CHAPTER 5
RUWI.
Niyakap ko ang sarili dahil sa malamig na hangin na lumampas sa akin. Madilim na ang paligid, tanging liwanag na lang ng buwan ang nagiging ilaw ko habang tinatahak ang misteryosong gubat na ito. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako papunta, basta diniretso ko ang daan pagpasok ko ng kagubatan, wala na akong ibang makitang daan kundi ang gubat. Napagdesisyunan kong pumunta sa kabilang bahagi ng isla, kung nasaan ang tinutukoy ni James na lokasyon ng lalaking naglabas sa akin sa bodega.
Wala naman akong choice dahil wala akong ibang pupuntahan, saka baka malamig na bangkay na ako kapag binalikan nila ako James dito bukas ng umaga. Maganda na rin siguro ang pangyayaring 'to para makilala ko na ang bagong alphang pagsisilbihin ko. Napapaisip tuloy ako, akala ko nakaalis na ako sa masalimuot kong sitwasyon sa bodega. . . ganun din kaya ang gagawin ng alphang 'to sa 'kin? Ibebenta ako sa iba para pagkakitaan.
Napangisi ako. Ano bang iniisip ko? Na iba sa mga nakilala kong alpha ang alpha na pagsisilbihan ko ngayon? Umiling ako. Nagiging delusyunal na naman ako. Wala pa 'kong nakikilalang alphang may magandang pag-uugali para sa mga omega, lahat sila ay mababa ang mga tingin sa amin. Nakikita lang nila kami para halayin.
Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ang alingawngaw ng aking tyan. Shoot, hindi man lang ako pinakain ng James na 'yon bago ako isabak dito. Inilinga ko ang paningin, nagbabakasakaling makakita ng maaaring kainin sa mga nagtataasan at naglalakihang puno na nakapaligid sa akin. Pero dahil madilim, agad din akong sumuko. Natakot ako bigla dahil baka sawa na ang makita ko. Ngayong nakaisip ako ng ahas, mas lalo akong naging sensitibo sa dinadaanan ko. Takot ako sa ahas at nasa kalagitnaan ako ng gubat ngayon sa misteryosong isla na 'to. Gaano ba kalayo ang kabilang dako na iyon? Baka abutin na ako ng umaga e, hindi pa 'ko nakakarating.
Hanggang sa tumingin ako ng diretso sa madilim na kagubatan na daraanan ko. Napansin ko ang maliit na ilaw at nang tingnan ko ito ng maigi, doon ko napagtanto na ilaw ito ng bumbilya sa taas ng pinto. Ito na ang bahay!
Tumakbo ako sa madamong daan na aking tinutungtungan. Konting takbo ko na lang ay makakarating na ako sa bahay nang bigla akong mapahiga sa damuhan dahil may biglang mabigat at solid na bumangga at pumaibabaw sa akin. Tiningnan ko ang dahilan ng aking pagbagsak at agad akong nanghina nang makita ang isang pares ng kulay ginto nitong mga mata. Akala ko mabangis na hayop, pero mas nakakatakot pa sa mabangis na hayop ang nasa ibabaw ko.
Mabilis na tumindig ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Isang alpha. Agad nanghina ang aking katawan dahil sa amoy na inilalabas niya. Sobrang kapal ng pheromones niya na halos kapusin na ako ng hininga, pero dahil omega ako ay agad na nagreact ang aking katawan. Mabilis na nag-init ang aking loob at nalasing sa amoy niya. Pamilyar ang pheromones na inilalabas niya, kaarawan ba ng rut ng alphang ito? Ramdam kong gusto niya akong halayin, gusto niyang angkinin ang buong pagkatao ko at ang katawan ko naman ay mabilis na tumutugon sa kagustuhan ng alphang nakapaibabaw sa akin. Gusto kong bumukaka sa harapan niya at nahihiyang ipakita ang lagusan ko papunta sa alapaap.
BINABASA MO ANG
Fate of the Pair [MPREG]✓
RomanceWhat's meant to be will always find a way. Ruwi Chavez, an omega, and Elias Hwang, an alpha, are fated pair. They are destined to be together, but Elias didn't like this idea. He doesn't want Ruwi to enter his world where he had so many enemies. He...