CHAPTER 06
RUWI.
". . . WI! HOY, RUWI!"
Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Manang Sally. Nilingon ko siya sa 'king tabi na pinuputol ang mga sitaw na nasa planggana. "B-Bakit po?"
"Anong bakit? Sigurado ka bang ayos ka lang? Kanina ka pa hindi nakikinig sa mga sinasabi ko. Hindi lang ngayong araw wala ka sa pokus, simula noong isang araw nang bumalik ka parang lagi na lang ang lalim ng iniisip mo."
Nginitian ko siya. "Ayos lang po talaga ako."
"Sigurado ka ba talagang walang nangyaring masama sa pinuntahan mo?"
Hindi agad ako nakaimik, pero para hindi niya mahalata nginitian ko lang ulit siya. "Wala po."
Totoo ang sinabi ni Manang Sally na ilang araw na 'kong wala sa pokus simula nang bumalik ako rito sa mansyon galing sa isla. Hindi na rin bumalik si Elias noong gabing iyon hanggang sunduin kami ni James kinaumagahan kasama ang babaeng omegang hinampas ni Elias. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Ilang araw ko ng iniisip kung bakit bigla na lang siya nagalit sa akin noong gabing iyon at hindi na bumalik. Hindi ko alam kung anong rason pero alam kong galit siya sa 'kin.
"Mamayang gabi darating na si young master kaya mag-ayos ka na."
Napatigil ako sa pagpuputol ng sitaw. "Young master? Si Elias po ba ang tinutukoy niyo?"
"Oo, siya lang naman ang nag-iisang anak ni master. Nabalitaan kong nagkita na raw kayo noong dinala ka ni Sir James sa kung saan."
"Ehhh? Bakit biglaan naman atang uuwi si Elias?"
"Anong biglaan? Kahapon ko pa sinabi sa 'yong uuwi ngayong gabi si Elias."
Agad akong nakaramdam ng kaba nang malamang uuwi na siya rito mamaya. Galit pa rin kaya siya sa 'kin? Bakit pakiramdam ko may nagawa nga akong mali pero hindi ko naman alam? Nananakit na ang ulo ko kakaisip kung bakit at masasagot lang ang lahat ng tanong ko mamaya. Kailangan ko siyang makausap.
At kagaya nga ng sinabi ni Manang Sally, umuwi ngayong gabi si Elias. Nagtipon tipon ang lahat ng kasambahay malapit sa pinto para salubungin si Elias, nakapila kaming lahat sa magkabilang gilid para gumawa ng daan sa papasok na ngayong grupo ng mga lalaki. Kasunod niya ang limang lalaking naka-itim na formal attire, kasama si Sir James. Mga mukha silang gangster sa mga napapanood kong noir movies. Kagaya ng sa lima ang suot ni Elias pero mas kapansin-pansin si Elias dahil sa makarisma niyang awra. Alphang alpha ang tindig niya. Kahit sinong madaanan niya ay siguradong hahabulin siya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Fate of the Pair [MPREG]✓
Storie d'amoreWhat's meant to be will always find a way. Ruwi Chavez, an omega, and Elias Hwang, an alpha, are fated pair. They are destined to be together, but Elias didn't like this idea. He doesn't want Ruwi to enter his world where he had so many enemies. He...