Pair of Sorry

340 9 0
                                    

CHAPTER 12

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER 12

ELIAS.

"You look happy. They say love can change people pero hindi ko akalaing pati ikaw ay mababago nito," puna ni Alex. Napakamot ako sa likuran ng aking ulo.

"You think so?" Masyado atang obvious na sobrang saya ko.

"Yes. Kanina pa tayo nag-uusap pero nang ikuwento mo sa 'kin ang tungkol sa omega mo, halos umabot na ang ngiti sa tainga mo. Hindi ko akalaing dadating ang araw na makita kitang ngumiti ng ganyan," sabi niya habang nakangiti. Nasa kalagitnaan kami nang pag-uusao nang biglang umilaw ang cellphone kong nakapatong sa lamesa. Tumatawag si Jacob. Agad kong ibinaba ang tawag.

"About doon sa sinasabi ko sa 'yo---" Naudlot ang sinasabi ko nang muling tumawag si Jacob.

"Uhm, you can answer that first."

"No, it's alright." Itinago ko ang cellphone sa bulsa saka itinuloy ang sasabihin. "About doon sa proposal na gagawin ko kay Ruwi, balak ko sanang mangyari 'yon by the end of the month."

"Okay, I got it. I'm glad na ako ang kinuha mo para mag-ayos ng venue."

"Well, I know how you work---" Naramdaman ko na naman ang vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Hindi ko alam kung pang-ilan na ni Jacob itong tawag kaya naman napagdesisyunan kong sagutin na ito. Hindi naman siya tatawag ng ganito karami kung hindi emergency. "Excuse me, sasagutin ko lang 'to ng mabilis."

"No worries," sabi ni Alex saka ako nginitian. Tumayo ako sa kinauupuan saka pumunta sa banyo na malapit lang sa puwesto namin.

Bumuntong hininga ako bago sagutin ang tawag. "Jacob? May nangyari bang masama?" Bigla na naman kasi ako kinutuban ng masama noong sinagot ko ang tawag.

"Si Ruwi 'to. Nasaan ka?"

"Oh hey, love. Ayos ka lang ba?" Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang boses niya.

"Pauwi ka na ba?" tanong niya. Napatingin ako sa relo na nasa kamay ko.

"I don't think so. Hindi ata kita masasamahang mag-dinner, magpaluto ka na lang kay Jacob---"

"Bakit? Nasaan ka ba?" Bigla niyang pinutol ang sinasabi ko. Looks like he missed me na agad. Bigla akong nagdalawang isip kung sasabihin ko ba sa kanya kung nasaan ako. I don't think maaga kaming matatapos mag-usap ni Alex. Pag sinabi kong nasa coffee shop ako, tatanungin naman niya kung sinong kasama ko, and then baka ma-misunderstood niya kami ni Alex dahil isa ring omega si Alex. It would not look good kung magkasama ang isang omega at alpha.

"Nasa ano lang ako. . . nasa. . . office." Napakamot ako sa likuran ng aking ulo. I-I lied, damn. I don't want to lie but kailangan ko munang itago lahat 'to kay Ruwi. I know na parang ang bilis naman, na mag-po-propose na agad ako sa kanya kahit wala pang isang linggo ang relasyon namin but ayaw ko na siyang mawala. I'm sure na siya ang gusto kong makasama hanggang sa malagutan na ako ng hininga. "Baka tulog ka na kapag bumalik ako, kailangan ko ng bumalik. Bye, love. I love you."

Mabilis ko ng in-end ang tawag para hindi na siya makapagtanong pa. Bakit parang kinakabahan ako sa ginagawa ko ngayon? Never pa akong kinabahan kumitil ng buhay pero parang kinakabahan ako sa pinaplano ko. What if masyado kong mabigla si Ruwi sa proposal na gagawin ko? What if i-reject niya ako dahil hindi pa siya handa? What if maisip niyang ang selfish ko dahil itinatali ko na agad siya sa akin? I didn't even ask his opinion about this. What if he didn't like it?

"Okay na?"

Nabalik ako sa wisyo dahil sa tanong ni Alex. Nginitian ko siya. "Yeah, it's actually Ruwi. Mukhang na-mimiss na agad niya ako---"

Napaigtad ako sa kinauupuan nang may tumama sa bintana na nasa gilid ko. Napatingin ako sa bumato at nagulat nang makilala kung sino 'yon.

"R-Ruwi. . ." Kita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. Napatulala ako at napaisip, kailan pa siya naroon? Tinanong niya ba ako sa tawag kanina kahit alam niya talaga kung nasaan ako? "No. . . Ruwi!"

Tumayo ako sa kinauupuan saka hinabol si Ruwi na ngayon ay tumatakbo palayo sa akin.


RUWI.

"Hmmm! Uhm hmmp! Uhhhmp!"

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawang sabihin ang mga gusto kong sabihin dahil sa tape na nasa bunganga ko. Pinilit ko ring manlaban habang papunta kami sa hindi ko alam kung saan pero ang ending, itinali nila ang mga kamay at paa ko.

"Hindi ko akalaing pahihirapan tayo ng omegang 'to," sabi ng isang lalaking katabi ko rito sa backseat.  Gusto ko pang manlaban pero kalaunan ay naubos na ang enerhiya ko. Nanahimik na lang ako at hinintay kung saan kami papunta. Napansin kong mga beta sila kaya naman hinayaan ko na lang na dalhin nila ako sa kung saan. Wala rin naman akong magagawa. Dapat kanina pa ako nanahimik, dapat inipon ko na lang ang enerhiya ko. Kumulo lang ang dugo ko dahil ayaw nilang itigil ang sasakyan. Gusto ko sanang tulungan si Elias dahil nadapa siya pero ngayong iniisip ko 'yung nangyari sa kanya parang deserve naman niya 'yon. And advance ng karma.

Hindi ko alam kung bakit siya nagsinungaling. Totoo kayang rebound lang ako ni Elias? At ngayong bumalik na ang first love niya ay pababayaan niya na ako? Siguro hindi ko muna kakausapin si Elias. Natatakot akong makipag-break siya sa 'kin. Hindi pa nga nag-uumpisa ang relasyon namin, matatapos na agad?

Naramdaman kong huminto na kami saka nila ako hinila palabas ng sasakyan. Paglabas, bumungad sa amin ang napakataas na building, at sa ibabaw ng entrance ay may malalaking letrang nakasulat na HWANG'S HOTEL.

W-Woah. Hindi ko akalaing makakatapak ako rito. Alam ko ang hotel na ito, kilalang kilala ito dahil sa garbo nito. Mga mayayaman lang ang kayang makapag-book ng kuwarto sa lugar na ito. Pumasok na kami sa naturang hotel. Pagpasok pa lang sa lobby nakumpirma ko na kung bakit nga ba kilala ang hotel na ito. Parang salamin sa linis ang sahig, halos makita ko na ang sarili ko roon. Kumaliwa kami saka binaybay ang hallway roon. Hanggang sa makarating kami sa dulong pinto, doon kami pumasok. Mas lalo lang namilog ang mga mata ko dahil sa laki ng silid at sa kintab ng mga gamit na naroon. Sa gitna ng silid ay may malaking bilog na lamesa. May nakaupo na roong lalaking natatakpan ng dyaryo ang mukha. Pinaupo ako ng mga beta sa harap ng lalaking 'yon.

"William, what's with the restrain?" tanong ng kaharap kong lalaki saka niya ibinaba ang dyaryong binabasa kanina.

"He's wild, master," sabi ng lalaking malaki at nagdrive kanina ng inova. Sinamaan ko siya ng tingin. Ako? Wild? Sinabi ko lang na itigil niya ang sasakyan pero hindi niya ginawa. "Nahimatay si Clark sa sasakyan dahil sa kanya. He's quite strong."

Biglang tumawa ng malakas ang kaharap kong lalaki habang tinatanggal ng William ang tali sa kamay at paa ko, pati na ang tape na nasa bibig ko. Ngayong natignan ko siya, may kahawig siya. Maputi na ang mga buhok niya, payat pero kita ko sa fit niyang itim na polong suot ang mga muscle niyang itinatago. Kahit alam kong matanda na siya, kitang-kita ko pa rin ang karisma niya. Napaiwas ako ng tingin ng maramdamang nag-iinit ang mukha ko. Hindi ko akalaing ma-a-attract ako sa ganitong katanda. Ito ba ang tinatawag nilang daddy issue? Wait, hindi! Umiling ako. Kay Elias lang ako.

Pero teka, parang kilala ko na ang kamukha ng lalaking nasa harapan ko--- napasinghap ako.

"No way. . ." bulong ko habang nakangisi at nakatingin sa akin ang matanda. "I-Ikaw ang tatay ni Elias?"

"Yes, and siguro alam mo na kung bakit kita pinadala rito."

Napalunok ako. "Hindi ko alam---"

"Layuan mo si Elias." Nanigas ako sa kinauupuan. Wow, straight to the point. Para akong nabingi, hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. "Madaming gustong magpakasal sa anak ko. Mga mayayaman silang alpha, omega, at beta. They can give him power and influence. While you? What do you have?"

Bigla akong nanliit sa kinauupuan. It's his father after all, ang gusto niya lang ay ang makakabuti kay Elias.

"Mapapahamak ka lang at kapag napahamak ka, pati si Elias ay mapapahamak."

"B-But I can fight! Kaya kong protektahan ang sarili ko."

"Yeah, I know. I know you can fight. I saw it. . . your records. But what I want to ask is what can you give to my son? Why does it have to be you? You don't have anything other than your butt hole." Para akong sinasakal ng nanlilisik niyang mga mata. Nakakatakot ang ama ni Elias, sa totoo lang. Ngayon naisip ko, mafia boss nga pala itong kaharap ko.

