kaso sa akin na hindi niya ako binibigyang pansin. Sapat na sa akin ang may magandang tinitirhan, nakakain ang kahit anong gusto ko, nakakapag-aral, at hindi ako naghihirap magkaroon ng pera kagaya ng iba. Suwerte na lang talaga na mayaman ang matandang lalaking iyon.

Pero kahit ganoon ay hindi pa rin ako nawawalan ng problema. Kahit anong yaman ng tatay ko hindi mawawalang isa lang akong omega. Majority ng populasyon sa mundo ay ang mga babae at lalaking beta na hindi naaapektuhan ng pheromones na inilalabas ng mga alpha at omega. Walang heat ang mga Beta. Tanging babae lang na beta ang puwedeng mabuntis dito. At ang minorities naman ay ang mga alpha at omega. Ang mga alpha ang nakaupo sa tuktok ng mundong ito. You'll often see them as professional athletes, working for the government, or may-ari ng malalaki at sikat na kompanya. Majority of the people known to carry superior genes from birth are alphas. Kahit babae o lalaking alpha ay maaaring makabuntis. Kahit babae sa mga ito ay superior. And the rarest of them all within the population are us, omega. Babae man o lalaking omega ay maaaring mabuntis ng isang alpha. Our existence is heresy. They said that we only exist for breeding and that's why they looked down on us. We're at the bottom of this goddamn world.

Kanina pa pala sobrang lalim ng iniisip ko at natapos ko ng kainin ang lasagna at carbonara na inabot sa akin ni Manang Sally kanina. Lumapit naman ako sa may ref at kinuha ang vanilla ice cream na nasa may freezer. Lumabas na ako sa may kusina dahil pampasikip lang ako roon. Busy na busy sila para lang ma-satisfy ang panlasa ng mga walang kuwentang alpha na iyon. Paniguradong wala silang kuwenta kung hindi alpha ang pangalawang kasarian nila. Napailing na lang ako saka isinubo ang hawak na kutsarang may ice cream. Kung ano-ano na naman ang pumapasok sa isip ko ngayong alam kong may ibang mga mayayabang na alpha sa loob ng bahay na ito. Let's just lay low, ayaw ko ng gulo.

Pabalik na ako sa aking kuwarto ng mapatigil ako sa aking paglalakad pataas ng hagdan. May bigla akong naamoy. Noong mga sandaling iyon ay tila tumigil sa pagtibok ang puso ko kasabay ng pag-iinit ng aking buong katawan.

What. . . is this? The scent was so sweet like a fragrant flower.

Napalingon ako sa aking gilid at doon ay saktong nagtagpo ang aming tingin. Kitang-kita namin ang gulat ng bawat isa nang magtama ang aming mga mata. Alam kong alpha siya, at alam ko rin sa sariling ayaw ko sa mga alpha. Pero hindi ko magawang iiwas ang tingin sa alphang 'to. Nag-iinit ang buong katawan ko at may tuwa akong nararamdaman sa loob ko. Para bang nakita na ng mga mata ko ang matagal ko ng hinahanap. Alam kong ganoon din siya, kita ko sa mga mata niya. At noong mga oras na iyon. . . isang pangungusap lang ang pumasok sa isip ko habang nakatingin sa malalim at itim niyang mga mata na parang hinihigop ako papalapit sa kanya.

Pangungusap na isinisigaw ng aking buong katawan at hindi ko akalaing maiisip ko kailan man.


I want him to stir me up.


Kung hindi ako lumingon noong mga oras na iyon. . .

Kung hindi ko tinagpo ang mga mata niya. . .

Kung sana ay umiwas na lamang ako ng tingin at binalewala siya. . .

Magbabago kaya ang masalimuot na buhay ko ngayon?

⚠️ MAHALAGANG PAALALA: ANG MGA SUSUNOD NA KABANATA AY MAAARING MAGLAMAN NG MGA EKSENANG RAPE, PAGPATAY, AT IBA PANG MGA SENSITIBONG NILALAMAN NA HINDI MAAARI SA MGA SENSITIBONG MAMBABASA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⚠️ MAHALAGANG PAALALA: ANG MGA SUSUNOD NA KABANATA AY MAAARING MAGLAMAN NG MGA EKSENANG RAPE, PAGPATAY, AT IBA PANG MGA SENSITIBONG NILALAMAN NA HINDI MAAARI SA MGA SENSITIBONG MAMBABASA. KUNG HINDI PA BUKAS ANG ISIPAN MO PARA SA MGA BAGAY NA ITO, LIBRENG HUWAG NG ITULOY BASAHIN ANG LIBRONG ITO.

Fate of the Pair [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon