CHAPTER 09
ELIAS.
Nang makapasok ako sa malapit na convinience store, doon ko lang naisip kung anong klaseng kape ba ang gusto niya. Natawa ako ng mahina, we're still a stranger. We don't know much about each other that's why I made this day just for the two of us. I want to know more about him. I want to know what he likes, his favorites, and the coffee he wants. I want to know everything.
Malalim ang aking iniisip nang maramdaman ko ang vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Napabuntong hininga ako.
Oh come on, not now.
Babalewalain ko lang sana kung sino man ang tumatawag sa akin kaso ayaw nitong tumigil, mukhang importante. Wala akong nagawa kaya dinukot ko sa bulsa ang cellphone saka sinagot ang tawag ni Jacob.
"Elias! Bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko?" ramdam ko ang irita sa boses niya. Hindi lang ito basta irita, parang takot siya dahil matagal kong sinagot ang tawag. As if may nangyaring masama sa 'kin.
"Why? May nangyari ba? Bakit parang takot na takot ang boses mo? Saka alam mo ba kung anong kape ang gusto ni Ruwi?" Napangiti ako nang maisip, "Ah teka, bakit ko ba 'to tinatanong sa 'yo, hindi naman kayo close ni Ruwi. Saka bakit ba tawag ka ng tawag? Hindi ba sinabi kong ayaw ko ng abala ngayong araw?"
"Ah ano, oo nga sinabi mo 'yon sa 'kin. Ayaw ko ring guluhin ang date niyo ni Ruwi, may gusto lang akong itanong. Hindi ba area nina Guarino ang pupuntahan niyo?"
"Yeah, siya rin ang nag-recommend sa 'kin ng lugar na 'to. I'm planning to visit him later to thank him---"
"N-No! Huwag kang pupunta kay Guarino. Loko ka ba? Mag-isa ka lang, wala kang ibang kasama!" putol niya sa sinasabi ko.
Napatigil ako sa pagtingin ng mga inumin na nasa loob ng freezer. Nararamdaman kong may mali, may kakaiba kay Jacob ngayon. Bigla akong nakaramdam ng masamang kutob dahil sa pagpigil niya sa 'kin. "What is it? May problema ba, Jacob?"
"H-Hindi ko pa sure, young master. Pero sabi ni Mark, na itinanim natin sa gang ni Guarino para bantayan ito, may pinaplano daw si Guarino---"
"Ruwi. . ." Nanlaki ang aking mga mata saka ibinaling ang tingin sa may parking lot kung saan iniwan ko si Ruwi.
"Elias?"
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Tumakbo ako palabas ng convinience store, doon nasagot ang masamang kutob ko.
BINABASA MO ANG
Fate of the Pair [MPREG]✓
RomanceWhat's meant to be will always find a way. Ruwi Chavez, an omega, and Elias Hwang, an alpha, are fated pair. They are destined to be together, but Elias didn't like this idea. He doesn't want Ruwi to enter his world where he had so many enemies. He...