"I can make Elias happy."

"Anyone can make him happy."

Napangisi ako, "No way. Hindi na siya mabubuhay ng wala ako."

Nanliit ang mga mata ng tatay ni Elias habang nakatingin sa akin. "Now that I think about it, I can't smell your pheromones. Don't tell me---"

"RUWI!"

Biglang bumukas ang pinto at kagaya ng inaasahan ko, si Elias ito. Mabigat ang mga paghinga niya, at halatang pagod na pagod siya. May sugat din sa noo niya na mukhang nakuha niya noong nadapa siya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang paghalakhak dahil sa intense na nararamdaman ko sa buong silid.

"Papa! Anong sinabi mo kay Ruwi?" Mabilis na bumaling ang tingin niya sa papa niya na nakaupo sa 'king harap.

"Wala kang karapatang magalit sa akin, Elias. Nanganganib na ngayon ang buhay mo! Bakit minarkahan mo ang omegang 'to? Sigurado ka na ba sa kanya?"

"Hindi ko siya mamarkahan kung hindi pa ako sigurado sa kanya. Si Ruwi lang ang gusto ko, pakakasalan ko na rin siya at magkakaanak kami! Kung hindi mo gusto si Ruwi, hindi mo na rin ako makikita."

Hinawakan ni Elias ang kamay ko saka ako hinila palayo roon. Lumabas kami ng hotel saka kami sumakay sa sasakyan ni Elias. Huminga ako ng malalim dahil sa mabilis na mga pangyayari. Ayos lang bang nilayasan namin ang Papa niya kanina? What if hindi siya tumigil hanggang hindi kami naghihiwalay? Papahirapan niya ba 'ko?

Iniling ko ang ulo saka tumingin sa labas ng bintana. Pareho kaming tahimik sa byahe, walang gustong magsalita. Ngayong kami na lang dalawa, biglang bumalik sa akin ang galit ko kanina. Nagsinungaling siya. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon pero sobra akong nasaktan.

Tumigil ang sinasakyan namin nang magpula ang traffic light.

"Look, I-I know I lied and I'm sorry," panimula niya. Ibinaling ko ang tingin kay Elias na nasa driver's seat. Nakayuko siya ngayon sa manibela. "I'm sorry kung nasaktan kita. Gagawin ko ang lahat just don't run away from me again, okay?"

Hindi pa rin siya tumitingin sa akin pero ramdam kong nagsisisi talaga siya base sa boses niya. "Is that Alex?"

Natahimik siya saglit bago sumagot, "Yes."

"Your first love?"

"What?!" Itinunghay niya ang ulo at ibinaling ang tingin sa akin.

"You finally looked at me." Nginitian ko siya. Kita kong nangingilid ang luha sa mga mata niya. "So, why did you lie?"

Muli siyang umiwas ng tingin, "P-Puwede bang huwag ko na lang sabihin?"

"Why? Is it true na first love mo si Alex at ngayon may balak ka ng iwan ako para sumama sa kanya?"

"WHAT!? Where the hell did you get that from?" mukhang naguguluhan siya sa mga pinagsasabi ko. So hindi lahat 'yon totoo?

Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya, I can't believe na bumenta sa 'kin ang chismis ng lokong 'yon. "Ano. . . narinig ko lang na pinag-uusapan ng mga---" Hinawakan ako ni Elias sa batok saka inilapit sa kanya para halikan. He kissed me gently while touching my ears. Agad akong nanlambot dahil sa ginawa niya.

"Hindi kita iiwan and never kong naging first love si Alex. Ikaw ang first ko sa lahat, and you'll also be the last. And about doon sa rason kung bakit nagsinungaling ako, h-hindi ko pa kayang sabihin sa 'yo. Soon, malalaman mo rin so, can't you just let it slide for now? I promise na ikaw lang ang mahal ko."

Damn, he's just doing whatever he wants and saying whatever he want to say. But I still love him, so paano pa ako magagalit sa kanya? I can't. Ipinulupot ko ang kamay sa leeg niya saka siya hinapit para halikan. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang paghahalikan namin, w-wait gagawin ba namin 'to rito?

"Wait, Elias---"

Pareho kaming napaigtad nang marinig ang malakas na busina sa likuran namin. Damn, nasa kalsada pa nga pala kami. Agad naming binitawan ang isa't isa saka bumalik sa pagmamaneho si Elias. Nararamdaman ko pa ring mainit ang mukha ko. Nabitin ako sa ginawa namin. Naramdaman ko ring bumilis ang pagmamaneho ni Elias, at habang papalapit kami sa villa nila ay mas lumalakas ang kabog ng aking dibdib. We're going to do it when we get home, right?



Fate of the Pair [MPREG]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon