CHAPTER 03
JACOB.
"T-This is too cruel," sabi ko habang nasa likuran ni Elias. Nakatingin kami ngayon sa omegang hubo't hubad at walang malay na nakahiga sa sahig. Kitang-kita sa moreno niyang balat ang mga pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan niya.
Dumating ang isang lalaki na pinakuha ko ng kumot saka ko inabot kay Elias. Napansin ko ang panginginig ng magkabilang kamay ni Elias habang binabalutan ng kumot ang hubad na katawan ng omega. So rare to see him like this. Palagi akong nakasunod kay Elias simula bata pa lang siya pero hindi ko pa siya nakikitang manginig ng ganito, kahit noong unang beses siyang kumitil ng buhay.
Pinanood ko lang si Elias na balutan pagkatapos ay buhatin ng maingat ang omega na si Ruwi na parang isa itong babasagin at napakahalagang bagay sa kanya. Hindi ako makapaniwalang makikita ko siyang ganito.
"Jacob, do me a favor. I can't use my hands now," mahinahon lang ang pagkakasabi niya noon pero ramdam pa rin ang galit sa tono niya.
"Kami ng bahala, Young Master."
Tumayo si Elias at naupo sa isang upuan habang buhat-buhat pa rin si Ruwi na walang malay. "Change of plans. I won't let you go, no matter what happen." Inilapit niya ang labi sa omega at hinalikan ang noo nito.
Mabilis akong tumalikod sa matamis na eksenang 'yon at nilingon si Chavez na ngayon ay nakatali ang mga kamay at nakaluhod sa harapan namin. Hindi pa rin ako sanay na ganoon si Elias.
"Now, tell us kung sino silang lahat. Isa-isa," sabi ko habang isinusuot ang itim na gloves sa magkabila kong kamay.
"Tell w-what? S-Saka sino ba kayo? Bakit kayo narito!? Hindi niyo alam pero mapapahamak kayo kung kukunin niyo ang omegang 'yan!" Hindi pa rin nawawala ang angas sa tono ng pananalita niya. Lumapit ako sa kanya at sinipa ang tiyan niya, kita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Napangisi ako, hindi ko lang kasi siya basta sinipa, may kutsilyong maliit sa dulo ng sapatos ko kaya naman mabilis siyang namaluktot sa sakit. Nang tanggalin ko ang paang ipinangsipa, mabilis na umagos ang dugo sa tyan niya.
"A-Ahhh. . . AHHHH ANG SAKIT! ANG SAKIT AHH!"
"Tsk!" Napaurong ako nang biglang humiga sa sahig ang matandang 'to habang pumapalahaw ng iyak. "Pathetic. Hawakan niyo siya."
Mabilis na kumilos ang apat na lalaki saka iniharap muli sa akin si Chavez. "Huwag! Bitawan niyo 'ko! Ayaw ko, ayaw ko!" Naisapo ko ang kamay sa bibig. Hindi ako makapaniwalang mas matanda pa sa 'kin ang lalaking nasa harapan ko ngayon. He's like a child.
"Now, now, stop acting like a child," naupo ako para magpantay ang aming tingin. "After you did that kind of thing to your own son."
Sinamaan ko siya ng tingin, at parang bata ay naintindihan niya ang pagtingin ko. Nakita ko ang paglunok niya kasabay ng pananahimik, ngayon ay nakatikom na ng maigi ang bibig niya at natatakot na gumawa ng kahit anong ingay. Napangisi ako, now we're talking.
BINABASA MO ANG
Fate of the Pair [MPREG]✓
RomanceWhat's meant to be will always find a way. Ruwi Chavez, an omega, and Elias Hwang, an alpha, are fated pair. They are destined to be together, but Elias didn't like this idea. He doesn't want Ruwi to enter his world where he had so many enemies. He...