RUWI.
Hindi ko na alam ang nangyayari. Tinurukan ako ng gangster na 'yon ng droga. Pamilyar ang pakiramdam na ito, ito rin ng drogang itinurok sa akin ni James. Heat inducer. Mas lalong nanganib ang lagay ko. Hindi ko maigalaw kahit daliri ko, mukhang nabigla rin ang katawan ko sa pakikipaglaban kanina. Matagal na rin nang huli kong banatin ang katawan ko. Dapat hindi ako tinamad mag-excercise ulit nang makalabas ako sa bodegang 'yon. Kasalanan ko rin, hindi ko inaalagaan ang sarili. Naging mahina na ako nang ikulong ni Papa sa bodega.
Bahagya kong iminulat ang mga mata, naikot pa rin ang paningin ko. Kinapa ko ang bulsa, nagbabakasakaling may gamot pa ako roon. Hindi ako binigo ni Manang Sally, naramdaman ko ang gamot. Agad kong ininom iyon at kinalma ang sarili. Mayamaya'y nawala na medyo ang sakit ng ulo ko. Naimulat ko na ang mga mata at kinilabutan ako sa nasaksihan. Nasa harap ko ngayon si Elias na sinasakal ang lalaking mukhang gang leader. Hindi binibitawan ni Elias ang lalaki hanggang sa maging ube na ang balat nito.
"E-Elias?" tawag ko sa kanya. Doon ko lang napansin na kulay ginto ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin. Binitawan niya ang sinasakal saka siya lumapi sa akin. Napaupo ako at niyakap niya ako ng mahigpit kaya naman niyakap ko rin siya, nakahinga ako ng maluwag ngayong nandito na siya.
Naramdaman kong ibinurol ni Elias ang mukha niya sa leeg ko, ramdam ko rin ang paggalaw ng ilong niya. Mukhang inaamoy niya ako, hanggang sa mapaigtad ako dahil naramdaman ko ang mainit niyang dila. Ngayon naman ay dinidilaan niya ako.
"T-Teka, Elias." Inilayo ko siya sa akin hanggang sa magkaharap ulit ang aming mukha. "Ayos ka lang ba?"
Hindi niya ako sinasagot, parang wala siya sa sarili niya habang magkasalubong ang kanyang kilay. Sinubukan kong umalis pero hinila niya lang ako ulit at ngayon ay nakayakap na siya mula sa likuran ko. Sinasamyo niya ngayon ang aking batok, hindi ko mapigilang hindi tigasan dahil sa ginagawa niya. I'm so turned on right now. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Elias pero ayaw niya akong paalisin ngayon sa mga bisig niya.
Naramdaman kong muli ang dila niya sa aking batok. T-Teka, kakagatin niya ba ako? Mamarkahan niya ba 'ko?
Napapikit ako. "Wait, Elias---" Narinig ko ang pag-ungol ni Elias. Para siyang galit na aso, at nang imulat ko ang mga mata nakita kong kagat-kagat na ni Elias ngayon ang braso niya. Nagulat ako sa lagay niya, parang pinipigilan niya ang sariling kagatin ako. Ito ba ang rut niya? Kaya ba parang wala siya sa sarili ngayon? Kaya siguro ayaw niya rin akong pakawalan. Naiyak na lang ako habang iniisip 'yon.
"B-Bakit ka pa pumunta rito?"
Hindi ako makapaniwalang pumunta pa siya rito kahit alam niyang mapapahamak lang siya.
JACOB.
Huli na nang dumating kami. Tumba na lahat ng kasama ni Guarino sa labas ng hindi pa tapos na gusali, ito ang hideout nila. Pumasok kami at sinundan ang katawan ng mga lalaking nakahandusay sa daan. Hanggang sa makarating kami sa huling palapag, hindi ko akalain na pinatumba lahat ni Elias ang mga bangkay na nadaan namin. Ibang level ang lakas niya. Well, he wouldn't be next in line if he's weak. He had that monster's blood, after all.
BINABASA MO ANG
Fate of the Pair [MPREG]✓
RomantikWhat's meant to be will always find a way. Ruwi Chavez, an omega, and Elias Hwang, an alpha, are fated pair. They are destined to be together, but Elias didn't like this idea. He doesn't want Ruwi to enter his world where he had so many enemies. He...