CHAPTER 2

3.3K 132 5
                                    

ACKHIRA'S POV

(8 months later)

"ATEEEEE!" I automatically glared at them ang titinis ng mga boses ng mga tsonggong to sakit sakit sa tenga.

"Ito po ang nahuli namin ni damian at Russel" Masayang balita pa ni Deniver sabay taas sa pitong malalaking isda

"Huh! Wala yan sa nakuha namin ni Leonora" Napalingon naman kami sa kararating lang na sina Leonara at Clara. Nakataas pa ang kilay nya habang nakatingin sa mga lalaki bago inikotan ito ng mata. Nilagay naman ni Clara sa ibabaw ng mesa ang basket na puno ng prutas.

"Oha kita nyo yan" Mayabang na saad ni leonora napailing nalang ako bago tiningnan ang mga prutas sa basket. Sa halos 8 months ko na dito nasasanay na ako na yung mga tsonggong to lang nakakasama ko.

"Ate Ayos ka lang po ba?" Tanong ni damian Tumango ako ng tipid

"Ate gusto mo po ba kami na magluluto?" Presenta ni Clara Umiling ako before I sigh and stand up

"Ako na bahala maglinis na lang kayo ng inyong katawan" Sabi ko

"Sige po kung yan ang gusto nyo" bago naguunahang tumakbo papalabas

Agad ko namang nilinisan ang isda sinimulan ko sa pagtanggal ng kaliskis ng isda,sunod ay tinanggalan ng hasang at lamang loob pagkatapos ay hiniwa ko.

"Ate ako nalang po ang nagpakulo ng tubig" Napasinghap naman ako at napasapo sa dibdib ko ng makita ko silang lima sa likoran

"Shuta bat ba kayo nanggugulat ha?" Pagalit na sabi ko napakamot naman sila sa batok

"Patawad ate" Sabi nila ng sabay ng biglang pumasok sa utak ko ang mga nangyari 8 months ago

(FLASHBACK)

"Hmm" Ungol ko bago dahandahang binuksan ang mga mata may lima akong silhouette na nakikita. Diniin ko muna ng matagal ang mata ko bago dahan dahang binuksan

"WAAAHHH!" Magkakasabay naming sigaw

Awtomatiko akong napaupo. Sino naman tong mga tsonggong to,mga taong grasa ba sila o gubat?

"WHO THE HELL ARE YOU?" Napaatras naman sila bago nagpaikot like nagmemeeting sila

'Ano daw?'
'Aba'y ewan ko'
'Bobo ka pala eh'
'Aba! Bakit matalino ka? Matalino ka?'
'Tahimik'

Yan lang ang narinig ko mula sa kanila maya maya ay naglinya ulit sila ng pahalang sa harapan ko.

"What?" Walang gana kong tanong sa kanila

"Ate pano ka po nabuhay ehh natinik ka po ng napakadilekado at nakakalasong bulaklak" Sabi nung little girl (Leonora) na may itim na buhok and curly sya, habang yung isang little girl (Clara) naman ay straight na straight yung buhok nya parehas itong kulay itim at mahaba.

THE RUNAWAY DUCHESS [NOBLEMEN SERIES #2] (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon